MAGIC BIGOTE

722 23 0
                                    

MAGIC BIGOTENi - Alex Asc

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MAGIC BIGOTE
Ni - Alex Asc

(Babala: Ito ay kuwentong punong-puno ng kalokohan.)

Ito si Rene Rakista. Padyak driver sa umaga, at Rakista sa gabi.

Isang pangit na lalaki at kailanman hindi pa nagkakanobya. Kung kaya naman, naghahangad siyang magkaroon ng babaeng magmamahal sa kaniya at pakakasalan niya.

Hindi siya naniniwala sa sabi-sabing hindi umano tumitingin sa panlabas na anyo ang mga kababaihan kundi sa busilak na puso. Bakit siya? wala pa ring nagkakagusto sa kaniya. Mabait naman siya, sadyang pinanganak lang talaga siyang hindi magandang lalaki. Mukang pinaglihi yata kay Setae ng kaniyang ina, kung kaya't tinawag siyang Rene.

Bawat kinikita niya sa pamamasada ay inilalaan niya sa paghahanap ng babaeng magkakagusto sa kaniya ngunit lagi siyang binabasted. Laging natatakot ang mga textmet at chatmate niya kapag nagkikita na sila.

Ngayong gabi, gi-gimick na naman sila ng kaniyang mga tropa. Si Rene, si Empoy, si Bentoy, at si Pepeto. Apat na magkakaibigan na halos 'di nagkakalayo ang itsura, dahil pare-parehong pinagkaitan ng kagandahang mukha.

Pormadong-pormado si Rene. Galing pa siya sa saloon para naman poging-pogi siya sa paningin ng mga chix. Kahit hindi man siya guwapo, baka sakaling sa porma siya makabingwit ng babae. Ganoon din ang tatlo niyang kaibigan.

Ako si Mr. Suave...
Oohhh grabe...
Habulin ng babae...
Araw man o gabe...
Oo ako si Mr. Suave...
Oohhh grabe...
Hayop kung dumiskarte...
Wala silang masabe...

Kasalukuyang ibinibirit ni Rene ang theme song nilang magkakaibigan sa videoke bar.

May magandang babaeng nasa kabilang lamesa ang nanonood sa kumakantang si Rene, nang kindatan iyon ni Rene.

Natapos na sa pagkanta si Rene ay nakatanaw pa din sa kaniya ang babae, na para bang ginayuma kay Rene.

"Nakikita niyo ba ang nakikita ko?" bulong ni Rene sa tatlo habang nakalapag ang madaming bote ng alak na pinagsasaluhan nila sa lamesa.

"Babae ba, Rene?" tanong nang nakangiting si Empoy.

"Alangan sa lalaki!" sagot ni Rene.

"Nasaan, Rene?" tanong naman ni Bentoy.

"Ayon sa kabilang table... kanina pa nakatingin sa akin..." kinikilig na wika ni Rene at lumingon nga sila sa banda roon.

Isang napakagandang binibini ang kumaway kay Rene na muntik nang ikinatumba ni Rene.

"Totoo ba ito mga pare?" sambit ni Rene.

"Oo... ikaw nga ang binabaybayan niya..." bulalas ni Pepeto.

Ginantihan din ni Rene. Panay kindat ng babae kay Rene na wari naghihintay na diskartehan ni Rene.

"Ginayuma mo 'yan 'no," pagbibiro ni Pepeto. Siniko lang siya ni Rene.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon