TIKBALANG

854 23 0
                                    

TIKBALANGNi Alex Asc

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TIKBALANG
Ni Alex Asc

Buhat-buhat ni Cardo ang isang sakong panggatong na pinamulot nila sa gubat kasama ng nakakabatang kapated niya na si Benjo.

"Kuya Cardo! Bilisan mo... malapit na 'yung palabas na Probinsyano... hindi tayo aabot," wika ni Benjo na nasa 10 taong gulang, samantalang nasa edad 15 naman si Cardo.

Pauwi na sila mula sa pangunguha ng mga bulok na kahoy na maaari pang gamiting panggatong. Magtatakip silim na rin ng mga sandaling ito at pagdating pa nila ng bahay ay bababa pa sila upang makinood sa may tindahan. Nasa taas kasi ng bundok ang kanilang bahay at wala silang kapitbahay roon.

"Eh, ang bigat nitong dala ko eh, baka matapilok pa ako niyan..." kunwari pagbibiro ni Cardo. Nang biglang lumabas mula sa makapal na dahon ang isang baboy damo at niluksuhan si Cardo. Nakailag naman si Cardo pero natumba siya at natapon ang mga panggatong. Mabilis na lumayo sa kanila ang kanina'y baboy damo na nagulat sa kanilang pagdaan.

" 'Lang hiya namang baboy na iyon oh, natapon tuloy ang mga kahoy," napapakamot sa ulo si Cardo.

"Barilin mo, Kuya Cardo!" sambit ng nagbibirong si Benjo. Paborito kasi niya si Cardo kaya't pinalitan niya ang pangalan mula sa Benji, na ngayo'y si Cardo. 'Yon na rin ang kumalat na pangalan niya.

Agad pinulot ni Cardo ang kapirasong kahoy at pomorma na kunwari baril.

"Bang! Bang! Bang!" Wari pamamaril niya tungo sa baboy damo.

"Hagisan mo ng granada, kuya Cardo!" sambit ulit ni Benjo.

Kunwari naman ay may pinulot na granada si Cardo kahit wala naman at malakas na hinagis sa tumatakbong Baboy damo.

Nang biglang sumabog na wari may naghagis talaga ng granada, kaya't napasigaw ang dalawa at agad napadapa't nagtago sa likuran ng puno.

"Kuya, baka may Rebelde," natatakot na wika ni Benjo pero hinanap naman nila ng tanaw ang paligid, wala namang ni isang taong naroroon.

Nagtataka ang dalawa kong bakit nagkagano'n iyon. habang nagpapatuloy sila sa pag-uwi.

"Kuya... Jingle muna ako sandali lang," pamamaalam ni Benjo at ibinaba naman ni Cardo ang sakong panggatong.

Nasa ganoon siyang lagay nang maisipan niyang subukan ang nangyari kanina.

Binuklat niya ang kanang palad paharap sa malaking dahon na katabi. Nag-concentrate siyang paliliyabin iyon at nagulat siya dahil umapoy nga iyon.

"Kuya, tapos na ako," sambit ni Benjo habang humaharap. Agad namang pinatay ni Cardo ang Apoy. Umuwi silang punong-puno ng pagtataka ang kaniyang isipan.

Matapos ang hapagkainan ay namaalam si Cardo at Benjo sa kanilang Ama't ina, dahil makikinood sila ng Probinsyano sa may Tindahan. Naawa naman ang mag-asawa dahil gabi-gabing ginagawa ng mga anak nila iyon, dahil wala silang pambili ng TV at pambayad ng kuryente, dahil sa hirap ng buhay. Pangangaso lamang ang pinagkakakitaan ng kanilang ama.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon