Leen and Tiago's relationship

199 14 0
                                    

Habang nagkakakwentuhan ang mga ito ay napagtanto ni Regina na hindi pa rin nadating ang Mama ni Angelina.

"Oo nga pala,wala pa ba Eric ang Mama ni Angelina for sure matutuwa iyon pag nalaman niyang gising na ang kaniyang Anghel"
Masayang saad ni Regina habang nakatingin kay Angelina

"Yun nga po Tita sabi ni Mama Leen makuha lang ng gamit. Baka pabalik na din po"

"Babe,pwede bang patawagan si Mama gusto ko kasi siyang makita please"
Mahinang usal ko at nakangiti kay Eric

"Masusunod po aking Angel"

Eric

Lumabas naman ako ng kwarto para maghanap ng signal dahil sobrang hirap ng signal sa room ni Angelina. Nakailang beses na akong call kay Mama Leen pero hindi niya ito sinasagot. Nang magawi ang tingin ko sa aking kaliwa ay nakita ko ang isang babae na nakaupo at mykausap na lalaki. Nakita ko na si Mama Leen ito kaya agad ako na lumapit.

"Mama L-een"
Nabubulol ko pang usal at napalingon siya sa akin. Hindi ko maipinta ang kaniyang mukha halo halong emosyon

"E-ric ikaw pala,oo nga pala si Tito John kaibigan ko"
Nanginginig na boses niya ang nangibabaw

"Hello po,ahh Tita kanina pa po gising si Angelina and hinahanap po niya ako mabuti nalang at nandito na po kayo. Tayo po sa loob"
Inaya ko silang pumasok na sa loob para hindi na mangulit si Angelina

"Salamat naman at gising na siya,kamusta mymasakit ba sa kanya?"Susunod na kami ni John sa loob Eric mauna kana"

"Sige po Mama Leen,sabihin ko nalang po kay Angelina"
Nabigla naman ako sa sinabi niya kaya natigilan ako sa paglalakad

"No Eric,pwede bang huwag mo munang sabihin na nandito ako. Papasok nalang ako sa loob mamaya. Please"

"Si-ge po"

Walang kibot likod and naglakad pabalik sa kwarto ni Angelina. Hindi ko lang maintindihan si Mama kung bakit siya ganun gayong siya itong sobrang alala kay Angelina.

"Babe nakausap mo ba si Mama,pabalik na ba siya"

"Ah-hh babe kasi hindi nasagot si Mama baka naka off ang phone,don't worry baka pabalik na din yun"

"Oo nga Angelina,kilala mo naman si Mama Leen hindi ba sobrang maasikaso baka naghahanda pa ng gamit mo"
Natatawang saad ni Yang

"Sweet pala ni Mama mo,sana ma meet ko siya later pag naabutan namin ni Chris. Siguradong sobrang swerte niya dahil my anghel siyang anak"
Natutuwang saad ni Regina na halatang mynamimiss

Mga ilang oras pa ang lumipas pero hindi pa din nadating si Mama Leen,kaya naman nagpaalam na sila Regina at Chris at naiwan naman na nagbabantay sila Eric and Yang.

Kinaumagahan

Angelina

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa tabihan ko,mynag aayos ng mga gamit nagawi ako sa pwesto kung saan nanggagaling ang ingay at bumungad sa akin si Mama na nagpe-prepare ng pagkain.

"Mama"
Mahina kong usal habang nakatingin sa kaniya at nakangiti

"Anak ko,gising kana pala gusto mo ba kumain"
Masayang saad niya

Niyakap ko lang si Mama ng mahigpit,hindi ko alam pero merong kakaiba sa nararamdaman ko ng makita si Mama. Gusto ko lang siya yakapin at manatili sa tabi ko. Alam ko na nakangiti si Mama pero malungkot ang mata niya.

"Sorry Ma"
salitang naiusal ko at pumatak ang luha sa aking mga mata

"Sorry for what anak?"
Napakalas naman siya ng yakap at nagtataka habamg pinupunasan luha ko

"Kasi Ma,alam ko napag alala kita sorry kasi hin.."

"Wala kang kasalanan anak aksidente ang nangyari,ako nga dapat ang magsorry kasi hindi kita nababantayan. Im sorry anak"
Pagpuputol niya sa sasabihin ko at nakita ko kung paano bumagsak ang mga luha niya.

Nang makabalik sila Eric sa kwarto ay dumalaw naman ang aking doctor para icheck ako at ipaalam na pwede na akong makalabas mamaya.

"Ma"

"Oh ano yun anak"

"thank you sa pag babantay sa akin dito at pag aasikaso,look bumili ka pa ng bagong bed sheet eh hindi naman maselan ang balat ko"
Natatawa kong saad

"Ah-hh basta para sayo anak"

"Babe"
Ani nitong napaka sweet kong boyfriend at tumabi sa akin

"Yes babe"

"Im happy na makakalabas kana and huwag matigas ang ulo pag sinabing magpagaling ka muna ha,pwedeng hindi ka muna magrehearse"
Nakangiti niyang saad habang hawak ang kamay ko

Napakaswerte ko naman talaga sa lalaking ito,well swerte din naman siya sa akin haha ano ba yan Angelina

"Opo babe,sabi mo e basta behave ka sa studio ha marami akong mata doon"

Pareho naman kaming napabunghalit ng tawa..

"Tama na kayong dalawa diyan baka kung saan pa mapunta yang usapan haha Eric kelangan na natin bumalik sa studio"
Paninira ni Yang ng moment sa amin ni Eric haha

"Sige,babe una na muna kami. Dalaw nalang ako sa inyo ha basta text mo ako pag nakauwi kana"
Pagpapaalam nito at hinalikan ako sa noo ( no pwede sa lips nakabantay si Mama 😅)

"Yess babe,ingat kayo ni Yang"

Naiwan kami ni mama sa kwarto,habang ako ay pinagmamasdan siyang magligpit ng mga gamit namin. Naalala ko naman yung baby picture na hindi na natanggal sa isipan ko.

"Mama,ahh my gusto po sana ako itanong"

"Ah-h ano yun anak"
Bahagya naman si Mama na napaharap sa akin na parang kinakabahan

Mytinatago ba si Mama sa akin,hindi kasi siya ganito noon sa akin pag my itatanong ako kalmado lang ang mukha niya pero ngayon...

"Kasi Ma,nung nasa bahay sila Tito Max and Eric naghahanap sila ng pictures ko actually a baby picture pero we notice that we don't have atleast one sa album meron akong photo i think mga 7 years old na ako nun. "
Nagtataka kong tanong habang tinititigan si Mama sa mata

"Ahh-h yun-g baby picture bakit nga ba wala,hindi ko alam ay-y nasa mga Tito mo na bahay kasi nanirahan tayo sa kaniya e. So hindi ko na naayos yun nung umalis tayo sa kaniya"
Nauutal na saad ni Mama

Feeling ko my kakaiba kay mama at meron siyang hindi sinasabi sa akin.

"Mama meron kang hindi sinasabi sa akin"
Seryoso kong saad at nakita ko na nag iba ang reaksyon ni Mama na mysomething talaga

"An-o naman yun..

"Hindi mo sinabi na my Tito pala ako kapatid mo"
Pagpuputol ko sa sasabihin niya

"O-o tama meron pero matagal na kaming hindi nagkikita simula nung umalis tayo sa kanila"

"Ano naman name niya?parang wala akong maalala"
Napaisip naman ako kung sino kasi wala ako masyado maalala sa aking kabataan

"Si Ti-to Tiago mo,he's my half brother kaya medyo hindi kami yung close na close"

"Ahh ganun pala..

"Mam,okay na po yung billing"
Naputol ang sinasabi ko ng dumating ang nurse

"Sige susunod na ako,anak asikasuhin ko lang yun magpalit kana ha"

"Sige Ma"

My problema kaya si Mama,ang weird niya kasi today and parang pagnapunta siya dito timing na walang tao. Bakit naman kaya,and tito Tiago? ngayon ko lang narinig ang name niya.

TILL THE END Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon