BLACK CAT

671 33 0
                                    

BLACK CATNi - Alex Asc

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

BLACK CAT
Ni - Alex Asc.

Nakapulot ng itim na Pusa si Marcus at dahil naawa siya sa kalagayan ng Pusa ay pinasama niya ito sa bahay nila.

Mahilig kasing mag-alaga ng Pusa ang Mag-asawang Marcus at Pia. Hindi sila nawawalan ng pusa noong hindi pa naisisilang ang walong taong gulang nilang anak na babae na si Mirna.

Pero si Mirna galit sa mga pusa. Lagi niyang inaapi ang mga alaga noon, kaya't tumigil na rin ang dalawa mag-alaga.

"Mommy! I don't like cat!" maarti nitong wika.

"Anak, dapat kang matotong mahalin ang kapwa mo may buhay. Ang mga pusa ay may mga buhay din katulad natin..." pamimilit pa ng kaniyang ina, ngunit nagagalit at nagdadabog ang bata.

"Kapag hindi mo matutunang mahalin si Kitty, hindi tayo manonood ng Concert ni Taylor swift sa USA," babala ng kaniyang ama, kaya't kahit mahirap man para sa kaniya ay tinanggap niya.

Pangarap niyang mapanood sa Live Concert ang paboritong singer niya. Gusto rin niyang makasama ito sa litrato at promise naman ng kaniyang ama, next month eto-tour niya sa USA ang anak.

Habang kumakain at nasa ilalim ng lamesa si Kitty at nakatingala kay Mirna, bahagyang kinakagat ni Kitty ang bata sa tsinilas, pamamaraan ng paglalambing niya, nang sipain siya ni Mirna. Binusangutan ni Mirna ng mukha ang pusa. Lumipat naman ang pusa sa kaniyang ina at pinakain nila iyon.

Isang araw, habang wala ang mga magulang ni Mirna... natanaw niya ang alaga habang natutulog iyon. Kumuha ng walis si Merna at itinutusok-tusok ang walis kay Kitty. Nagising ang pusa at nagalit, pilit umiiwas pero ayaw tumigil ni Mirna.

"Hmp! Panget! Your so ugly!" kantyaw niya sa pusang itim na sinasaktan niya. Hinampas-hampas niya ang pusa. Lumayo ang pusa pero hinabol niya at pinapalo. Hindi na nakatiis ang Pusa, natulala si Mirna nang magsalita iyon.

"Ikaw! Salbahi kang bata! Bakit ka ba nananakit?" wika ni Kitty at sa isang iglap lang ay bigla itong naging Fairy. Isang napakagandang Fairy. Tatakbo pa sana si Mirna ngunit hindi siya makaalis sa kaharap, parang may komokontrol sa kaniya, hindi siya makagalaw.

"Simula sa araw na ito, magpapalit tayo ng anyo! Hinding-hindi ka na makakabalik sa katawan mo hanggat hindi mo natutunan mahalin ang mga hayop!" At hinigop ni Fairy Kitty ang kaluluwa ni Mirna at pinapunta sa katawan ng pusa. Siya naman ay pumunta sa katawan ng batang babae.

"Anong nangyari sa akin?" sambit ng Pusang si Mirna, habang nakikita ang sarili sa harapan.

"Teka, ako 'yan a!" wika pa niya.

"Beh! Akin na ang katawan mo ngayon!" Pinandilatan siya ni Kitty na nasa katauhan ni Mirna.

Humarap si Mirna sa salamin, at gan'on na lamang ang kaniyang panlulumo.

"Bakit mo inagaw ang katawan ko?!" Umiiyak si Mirna'ng nakaharap sa salamin.

Dumating ang kaniyang Ina't ama galing trabaho. Sinalubong agad ng umiiyak na Pusa.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 2Место, где живут истории. Откройте их для себя