REVELATION

347 15 0
                                    

Tiago's POV

Siguro ito na nga ang dapat kong gawin,ang isabi kay Regina at Chris ang totoo. Mas magiging lagay ang loob ko at mapoprotektahan ko pa si Chrisgine. Sana lamang matanggap ni Leen ang aking naging plano alam ko na magagalit siya pero kung ito lamang ang paraan para maayos na ang lahat ng gulo at maibalik ang bata bakit hindi diba.

Tinawagan ko si Regina para ipaalam na magkita kami sa isang coffee shop at isama si Chris dahil mygusto akong sabihin sa kanilang dalawa at para humingi na din ng kapatawaran sa ginawa ko at ni Leen. Kung kailangan pagbayaran ko gagawin ko at sasaluhin ang parusang ibibigay sa kapatid ko. At para ipaalam na walang katotohanan ang sulat sa box,OO hindi ko nga alam iyon dahil ipinaabot lamang ni Leen iyon para kay Regina at sabihing pag isipan. Kung alam ko lang ay sana hindi ko nalang ginawa.

Hindi ba ganun naman talaga pag pamilya kaya mong saluhin lahat maprotektahan mo lang sila.

COFFEE SHOP

"Tia-go"
Saad ni Chris na ramdam ko ang galit sa kaniyang mga mata.

"Nandiyan na pala kayo,maupo muna kayo"
Ani ko at naupo sa harapan nilang dalawa,wari ko'y nabunutan ng tinik ang puso ko ng makitang maayos na muli sila pero my kulang sa kanila...

"Ano ba ang sasabihin mo tungkol ba kay Chrisgine?"
Naiiyak na saad ni Regina

"O-o at gusto ko din sana....humingi ng kapatawaran sa inyong dalawa sa ginawa ko at sa kadahilanan kung bakit nalayo sa inyo si Chrisgine. Alam ko na hindi sapat ang isang sorry at hindi niyon mawawala ang sakit at lungkot na inyong naranasan pero nandito pa din ako para humingi ng inyong kapatawaran. Sa lahat lahat."

"Chris bro,sana mapatawad mo ako siguro nga tama ka na mayabang ako na hindi lahat ng gusto ko makukuha ko at ipinamulat mo sa akin ang katotohanan. Bro alam ko naging sakim ako at madamot ang inisip ko lang ay sarili ko kaya siguro nagawa ko iyon sa inyo. Andaya mo kasi lahat nalang nasa iyo tapos napunta pa sayo ang aking kaisa isang mahal haha ang drama.."

"bro"
Ani ni Chris na parang ewan at hindi maipinta ang mukha

Natahimik kami at hindi ko namalayan na napatak ang luha ko kaming tatlo actually at pinahid ko ito dahil sa amin walang lalaki ang naiyak unless talagang nagsisisi ka sa ginawa mo.

"Bro,ako dapat ang humingi sayo ng tawad dahil alam ko na tayong dalawa lang ang nagkakaintindihan noon pero nagawa pa din kitang traydorin sa pagmamahal ko kay Regina kahit alam ko na mahal mo siya. Bro diba ganun ang pag ibig mahal ko e kaya pinaglaban ko. Kala ko okay na sa iyo dahil maayos naman tayo pero nangyari na yun at mas naintindihan kita ngayon ng marinig ko ang lahat. "

"Ano ba kayo andadrama ninyo ha HAHAHA mga lalaki pa mandin kayo. Alam niyo tapos na iyon ang mahalaga ay nagkapatawaran na. And ikaw Tiago alam mo ba na oo mygalit kami sayo pero sa puso namin napatawad ka na namin,gusto lang talaga namin malaman kung nasaan si Chrisgine kaya ka namin hinahanap"
Natatawang saad ni Regina at nagseryoso muli

"Oo nga bro,alam ko na hindi mo siya hahayaan na masaktan kaya naniniwala kami na buhay pa siya diba?
Malumanay na saad ni Chris

"Bro,Regina maraming salamat sa pag iintindi ninyo at sana bumalik ang dating pagsasamahan natin and si Chri..."

Naputol ko ang sasabihin ko ng mylumapit sa akin isa sa mga bodyguard ko at mysinabing importante.

"excuse me sir"

"Yes,im in the middle of the meeting"
Seryoso kong saad

"Kasi sir my problema po si Ms.Leen po kasi"
Kinakabahan nitong saad

TILL THE END Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon