Jon and Gel

267 14 0
                                    

Mahigit 5 buwan na din pala ako sa CS and sobrang laki ng naitulong nito sa akin,pero hanggang ngayon nasagi pa din sa isipan ko ang napag usapan namin ni Sir nung nakaraang buwan. Parang ayaw ko kumanta sa Christmas party hindi naman ako nahihiya pero parang ayaw ko ng ilabas ung talento ko na walang my gusto.

Napahawak naman ako sa sintido ko at hinilot ito dahil ang sama talaga ng pakiramdam ko at hindi ko kayang pumasok ngayon.

Tinawagan ko si Mark para ipag paalam ako na hindi makakapasok,siguro dahil na din sa pagod kaka over time kelangan kasi magbayad ng bahay at ipon para sa birthday ni mama.

Dialing Mark....

"Hello Gel"
Aniya

"Mark,Goodmorning baka hindi ako makapasok ngayon. Sobra talaga sama ng pakiramdam ko. Okay lang ba?"
Ani ko na malamya ang boses

"Ahh ganun ba Gel,okay lang magpagaling ka ako na magsasabi kay Sir"
Aniya na mypag aalala

"Sige salamat ng marami Mark"
Ani ko at pinatay ang tawag

Gusto ko lang matulog maghapon para mabawi ang lakas ng aking katawan.Nagulat naman ako ng biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag ni Yang. Nagdalawang isip naman akong sagutin at baka mag aya lang ito,at tama nag aya nga lang siya.

"Hello Yang"
Ani ko na mypakalungkot ang boses

"Gel,san ka?bakit ganyan boses mo?ok ka lang ba?
Aniya na mypag aalala

"Dami mong tanong yangge,okay lang ako medyo masama lang pakiramdam ko,ano bang atin"

"Gel,magpapasama sana ako sayo kung okay lang mapunta ako sa studio ni Kuya Ray eh nahihiya naman ako pumunta mag isa"
Aniya na parang namimilit

"Hay nakuuu yang,matatanggihan ba naman kita ano ba oras?"

"Mamaya after lunch daanan kita sa inyo Gel"
Aniya na parang tuwang tuwa

"Sige sige yang basta call ka pag pupunta kana"
Ani ko na antok na antok na at pinutol ko ang linya

Natulog naman na ako bandang 9 am at nagising sa alarm mga 11:30 ng tanghali. Nagmadali naman na ako sa pagbangon at naligo,mabuti hindi na masyado masama pakiramdam ko kung nagkataon baka hindi ko masamahan si Yang.

Dumating na nga si yang mga 12:55 at agad na nagpaalam kay mama para umalis na.

Habang nasa biyahe kami ay naopen nya ung about sa song na gusto nya ipakanta sakin para sa contest.

"Gel naalala mo ung song na gusto ko kantahin mo,ung kinompose ko para sayo?"
Aniya na nakangiti

"Ahh oo ano meron dun"
Malamya kong sagot

"Ano kasi kaya tayo pupunta sa studio para marecord Gel"
Kinakabahan nyang sambit sakin habang Nakangiti

"Yangge talaga! Salamat ha hindi mo manlang ako ininform"
Sigaw ko sa kanya

"Alam ko kasing hindi ka papayag kapag yun sinabi ko kanina,sige na Gel please ngayon lang naman bestie"
Paawa nyang sagot

"Mymagagawa pa ba ako eh nandito na tayo diba,naku ka talaga kung hindi lang kita mahal"
Ani ko na mypagka inis

Nakadating na nga kami sa studio at nagrecord ng song para ipanlaban din niya sa contest.

Tayong dalawa sa bawat araw na nagdaan magkahawak kamay na malaban,hindi patitinag sa kahit anong away dahil ikaw ang kaibigan 🎶🎶🎶

After ng recording,lumabas muna ako ng recording room para makapag pahangin at nadapo naman ang mata ko sa isang recording room at nakita si Marga Llanes,grabe ang ganda niya pero suplada.

"Gel"
Ani yang

"Oh?alis na ba tayo?"
Ani ko na nanghihina dahil sa sakit ng ulo

"Okay lang maya maya kasi inaayos pa namin ung record"

"mauna nalang ako sobrang sama kasi ng pakiramdam ko"
Ani ko sabay alis

"Sige Gel,salamat kita tayo bukas"

"Sige lang"

Nakauwi naman ko ng okay at dumeretso na sa kwarto para magpahinga. Nakatulog ako ng ilang oras at nagising sa katok ni mama.

"Gel anak"
Ani mama

Tumayo naman ako para pagbuksan ng pinto si mama

"Ma,bakit po?"
Ani ko habang nag aayos ng buhok

"Anak okay na ba pakiramdam mo?"

"Okay naman po Ma,hindi na masyado masakit ulo ko inom nalang ako gamot mamaya"

"Oo nga pala my bisita ka sa baba,Sir Evangelista daw"

Nabigla naman ako ng marinig ang pangalan na yun,at bakit kaya siya nandito? Omg nalaman niya kaya na lumabas ako ng bahay at isipin na nagdadahilan lang. Patay ka sakin bukas Yang. Mabilis naman akong nag ayos at nagbihis para harapin si Sir.

"good evening sir,pano nyo po nalaman na dito ako nakatira"
Ani ko na nagtataka

"Goodevening Angelina,ahh coffee. Nasabi kasi ni Mark na masama daw pakiramdam mo naisip ko na baka sa trabaho kaya hiningi ko ang address mo para malaman kung okay kana."
Aniya na nahihiya

"Okay naman po ako sir,dapat hindi na po kayo nag abala nakakahiya naman po"
Ani ko na my halong hiya

"Mabuti naman kung ganun,btw napag isipan mo na ba yung sinabi ko sayo para sa nalalapit na christmas party natin. Gusto ko sana na kumanta ka,kasi diba nasabi ni Mark na nakanta ka?"
Aniya na nakangiti sa akin

"Ahh Sir kasi..

At naputol yun ng umimik siya

"Ano ka ba Angelina wala namang masama kung susubukan mo ulit diba"
Nakangiti nyang saad sa akin

Napalakas naman ang loob ko sa sinabi niya na iyon kaya naman napa oo nalang ako

"Sige po sir,thank you po sa tiwala"
Ani ko na mypilit na ngiti

"Oo nga pala,pwede ba wag mo na ako sini-Sir Evangelista nakakatanda naman e,tawagin mo nalang ako na sir jon or jon kung san ka kumportable"
Nakangiti niyang saad na nakatingin sa akin

"Okay po Sir Jon"

Lumalim ang gabi na nagkakwentuhan lang kami ng mga anong bagay at pangyayari naopen ko naman sa kaniya na si Miss Regina ang naging inspirasyon ko kung bakit ako kumakanta at napa tunga nalang siya sa kwento ko.

"Alam mo Angelina...

"Sir Gel nalang po masyadong pormal pag buo ang pangalan"

Pareho naman kaming patawa

"Sige alam mo Gel,parehong pareho kayo ni Miss Regina,lakas ng loob paniniwala,mabait at maganda. Nakikita ko siya sa iyo"
Nakatitig lang siya sa akin

Nabigla naman ako sa mga sinabi niya kasi imagine Regina Luna yun at nakikita niya sa akin.

"Woow sarap naman pakinggan nun sir jon"
Nakangiti kong saad na hindi makapaniwala

"lalim na pala ng gabi hindi ko na napansin"

"Oo nga po Sir,dami niyo po kasing chika"
Napatawa naman kaming dalawa

"Sige Gel,pagaling ka alis na din ako maaga pa sa office bukas. Goodnight"

"Goodnight and ingat Sir jon"

Nagkatitigan lamang kami at sabay napatawa. Sinundan ko nalang siya ng tingin hanggang sa makaalis ang kanyang sasakyan.

Infairness malaki din ang puso ni Sir Jon suplado nga lang sa personal pero pag nakilala mo ay talaga madaldal din.

Thank you sa pagbabasa :)

TILL THE END Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon