Story of Angelina

260 15 1
                                    

Regina

Napatitigan ko nalang si Angelina habang natutulog,hindi ko alam kung ano ba ang meron sa batang ito pero sobrang gaan ng loob ko sa kaniya,parang sobrang tagal ko na siyang kakilala. Napakaganda niya and sobrang sipag swerte ng magulang nito. Magluluto na muna ako ng breakfast at pihadong masakit at gutom ito pagkagising.

Habang nagluluto si Regina ay nagising naman si Angelina na iniinda ang sakit ng kaniyang ulo.

Angelina

Namulat ang aking mata at damang dama ang sakit ng ulo ko at medyo nahihilo. Pero mas masakit pa rin talaga ang ginawa ng apakademonyong lalaki na iyon sa akin hay naku agang aga siya kaagad naiisip ko. Pero napagtanto ko naman na parang iba ang kwarto na ito sa kwarto ko. Napalaki ang mulat ng mata ko habang nakawak sa aking ulo na sobra ang sakit. Malinis at mabango ang kwarto hindi ko alam kung nasan ako inilibot ko ang aking mata at pagtingin ko sa aking damit ay iba na. Nababaliw na ko kakaisip kung ano ba talaga ang nangyari kagabi!NASAAN AKO,KANINONG BAHAY ITO! TANGA TANGA KO TALAGA SABI WAG NA MAG INOM! HINDI NAMAN ITO BAHAY NI YANG LAGOT SAKIN YUN PAG NAKITA KO.

Nahiga naman ulit ako at nangingiyak sa ginawa ko ano ba naman kasi ang nangyari alam ko lang ay sumigaw ako. Sumagi naman agad sa isip ko na mypasok ako ngayon napabalikwas naman ako ng upo ng marinig na mypapasok sa kwarto and nanlaki ang mata ko ng makita ang anghel sa harapan ko kay Ms.Reg pala ang bahay na ito natulala naman ako habang papalapit siya.

"Goodmorning Angelina ,how's your feeling?"
Nakangiti niyang bati sa nakatulalang si Angelina

"Ah-hh goodmorning Ms.Reg,okay naman po medyo masakit lang ulo ko. Bakit nga po pala ako nandito?"
Aniya na nakangiti at nahihiya

"Ahh lasing na lasing ka kasi kagabi,eh pagod na din yung dalawa kaya ako na ang nagsama sa iyo dito hindi mo kasi kaya umuwi kagabi"

"Ganun po ba,nakakahiya tuloy"

"Gutom ka na ba?tayo na kumain nagluto ako and pinaghanda kita ng kape"

Nagpunta naman kami sa kusina infairness ang galing magluto ni Ms.Reg and andami pagkain. Parang nasa kaniya na ang lahat.

Nagmadali naman na akong kumain dahil sobrang late na din ako sa work.

"Ms.Reg thank you po ng sobrang dami kailangan ko na po ata umalis kasi my work pa ako"
Bahagya naman hinila siya ni nito nung patayo na siya

"Ano ka ba magpahinga ka muna dito,pinagpaalam na kita kay Jon na hindi mo kayang pumasok at tsaka sa Mama mo.Okay lang ba dito ka muna?"

Nanlaki naman ang mata ko ng marinig ang mga yun,para bang sumagi ito ng madiin sa puso ko at hindi ko alam bakit ang gaan ng loob ko sa kaniya na parang nakasama ko na siya noon.

"Ahh okay naman po,thank you po ulit"

After nilang kumain ay nagtungo naman agad sila sa kwarto ni Ms.Reg para magkakwentuhan at magkakilanlanan.

"Ah Ms.Reg,tanong ko lang po sino po ang nagpalit ng damit ko?"
Nahihiya naman nitong tanong habang nakayuko

"Napatawa naman si Ms.Reg,Syempre ako haha sobrang dumi kasi ng damit mo dahil nagsuka ka and ng pawis. Pero okay lang yun"

Nagkangitian naman ang dalawa sa usap na iyon at nabalot bigla ng katahimikan sa loob ng kwarto . Bigla naman naitanong ni Ms.Reg kung my problema ba si Angelina dahil sa inasal nito kagabi.

"Ahh Angelina,i hope you don't mind curious lang ako and nag aalala sayo. Kagabi kasi parang galit na galit ka sa lalaki okay ka ba"
Ani ni Ms.Reg na nakatitig sa mga mata ni Angelina at kita ang mga sakit na nararamdaman nito

TILL THE END Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon