Pag- iwas

266 14 2
                                    

5:00 am

Medyo maingay dahil sa tunog ng dagat at malamig sa hangin na dulot nito. Nagising si Eric dahil sa ingay ng dagat.

Eric

Ang sarap gumusing ng ganito,maririnig mo ang tunog na nanggagaling sa dagat,ang masimoy na hangin at katabi ang taong napupusuan mo. Napakaganda mo talaga Angelina,para kang anghel na natutulog. Sana pagbigyan mo ako na mahalin ka at pagsilbihan ka sa abot ng aking makakaya. Gusto kitang makilala.

Pinakatitigan naman ni Eric si Angelina mga ilang minuto pa ay nagising si Angelina dahil sa lamig.

"Anlamig"
Nakapikit na saad nito

Niyakap naman ito ni Eric ng mahigpit para mabawasan ang lamig na nararamdaman nito at inayos ang jacket na nakapatong sa balikat nito.

"Malamig pa din ba?"
Nakangiting saad nito

"Medyo nalang,thank you"
Ani nito habang magkatitigan silang dalawa at niyakap si Eric,nakatulog naman ulit ito.

Mga ilang oras ang nakalipas ay tuluyan na nagising si Angelina.

"Goodmorning Angel "
Nakangiting saad ni Eric habang inaalalayan umupo si Angelina

"Goodmorning,hindi ka ba natulog?"
Nag aalalang tanong nito

"Natulog haha,maaga lang ako nagising dahil sa tunog na gawa ng dagat at binantayan ka"
Nakangiting saad nito

"Ahh ganun ba,okay lang naman ako dapat nagpahinga ka"
Nag aalalang saad nito

"Okay lang ako,ang ganda ng dagat diba ang mga tunog nito ay parang musika sa pandinig ko"
Ani nito habang nakatingin sa dagat

"Oo nga,ngayon lang ako nakatulog sa tabing dagat haha and na enjoy ko naman"
Nakangiti nitong saad habang nakatingin kay Eric

"Ako rin,sana maulit"

Nagkatinginan naman ang dalawa at natawa. Nag aya na si Angelina umalis dahil myrehearsal pa sila kelangan niya pa umuwi para magpalit ng damit.

Angelina
Napakagaan sa pakiramdam na makasama si Eric ni hindi manlang ako kinabahan sa kaniya. Sobrang buti ng puso niya. Sana maaga ko siyang nakilala para sana hindi ako nasaktan.

"Angelina"
Sigaw ni Mama Leen

"Po"
Dali dali naman itong bumaba

"Mybisita ka o si pogi"
Ani ng mama nito na nakatitig sa fresh na fresh na si Eric

"Oh bakit ka nandito"
Nagtataka naman nitong tanong

"Susunduin ka maaga tayo sa rehearsal diba and ayain sana kita magbreakfast?"
Ani nito na nakangiti

"Ahh ganun ba,sige magbihis lang ako"
Nakangiti nitong saad at nagmadali pumanhik para magbihis.

Kinikilig naman si inday dahil sinundo siya ni Eric at aba nagpaganda pa siya ha bago tuluyang bumaba.

Habang nagpapaganda yung isa ay naiwan sa sala si Mama Leen and Eric.

"Ijo,parang ngayon lang kita nakita ha ano mo si Gel"
Nag uusisang tanong nito

"Ahh kaibigan po,makakasama niya sa concert"
Nakangiti namang sagot nito

"Concert anong concert"
Gulat na gulat namang tanong nito

"Ahh magconcert po kasi ako kasama si Marga Llanes and Ms.Regina Luna ininvite po namin si Angelina bilang guest,okay lang po ba?"
Kinakabahan na saad nito dahil nagulat din

TILL THE END Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon