MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 2
FICTION STORIES NI ALEX ASC.
Gusto mo ba ng kuwentong tapusan?
Inihahandog ko sa inyo itong mga kuwentong isinulat ko.
Mga kakaibang kuwento ng katatakutan, at Pantasya
MGA NILALAMAN:
1- Imahinasyon
2- Limang...
К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.
PASKO NA SINTA KO (Awit ng Aswang) Ni Alex Asc
[Pasko na sinta ko hanap-hanap kita
Bakit magtatampo't nilisan ako
Kung mawawala ka sa piling ko sinta
Paano ang Pasko, inulila mo]
Ito ang madamdaming inaawit ng isang ginang sa kanyang munting anghel habang katabi niya ito't pinapatulog.
[Sayang sinta ang sinumpaan
At pagtitinginang tunay
Nais mo bang kalimutang ganap
Ang ating suyuan at galak]
"Inay... nasaan na po si Itay? Iniwan niya na po ba tayo?" malungkot na tinig ng batang babae sa kaniyang ina.
Humarap naman ang nakatayo sa bintanang ina at hinaplos ang mukha ng bata.
"Basta, tatandaan mo lagi, mahal ka ni Inay," at niyakap ito nang mahigpit.
[Kung mawawala ka sa piling ko sinta
Paano ang paskong alay ko sa 'yo]
Nangingilid ang luha ng batang babae habang tinatahak ang madilim na daan. Panay ang iyak niya at binabanggit ang ina.
Narating niya ang kalsada. Nagawa niyang takasan ang panganib. Mabilis ang kaniyang pagtawid, ngunit may rumaragasang kotseng paparating at tumilapon ang kaniyang katawan.
Naimulat ni Tiffany ang mga mata.
Labing-walong taong gulang na siya. Ngunit magpahanggang ngayon, hindi pa rin malinaw sa kanya ang lahat!
Sino ang batang nakikita niya lagi kasama ng isang ginang?
Bakit sobrang lapit sa kaniya ang kantang PASKO NA SINTA KO?
Parang bahagi na ng kaniyang buhay ang lahat ng napapanaginipan niya, ngunit wala siyang maalala.
Ayaw niya na sanang madinig ang kanta, ngunit tuwing pasko ay usong-uso itong pinapatugtog kung kaya't bumabalik sa kaniya ang mga pangitaing iyon. Lalo't malapit na ang Disyembre.
Nag-aagahan nang mga oras na ito si Tiffany kasama ng kinikilala niyang ina na si Lorena. Nang mag-flash sa telebisyon ang panibagong balita tungkol sa bagong biktima ng tinatawag nilang aswang.
Tatlo na ang napapatay nito at 'di pa rin matukoy ng mga pulis kung sino ang may kagagawan ng lahat ng ito. Basta ipinagpapalagay nilang aswang 'di umano ang may pakana.
Nagkatitigan na lang ang mag-ina. Agad umiwas ng tingin si Lorena sa anak. Samantalang may kirot sa damdamin si Tiffany sa mga nangyayari.
Magkasamang bumibiyahe ang magkasintahang Oliver at Tiffany patungo sa probinsya nila Oliver. Pinilit niya ang nobyong tumungo roon dahil may kakaibang dating sa kaniya ang pangalan ng lugar.