Hit and Run

253 17 0
                                    

Ilang sandali silang nagtigil sa hallway para mabawi ang ilang oras na hindi sila nagkakasama,madalas kasi na hiwalay ang kanila schedule dahil nagkaroon sila ng solo guesting and albums,minsan naman ay nagkakasama sila dahil sa rehearsal lamang o kaya pag my ibang gatherings.

"Namiss ko yung ganito tayo,walang iniisip na schedule"
Pambungad ni Eric

"Ako din,namiss kita yung tayong dalawa"
Nakatitig naman ito sa binata habang pinagmamasdan ang malumanay nitong mata

"I love you Eric,lagi mong tandaan yan mahal na mahal kita kahit anong mangyari"
Dagdag pa nito at muling niyakap ang binata

"Babe i love you too,ano ba yan kinilabutan naman ako sa sinabi mo tayo na nga"
Natatawang saad nito sa dalaga

Nagderetso na muna ang dalawa sa dressing room para kunin ang naiwan na gamit ni Eric at nagtungo na sa parking habang hinihintay sila nila Yang.

"Naku antagal niyo naman,ano okay na kayo"
Natatawang saad nito

"magtigil ka,don't me kinabahan ka kanina hahaha"
Pang aalaska ni Angelina sa isa mabagal na naglalakad ito habang nasa likuran niya si Eric bitbit ang dalawang bag nila

Habang naglalakad ang dalawa papalapit sa sasakyan nila na malapit sa kinatatayuan ni Yang and Mark ay my itim na sasakyan ang humarurot na papunta sa nilalakaran ni Angelina. Sa sobrang bilis ng sasakyan ay hindi kaagad naka-iwas ang dalaga kaya nasagasaan siya na ikinatumba nito at tumama ang ulo sa humps na nasa harapan nito. Huli na ng mahawakan ni Eric ang kamay ng dalaga at nagmadali itong tumakbo papalapit sa walang malay na si Angelina

"Angelinaaa"
Tanging pangalan lamang nito ang naisambit ng binata ng makitang duguan ang kaniyang mahal.

Mabilis naman na hinabol nila Yang and Mark ang sasakyan pero hindi nila ito naabutan at hindi nakuha ang plate number dahil madilim na sa parteng pinaglikuan nito. Bumalik ang dalawa kayla Eric at agad na isinugod si Angelina sa hospital.

Minabuti ng mga ito na tawagan sila Chris,Regina at Mama Leen para ipaalam na nasa hospital ngayon sila at naaksidente si Angelina.

"Anong nangyari dito Eric,nasan si Angelina"
Nag aalalang saad ni Regina at bakas sa mukha ng dalawa ang pag katakot at kaba

"Na-sa loob po siya tita ginagamot na, Tita hindi ko alam ang gagawin ko "
Naiyak na saad nito at niyakap si Regina

"Ano ka ba Eric tatagan mo ang sarili mo magiging okay si Angelina"
Usal nito at hinimas ang likod ng binata

"Ano ba kasing nangyari bakit siya nabangga?"
Naiiyak na saad ni Chris

"Kasi Ti-to hinihintay namin sila ni Eric sa parking para po makapunta na kami sa inyo tapos nung papalapit na sila nauunang naglalakad si Angelina at nasa likod niya si Eric habang dala ang mga gamit nila ay mybiglang humarurot na itim na sasakyan na siyang nakabangga kay Angelina pero hindi namin naabutan ang sasakyan at ngayon lang din namin iyon nakita"
Naiyak na usal nito at niyakap ni Mark

"Tito pinacheck ko na siya sa mga security guard and sa pulis and sabi nila bago lang daw ang sasakyan na iyon sa building. Dagdag ng mga pulis walang bumaba sa sasakyan simula ng dumating mahigit ilang oras lang nakatigil iyon at parang my inaabangan and tingin po namin na si Angelina nga ang pakay nito"
Pag sasaad naman ni Mark habang pinapakalma si Yang

"So ibig sabihin mynagtatangkang pumatay kay Angelina"
Dagdag ni Eric habang nagpupunas ng luha

"Imposible wala namang kaaway si Angelina e and isa pa ano naman ang reason niya para gawin ito sa kanya"
Nangangatal na boses ang nangingibabaw kay Yang

Natigilan sila ng lumabas ang doctor sa OR na papalapit sa kanila.

"Sino po ang kamag anak"

"kami po lahat doc"
Sagot ni Regina na halatang kinakabahan sa sasabihin ng doctor

"Okay naman na po siya,konting gasgas at hindi naman napuruhan masyado. Pero yung tama niya sa ulo medyo komplikado gayong nakitaan namin siya ng ilang problema."
Saad ng doctor

"Ano pong problema doc"
kinakabahan na dagdag ni Chris

"meron siyang infantile amnesia"
malumanay na saad ng doctor

"Doc,paano nangyari yun makakalimutan ba niya kami"
Nagpapanic na si Regina sa sinabi ng doctor

"No Mam,actually base sa record namin nagkadamage ito simula noong bata siya and most people na my infantile or childhood amnesia can’t remember the first three to five years of life. After po ng mga examine para sa kaniya ay ipagbibigay alam ko po agad sa inyo ang result. Ang pwede na lamang po nating gawin ngayon ay ipagdasal siya."

"Thank you Doc"

"Mauna na po ako"
Pagpapaalam ng doctor

Nang mailipat si Angelina sa isang private room ay agad naman itong pinuntahan nila Eric para makita.

Halos mapaluhod si Eric ng makita ang kalagayan ng kaniyang mahal at nakahiga sa hospital bed.

"I-m sorry babe,hindi manlang kita nailigtas kanina. Im sorry"
Naiyak na saad nito habang hawak ang kamay ng dalaga at nakaluhod sa sahig

Natahimik ang buong paligid sa loob ng kwarto ni Angelina at mataman na pinagmamasdan ang dalaga.

"Eric,gusto mo ba na kami na muna ang magbantay kay Angelina. Magpahinga ka muna"
Nag aalalang saad ni Yang

"Hindi okay lang ako,ako nalang magbabantay sa kanya dito"

"Maalis na muna kami ni Chris,mabili lang kami ng makakain at mga bed sheet ayaw ko na gamitin niya ang mga gamit dito sa hospital"
Saad ni Regina at umalis kasama si Chris

"Eric,kukuha lang kami ng gamit mo at ni Angelina ha,babalik kaagad kami bro"
Pagpapaalam ni Mark

Naiwan na nakaupo si Eric sa tabi ni Angelina at mataman niya itong pinagmamasdan bigla naman bumukas ang pintuan at bumungad si Mama Leen.

"Anak ko, Eric anong nangyari?"
Naiyak na usal nito habang hawak ang kabilang kamay ni Angelina

Agad na pinunasan ni Eric ang mga luha niya at ipinaliwanag kay Mama Leen ang mga nangyari napakalma naman niya ito at iniwan na muna ang mag ina sa loob.

Eric
Bakit nangyari ito,bakit sa mahal ko pa sana ako nalang ang nabangga kanina sana nahagip ko kaagad ang kamay mo sana sinabayan nalang kita sa paglalakad. Magiging okay ka babe at gagawin ko ang lahat para maging okay ka. Sino naman ang gagawa sa iyo ng ganito,wala ka namang kaaway. Isa lang ang sisiguraduhin ko na hahanapin at aalamin ko kung sino man ang mygawa nito sa iyo.

TILL THE END Où les histoires vivent. Découvrez maintenant