Leen's secret about Angelina

238 15 1
                                    

Angelina

Minulat ko ang aking mata ng dahan dahan at tanging liwanag na nanggagaling sa ilaw ang unang bumungad sa akin. Medyo masakit ang ulo ko at hindi masyado maigalaw ang aking balikat.Napansin ko na my benda ang kaliwa kong braso at ulo,ano ba ang nangyari?Hindi ko napansin na nasa hospital pala ako dahil iba ang cover ng mga gamit kong unan at bed sheet. Nagawi ang tingin ko sa kanan ko at bumuhos ang luha ko ng makita si Eric na nakahiga habang hawak ang kamay ko.

Bumukas naman ang pintuan kaya napatingin ako kung sino ang papasok at lalo akong naiyak ng makita si Tita Regina and Tito Chris.

"Angelina sweet heart gising kana pala,mymasakit ba sayo kamusta pakiramdam mo,pagkain gusto mo kumain"

Kita ko sa mukha ni Tita Regina ang pag aalala at gayon din kay Tito Chris,sa ingay nito ay nagising si Eric at agad na tumayo. Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako pero ang sarap makita na nandito sila.

"Tita,o-kay lang po ako. Thank you"
Mahina kong usal

"Babe,mynararamdaman ka bang masakit ha?Thank God at nagising kana sobra mo akong pinag alala akala ko.."
Naiyak nitong saad at niyakap ang dalaga

Ano ba ang nangyari,ang natatandaan ko ay nasa parking lot kami.

"Ano po ba ang nangyari"

"Nabangga ka ija,nung gabi na magkakasama kayo ni Eric sa parking lot para sumunod sa dinner natin"
Malumanay na pagsasaad ni Chris

"Pa-ano,Si-no?"
Nauutal kong usal habang kumawala sa aking mga mata ang luha

"Yun ang inaalam namin babe kung sino ang gumawa nito sa iyo,and sinisigurado ko na pagbabayaran niya ang ginawa niyang ito sayo"

Kita ko na blangko ang mukha ni Eric at ramdam ko sa boses niya ang galit.Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ng kwarto para hanapin si Mama pero wala.

"Nasan si Mama"

"Umuwi lang muna si Mama mo babe para kumuha ng ibang gamit,hindi na nga naabutan nila Tita kasi nagmadali siyang umalis"

"Magpahinga kana muna Angelina,we're here lang and sisiguraduhin namin na safe ka"
Saad ni Tita Regina habang hawak ang kamay ko

Napapikit na lamang muli ako habang iniisip kung paano nangyari ito at sino ang gumawa nito sa akin.

Mama Leen's House

Mama Leen

Bakit ngayon pa,bakit ngayon pa kayo bumalik Regina and Christopher akala ko nailayo ko na si Angelina sa inyo pero nagkamali ako.Napakaliit nga pala ng mundo dahil kahit nong pag layo ang gawin ko ay magkikita at magkikita pa din tayo.Tama ng isang anak ko lang ang mawala,pero ngayon hindi ko hahayaan na mawala si Angelina sa akin.Hindi ko pwedeng hayaan na mapalapit si Angelina sa inyo gayong alam ko na malalagay ang buhay niya sa panganib.Selfish na kung selfish pero ako na ang ina ni Angelina at hinding hindi ko hahayaan na mawala siya sa akin.

Dialing John....

"Hello John,si Leen ito"
Malamya kong saad

"Hello,Leen long time...

"Shut up,I need your help"
Pagpuputol ko sa sasabihin niya

"Oww and what help you need now?"
Kalmado niyang saad

"Its Angelina,kailangan mailayo ko si Angelina dito nagkita na sila nagkit..

Naputol ang sasabihin ko ng bigla itong umimik at ikinagulat ko ang sinabi niya,paano niyang nalaman ang about sa anak ko.

"Nagkita na sila ng tunay niyang magulang?Come on Leen its about time para ibalik mo ang hindi sa iyo. Its about time para makabawi ka kay Angelina sa pagsira mo ng buhay niya."
Seryosong saad niya

"hindi paano mo nalaman?Alam mo John na hindi ko kaya mahal ko ang anak ko akin siya at kung hindi mo ako tutulungan ako ang gagawa ng paraan para mailayo siya muli sa gulo kung kailangan ipagtapat ko sa kanya na mayaman kami para lang hindi na siya magtanong kung saan ko nakuha ang pera na gagamitin namin sa pag alis gagawin ko. And in addition hindi ko sinira ang buhay niya,si Tiago siya ang sumira sa buhay ng bata.
Nangingiyak kong sagot kay John pero hindi ko alam kung tama ba

"Kung hindi kita mapipigilan Leen bahala ka,at sana maisip mo na kung hindi mo itinakas ang bata kay Tiago noon ay baka nasa magulang na muli niya ang bata na inaangkin mo. Kilala mo si Tiago huwag mo hintayin na siya pa ang makahuli sa inyo dahil mas manganganib lang ang buhay ng bata"
Nag aalalang saad nito

"Paano ang gagawin ko,ayokong mawalan muli ng anak John. Alam mo ang hirap na pinagdaanan ko ng mawala si Angelina Gabriel at ayaw ko na mangyari ulit iyon"

"Kaya ba kinuha mo si Chrisgine para ipalit sa anak mo Leen,kung gayon sana naisip mo ang naramdaman ni Regina nung mawala ang anak niya halos mawala sa sarili si Reg ang buong akala niya ay wala na ang bata pero nasayo Leen. Tutulungan kitang itama ang lahat"

Agad naman akong pinuntahan ni John sa bahay na binili ko para sa amin ni Angelina.

Walang pagdadalawang isip akong tumakbo papalapit kay John at niyakap ito. Napahagulhol nalang ako sa bigat ng nararamdaman ko,hindi ko kaya ang mawala ang nag iisa kong anak.

"Ano ba Leen,ayusin mo naman ang buhay mo. Tanggapin mo na wala na si Angelina Gabriel. Nandito ako para sayo,hindi ba mas mabuti pa na ipagtapat mo na ang lahat kay Angelina para mas maprotektahan mo siya"
Malumanay na saad nito habang yakap yakap si Leen

"Natatakot ako John,paano kung hindi na ako patawarin ni Gel,hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin na mawala lahat ng pagmamahal niya sa akin. Natatakot ako para sa kanya. Alam mo na pagnalaman ni Tiago na nakabalik na ang bata sa tunay nitong magulang ay magulo ulit ang buhay ng bata"

"Pero hanggang kailan ka matatakot?hanggang kailan mo itatago ang pagkatao ni Angelina,pag wala na ang tiwala niya sayo,pag nakuha ulit siya ni Tiago. Leen kailan ba pag nanganib na ulit ang bata,mag isip ka naman. Ito na ang pagkakataon para makabawi ka sa kanya."

Wala akong naiimik,para bang nalunok ko ang aking dila sa sinabing iyon ni John. Parang my anong tumusok sa puso ko na sobrang lubog at mahirap bunutin.

"Leen,pag isipan mo sanang mabuti nandito ako hindi para isumbat sayo ang mali mo kundi turuan kang itama ang mali. Alam ko na napahamak si Angelina at baka kagagawan iyon ni Tiago kaya sana magtulungan tayo."

"Sal-amat John. Sasabihin ko nalang sa kanya pag nagising na siya sa ngayon ay kailangan ko na munang alagaan ang anak ko at bumalik sa hospital"

"Sasamahan kita"

Nagtungo kami sa hospital ni John para kamustahin ang aking anak,bumungad sa akin ang masayang mukha ng aking anak habang kausap ang kaniyang tunay na magulang,masakit makita pero meron din na tumama sa puso ko na masayang makita ang anak ko na masaya. Parang hindi ko kayang sirain ang moment nila.

Minabuti kong umalis muna at hayaan na muna ang moment na iyon nila.

Mama Leen

Paano ko ba sasabihin kay Angelina ang totoo,alam kong mas magiging ligtas din naman siya pag napunta siya kanila Chris kilala ko si Chris at Regina hindi nila hahayaan na mawala pa muli ang kanilang unica ija. Isang matikas na pulis at magaling na lawyer ang mag asawa. Sila na yata ang mag asawa na sobrang talento at nakita ko na nakuha ni Angelina iyon sa magulang niya.

TILL THE END Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon