SINO SI SANTA CLAWS

541 21 0
                                    

SINO SI SANTA CLAWSni Alex Asc

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

SINO SI SANTA CLAWS
ni Alex Asc

[Sino si Santa Claus

ang tanong sa akin

ng aming bunso na naglalambing

bakit Pasko lamang namin kapiling

at nagmamahal sa amin

pakingan mo bunso

ng malaman mo

si Santa Claus ay laging naririto...]

Ito ang pamaskong awitin ni Santa Claws nang mga oras na ito sa Baryo Santino.

Masayang-masaya ang magkakapitbahay dahil sa hatid ni Santa Claws sa kanila. Si Santa Claws na mismo ang kumakanta gamit ang dala-dala nitong mikropono at may kaliitang bitbit na speaker. Ang mga bata't matatanda ay nagpuyat nang gabing ito para lamang kay Santa Claws.

Katunayan, unang pagkakataon pa lang ng masayang Pasko sa kanilang baryo dahil ngayon lang nila nakapiling si Santa Claws. Kahit sabihin man nating hindi totoo, ngunit ang hatid nito sa damdamin ng mga bata ay walang hanggang kaligayahan, ito ay ang makita sa personal ang nadidinig at napapanood lamang nilang si Santa Claws tuwing Pasko.

"Pila na kayo, mga bata. Ho-ho-ho-!" wika nito sa kanila at nagsipila naman sila upang makakuha ng mga laruang pinamamahagi ni Santa Claws.

Tatlong bulto ang dala nitong mga laruan at mag-isa lang siyang dumating sa kanilang baryo nang gabing ito. Basta na lamang siya nakita ng ilang kalalakihang nakatambay sa harap ng tindahan ni Aling Melay na paparating.

Kaya't pinatuloy nila agad ito at tinulungan sa tatlong malalaking laruang dala.

"Salamat po, Santa Claws..." Hinalikan pa ng batang babae na si Katrina si Santa claws.

"Wow, robot!" bulalas naman ng batang lalaking si Tonton sabay yakap sa halos nakaupo nang si Santa Claws.

Tamang-tama at ubos na rin ang laruang naipamahagi niya sa mga bata.

Nakangiti at masaya-masaya si Santa Claws nang lumisan sa Baryo Santino. Hinatid pa siya ng ilang lalaki palabas sa kanilang baryo upang ligtas ito sa anumang panganib.

Ang kanilang baryo kasi ay halos nasa loob na ng gubat. Hindi sila gaano karaming naninirahan doon. Masagana sa yamang-lupa at iba't ibang tubig ang kanilang lugar. Pagsasaka ang kabuhayan nila't pangingisda sa mga ilog.

Habang papatawid si Santa Claws sa kalsada ay bigla na lamang itong naglaho na parang bula.

At labis ang pagkabigla ni Nelly dahil lumingon siya sa likuran habang pabalik na rin sana sila ng apat niyang kasama.

"Pareng Dado! Biglang naglaho si Santa Claws!" sambit ni Nelly.

Humarap din ang apat sa likuran at nagimbal din sila dahil ang bilis naman yata niyang nawala roon.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 2Where stories live. Discover now