DORA-E-MOONster

607 20 0
                                    

DORA-E-MOONster

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.

DORA-E-MOONster

"ANG KATAUHAN NI DORA AT DORAEMON"

ni Alex Asc

Genre: Horror.

(Hindi ko sinisira ang imahe ng dalawang cartoon series, ngunit ito'y entry ko lamang sa isang paligsahan sa pagsusulat na ang tema ay si Dora.)

Kakatapos lang ng cartoon show ni Dora at panandalian siyang nagpapahinga nang lumapit sa kanya si Boots, ito iyong kaibigan niyang unggoy.

"Hoy, Dora... nagugutom na daw sila," pabulong ni Boots kay Dora.

Nagpanting naman ang tainga ni Dora sa balita sa kaniya ng kaibigan niyang unggoy na itinuturing niyang alalay.

"Naiinis na ako. Lagi na lang silang umaasa sa akin! Sabi ko naman kasi sa kanila, kung hindi nila kayang lumabas sa kakahuyan, magtiis muna sila sa mga hayop sa gubat!" mabagsik nitong wika.

Nasenyasan naman siya agad ni Boots na 'wag pataasin ang boses, baka madinig ng mga staff sa kanilang shooting.

Halos naiiyak na si Nobita na nakahiga sa kaniyang silid. Inilingon niya ang kaniyang mukha sa higaan ni Doraemon. Tumayo siya at binuksan ang bintana at tumanaw sa malayo.

"Nasaan ka na ba, Doraemon? Miss na miss na kita..." Pumatak ang mga luha ni Nobita sa kakaisip sa kaibigang itinuring na niyang kapatid.

Limang taon na ang nakakalipas mula nang mawala si Doraemon sa kanila. Hindi niya sinasabing nagtampo ito at lumayas dahil kilala niya ito at halos sila na ang itinuring ni Doraemon na pamilya.

"Hindi ako maniniwalang wala ka na sa mundo. Nasaan ka na ba?" Napapahikbi ito habang binalutan ng kalungkutan ang kaniyang damdamin.

Lumabas siya ng kaniyang kuwarto. Kahit sa kapaligiran, damang-dama niya pa rin ang alaala ni Doraemon.

Binuksan niya ang TV at bumungad naman ang palabas ni Dora kasama ng buddy nito na si Boots, habang nasa eksena sila na kinukuha ni Dora ang isang bagay sa kaniyang bag.

"Teka... hindi ba't ganyan din ang bulsa ni Doraemon?" Naihahambing niya ang bag ni Dora sa similarity sa bulsa ni Doraemon, at halos magkapareho pa ng pangalan ang dalawa.

Mayroon siyang nabuong plano. Pupuntahan niya si Dora at itatanong niya si Doraemon.

Kumatok si Nobita sa bahay ni Dora, at pinagbuksan naman siya agad ni Boots.

"Nasaan po si Dora, maaari ko po ba siyang makausap?" tanong ni Nobita.

"Huwag kang magsalita nang malakas... namamahinga si Madamme, baka magising at mapagalitan ako..." pag-iingat ni Boots dahil napalakas ang tinig ni Nobita.

"Ano ba ang kailangan mo?" tanong ni Boots.

"May itatanong lang akong importante sa kaniya," bigkas ni Nobita.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 2Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum