Tiago meet Chrisgine

235 16 0
                                    

Tiago's POV

After kong makipag usap kay Regina ay para bang bumabalik ang sakit ng nakaraan. Oo matagal na ang panahon ng umalis ako ng bansa para takasan ang aking maling nagawa at nagsisi ako na ginawa ko iyon sa aking mahal.

Tinanggap ko naman ang sakit lahat ng sakit pero mas lalong nadagdagan ang sakit ng itakas ni Leen ang anak nila Regina na kinasira niya. Hindi ko intensyon na ilayo ang bata ng matagal,gusto ko lang takutin si Chris sa kaya kong gawin dahil inagaw niya si Regina sa akin pero hindi naman ako ganun kasamang tao para manira ng buhay ng tao at lalo na ng aking mahal.

Flashback...

Kinuha namin si Chrisgine kay Max dahil ito ang naatasan na magbantay sa bata habang busy si Chris sa pag iintindi sa concert at nagpeperform na si Regina sa stage. Nang mauto ko si Max ay agad kong kinuha ang bata at isinama sa aking bahay.

Ang araw na iyon din ay ang araw na tinakas ni Leen si Chrisgine,oo malungkot siya dahil sa pagkawala ng anak niya pero hindi sapat na dahilan iyon para kunin niya ang batang hindi sa kaniya.

Sobrang galit ang nadama ko at hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Kilala ko ang kapatid kong iyon mas malakas ang kapit niya sa lahat dahil sa galing niya at yaman. Pero kahit kailan hindi ako sumuko na mahanap si Chrisgine para maibalik ang bata sa tunay niyang magulang.

End of Flashback...

Nalaman ko kung saan ang bagong tinitirhan ni Leen dahil sa mga tao ko na pinapasunod sa kaniya kaya agad ko siyang pinuntahan at sinakto ko na wala siyang kasama.

Nakapasok naman agad ako sa bahay niya ng hindi niya namamalayan at umupo sa sofa sa sala,nakita ko na pababa siya kaya umayos ako ng upo.

"Hello lil sister long time no see"
Pagbati ko sa kaniya ng nakangiti at kita ko naman sa mukha niya kung paano gumuhit ang gulat at takot

Napakatagal kitang hinanap Leen at ngayon sisiguraduhin ko na hindi kana muling makakatakas at itatama ko ang ating pagkakamali.

"Ti-ago,kuya"
Nabubulol niyang saad habang papalapit sa kinauupuan ko

"Ako nga at wala ng iba,mabuti naman at natandaan mo pa ako aking kapatid"
Napatayo naman ako at nagpunta sa likuran niya

"Pa-ano mong nalaman kung nasaan ako at..

"Hindi naman ako tanga Leen para hindi kita mahanap,baka nakakalimutan mo marami akong connection. Bakit parang gulat na gulat ka o takot?"
Pagpuputol ko sa sasabihin nita at natatawa kong saad habang pumapatak na ang kaniyang luha at para bang nabunutan ako ng tinik ng makita ko ang mga luhang iyon

"Anong binabalak mo ha?Kilala kita Tiago mas masahol ka pa sa hayop"
Galit niyang saad habang nagtatapon ng matitigas na tingin sa akin

"Ako ba kapatid ang mas masahol o ikaw? Tanga lang ang maniniwala na mas malinis ka. Nandito ako para bawiin ang kinuha mo at itama ang pagkakamali ko"

"Alam mo Leen na sa umpisa palang wala akong balak ipahamak ang bata. Ikaw,ikaw ang sumira sa kanila! Tuso ka,madamot ka Leen dinamay mo ako sa masama mong paraan para mawala ang sakit na naramdaman mo ng mawala si Angelina sayo!"
Galit na saad ko habang pinipigilan ang mga luha ko dahil ayaw ko na makita niyang mahina ako pagdating sa kaniya. Oo tama mahina ako pagdating sa aking kapatid dahil mahal ko siya.

"Huwag ka ng magmalinis pa Kuya Tiago dahil alam naman nating kasalanan mo ang lahat,hindi sana ito nangyari kung hindi mo kinuha ang bata!Naawa ako sa kaniya kaya tinakas ko siya sayo"
galit niyang saad habang tinuturo ang daliri niya sa akin

"Naawa ka?Big word Leen kung naawa ka sa bata sana naramdaman mo din yan sa magulang niya. Alam mo ang pakiramdam ng mawalan ng anak pero ikaw ikaw Leen pinaramdam mo din yun sa TUNAY na magulang ni Chrisgine. Sana kung itinakas mo siya sana binalik mo hindi INANGKIN"
lahat ng salitang itinapon ko sa kaniya ay my diin parang hindi ko na kaya ang pag babatuhan namin ng masasakit na salita kaya kinalma ko ang sarili ko at ulit siya ay hinarap

"Hindi ko alam ang gagawin ko noon kuya,sobrang sakit ng naramdaman ko parang kahit anong yaman ko anong garbong gamit ang meron ako wala iyong halaga kung wala ang anak ko kung wala si Angelina.Maniwala ka o hindi sinubukan ko siyang ibalik pero naaksidente kami dahilan para mabura lahat ng ala ala ni Chrisgine kaya...

"Kaya inangkin mo siya Leen"
Pagpuputol ko sa sasabihin niya

Sobrang sakit para sa akin na kuya niya and wala manlang ako naitulong sa kapatid ko bagkus ay mas inisip ko ang sarili ko. Alam ko malaki ang pagkukulang ko sa kaniya ni hindi ko siya nadamayan sa pagkawala ng aking pamangkin. Naiintindihan ko siya pero mali pa din ang kaniyang ginawa.

"Leen,alam ko nahirapan ka alam ko nasaktan ka pero hindi ba mas magiging maganda kung maitama natin ang mali at maibalik si Chrisgine. Bakit hindi tayo magtulungan na maayos ang lahat"
Malumanay kong saad at niyakap siya ng mahigpit ramdam ko ang pag ganti niya sa yakap ko

Pero ikinagulat ko ang kaniyang mga salitang binitawan bago kami kumalas sa pagkakayakap

"Salamat kuya,pero huli na ang lahat. Wala akong gagawin para malayo sa akin ang anak ko at kahit kailan hindi ko hahayaang kahit sino ang magpalayo sa amin kahit ikaw."

Agad naman siyang bumalik pataas sa kaniyang kwarto at naiwan akong tulala sa sala habang kumawala sa king mga mata ang luha na kanina pang nagtigil sa pagkalandas.

Iba ang liko ng bituka ni Leen,kaya't mahihirapan akong makuha ulit si Chrisgine hindi naman pwedeng basta basta kong sabihin sa bata dahil alam kong magkakagulo.

Mataman akong naupo at nagulat ako ng mybiglang nagsalita sa aking bandang kanan na nakatayo sa pintuan.

"Hello po,si-no po kayo"
Ang boses niya na mala anghel na sigurado akong nakuha niya kay Regina at ang ganda ng batagg ito

"Ahh-h ako si Tito Tiago mo,kapatid ng mama mo"
Nakangiti kong bati sa kaniya at napangiti naman siya sa akin

"Kayo po pala si Tito Tiago,kamusta po kayo"
Agad naman siyang lumapit sa akin at kinamayan ako

Kuhang kuha niya ang mga ngiti ni Regina halos lahat ata ay nakuha niya sa kaniyang ina.

"Ayos naman ako,ikaw kamusta ka antagal nung huli kitang nakita Chrisg.. Angelina "
Muntik na at mabuti sumagi sa isip ko na Angelina pala ang pinangalan ni Leen sa kaniya

"Maaari ba kitang mayakap pamangkin"
Saad ko sa kaniya at siya ang unang yumakap sa akin

"Tito oo naman,alam niyo kahit kailan wala akong nabalitaan na kapatid si Mama,ang kilala ko ang ay sila Lolo at Lola"

Wait sinong Lolo at Lola hindi naman nauwi sila Mommy ng Pilipinas...

"Ahh ganun ba,hindi kasi kami ayos nung umalis siya sa aking bahay kaya siguro hindi niya ako nakukwento sayo"

Pagsisinungaling ko pa sa kanya

"Sige mauna na ako,maypupuntahan pa din ako. Mag iingat ka lagi ha"
Pag papaalam ko sa kaniya at inihatid naman niya ako sa labasan.

Maganda ang pagpapalaki sa kaniya ni Leen,pero hindi pa din iyon sapat na dahilan para ipagkaloob ko nalang sa kaniya ang bata gayong ako ang naiipit. Gusto ko na maayos namin ang gulo na ito at maitama ang mali.

Kailangan ko na gumawa ng paraan para maunahan ko si Leen dahil alam ko na ngayon mybinabalak na siyang ilayo si Chrisgine.

TILL THE END Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon