MANOK NA PULA

659 21 0
                                    

MANOK NA PULANi Alex AscGenre: Horror

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

MANOK NA PULA
Ni Alex Asc
Genre: Horror.

(Babala! Walang personalan, ito'y kuwento lamang.)

Kakatapos lang e-upload sa Facebook ni Jonathan ang kaniyang sariling version ng kantang Manok sa pula. Trending kasi sa panahon ngayon, at dahil gusto niya'y sabay siya lagi sa uso ay agad siyang gumawa ng sarili niyang Version.

Isang Computer Technician si Jonathan, isang Game master at Blogger. Pumapatok ang kaniyang mga Tiktok Videos, kung kaya naman nang mag-viral ang kantang Manok na Pula mula sa totoo nitong Version na Just another woman, hindi siya nagpahuli at nag-upload agad ng sariling Version sa  Youtube at Facebook. Mantakin mo, ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay madami nang views ito.

Kinagabihan, matutulog na siya. Pinatay niya ang ilaw upang umidlip na, sa kasamaang palad, may kaluskos siyang nadidinig, wari may umaali-aligid sa kaniya. Inilibot niya ang mata sa paligid, pero wala siyang makita ni anino man. Hindi niya iyon pinansin, at ipinikit ulit ang mga mata. Mas lalo pang naging maingay ang paligid sa pandinig niya.

"Ina'y, bakit po ba ang ingay niyo diyan sa labas!"
pagmamaktol niya. Dahil malakas ang boses niya ay nadinig siya ng kaniyang ina at sumagot.

"Anak wala namang nag-iingay," Habang nasa tapat ng kaniyang pintuan ang kaniyang ina.

"E... ang ingay pa nga din e!" Bumangon si Jonathan at pina-onn ang ilaw, nang mapasigaw siya bigla.

Isang malakas na hampas, tumilapon siya't bumangga sa kaniyang pader. Muli binuhat si Jonathan ng nilalang na iyon, at pinaghahampas sa sahig. Hindi na makasigaw si Jonathan dahil kanina pa siya pinanawan ng ulirat.

Samantalang sumisigaw at pilit binubuksan ng kaniyang ina ang pintuan, ngunit ayaw magbukas. Bukod sa natanggal na ang lock ay mukang mayroong malakas na puwersang pilit pumipigil sa pagbukas ng pintuan. Pagkaraan ng ilang sandali, tumahimik na at saka pa lamang nabuksan ng ina ang pintuan.

Nadatnan si Jonathan na nakahandusay sa sahig at wala nang buhay. Sarado ang mga bintana, hindi malaman ng Ginang kung saan nanggaling ang nilalang na may kagagawan sa pagkamatay ni Jonathan.

Blangko ang kapulisan at kasalukyan nang iniimbistigahan.

Magkakasamang gumagawa ng bagong Version ng kantang Manok na Pula si Jericho. Bini-video-han naman siya ng nakababatang kapated na si Jomar kasama ng kaibigan nilang si Justin.

“'Ayan tapos na… p’wedi na nating e-upload...” sambit ni Jericho. Mabilis nga nilang in-upload iyon. Nag-inuman muna sila ng gabing iyon. Total day off naman nila bukas, dahil linggo. Magkakasama sila sa trabaho at sa inuupahang bahay. Habang nag-iinuman ay kumakanta-kanta sila, habang nag-gigitara si Jericho.

Sumapit ang gabi. Magkakasama silang natulog sa appartment nila, ngunit may malakas na kalampag ang nagpagising sa kanila, habang sinasabayan iyon ni Jericho. Sumisigaw-sigaw siya’t humihingi ng tulong.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 2Where stories live. Discover now