Marga's Evil Plan

217 16 0
                                    

Marga
Its such a long day,Im still upset and feel so ruined by you Angelina. Sisiguraduhin ko na mawawala kana sa buhay namin ni Eric. Hindi rin ako makakapayag na masira lang ang pinaghirapan kong pangalan ng dahil sa isang pipichuging katulad mo.

Kasalukuyang nasa isang coffee shop si Marga para hintayin ang taong uutusan niya para tapusin ang buhay ni Angelina. Mga ilang minuto pa ay dumating na ang isang lalaking nakaitim na top at pants at nakasalamin at sombrelo.

"Hello Mam,pasensya na po at medyo na-late ako"
Pagbungad nito at umupo sa harapan ni Marga.

Para naman hindi mahalata si Marga ay nagdamit ito ng naaayon sa damit ng lalaki nagsalamin din siya at naka hoody para matakpan ng bahagya ang kaniyang mukha.

"It's okay maaga lang ako dumating dahil baka mymakakita sa akin. Ayos na ba ang mga gamit mo para sa inuutos ko sa iyo?"
Mataman na saad nito

"Opo Mam,pero sigurado po ba kayo sa pinapagawa ninyo? Hindi ko po gawain ang..
Naputol ang sinasabi nito ng biglang umimik si Marga

"Tandaan mo binabayaran kita kaya lahat ng sasabihin ko ay gagawin mo. Bakit kulang ba ang binayad ko sayo? "
Naiinis na sambit nito sa lalaki

"Hindi naman po Mam,pero kung yun po ang gusto ninyo maaasahan niyo po ako.Paano po kung mykasama siya mamaya?"
Nag iisip na tanong nito

"Edi sagasaan mo din basta siguraduhin mo na hindi makakaligtas ang babaeng iyon at walang makakaalam na ako ang nag utos sa iyo naintindihan mo ba"
Nananakot na saad nito

"Sige po Mam,mauna na po ako"

Matapos mag usap ng dalawa ay agad na tumayo si Marga dahil baka my makakilala pa sa kaniya sa coffee shop. At ang lalaki naman ay dumiretso na sa studio para manmanan ang dalaga.

Marga
Poor Angelina,ikaw kasi ang nagsimula kung hindi mo sana inagaw sa akin si Eric eh di sana walang ganito na mangyayari HAHA see you nalang sa libing mo. And you Eric I will make sure na babalik ka din sa akin at marerealize mo na ako talaga ang mahal mo.

STUDIO

Nagpunta si Angelina sa studio dahil pinapunta ito ni Yang para ipasunod ang naiwan niyang papers sa kwarto,sa kadahilanan na ayaw na muna ni Angelina umuwi ay nag rehearse nalang muna siya mag isa kahit wala pa si Eric.

Makalipas ang dalawang oras ay nagtataka ito kung bakit wala pa si Eric kaya naman agad niya itong ipinagtanong sa ibang kasamahan nila.

"Bryan nakita mo ba si Eric"

"Naku Angelina hindi pa e,actually kanina pa din namin siya hinahanap"
Saad nito at iniwan na si Angelina

"sige salamat"

Nagatuloy naman si Angelina sa paghahanap kay Eric at pumunta ito sa dressing room dahil baka nandun lang ang binata pero walang Eric siyang natagpuan. Kaya naman pumunta siya sa office nila Yang para icheck kung napadpad ang binata doon.

"Yang"
Nakangiting saad nito

"Oh Gel,kala ko nakauwi kana"
Nagulat na tiningnan nito si Gel

"Ahh hindi nagrehearse ako,ano kanina ko pa kasi hinahanap si Eric nakita mo ba?
Pang uusisa nito

"Si E-ric? Nakita ko siya dito kanina e kaso..

"Kaso umalis siya,tumawag si Marga e mypinapadaanan kay Eric sa bahay nila kaya pumunta si Eric dahil importante daw ang mga papers. Madali lang daw siya."
Singit naman ni Mark at tiningnan ito ng masam ni Yang

"Gel,wag ka mag alala saglit lang naman daw si Eric"
Nag aalalang sambit nito sa isa na halata sa mukha ang pagkainis at naupo sa isang tabi

Angelina
Kaya pala kanina ko pang hinahanap at hindi ko makita dahil nasa higad na babaeng iyon. Tingnan lang natin Eric at huwag na huwag kang magsisinungaling sa akin kung nasaan ka dahil masasapak kita ng sampu. Akala siguro ng Marga na iyon madali ako kalaban pwes hindi.

"Yang"
Medyo pasigaw na saad nito

"Y-es Gel"
Kinakabahan at nabubulol na usal nito

"Can you please call Eric now"
Naiinis na utos nito

"O-key Gel ito na"

Dialing Eric...

"he's not answering the phone gel"

"shit"
mahinang usal ko na hindi narinig ni yang

Ilang oras ang lumipas bago makarating si Eric pabalik ng Studio dahil sa traffic at naiwan nito ang kaniyang cellphone sa dressing room. Habang hinihintay ni Angelina si Eric ay inaliw muna nito ang sarili sa mobile games.

"Oyy nandiyan na pala si Eric"
Sigaw ni Mark na kinatigil naman ni Angelina sa paglalaro at nanatiling nakaupo.

Agad naman na lumabas si Yang para salubungin si Eric sa labas at sabihan na mainit ang ulo ni Angelina.

"Eric,bakit ngayon ka lang kanina ka pa hinahanap ni Angelina"
kinakabahan na sabi nito

"Ah-h sa bahay ni Marga,kinuha ko lang ang mga papers na naiwan ko sa kanila medyo traffic kaya natagalan ako. Bakit mynangyari ba nasan siya?"
Nag aalalang tanong nito

"Wala naman,pero ayun nandun sa loob ng office namin hinihintay ka at parang nagmamaktol dahil pumunta ka sa bahay nung Marga na yun"

Kinabahan naman si Eric sa sinabi ni Yang,dahil naalala nito na sinabihan nga pala siya ni Angelina na sasamahan niya itong kuhanin ang mga papers dahil ayaw nito na nadikit si Marga sa kanya.

Kinalma ni Eric ang sarili niya at nagmadaling pumunta sa office nila Yang,bumungad sa kaniya si Angelina na nakaupo sa isang sofa at naka cross arm habang blangko ang mukha na nakaharap sa kinatatayuan niya.

"Ba-be nandito ka na pala"
Pagbati nito na medyo nabubulol dahil hindi pa niya alam kung paano magalit ang dalaga,akmang hahalikan nito sa pisngi ay bigla itong umiwas

"Stop calling me babe,im waiting here for almost an hour. San ka ba galing"
Malumanay na saad nito pero wala paring emosyon ang kaniyang mukha kaya kinabahan si Eric na baka mag away sila.

"Ahh-h kanila Mar-ga babe,kinuha ko lang yung mga papers na naiwan ko sa kanila tumawag kasi siya at pinapakuha na iyon."
Medyo nabubulol na saad nito

Mabuti naman at hindi ka nagsinungaling Eric dahil kung hindi naku talagang makakatikim ito sa akin.

"Bakit ba nauutal ka ay tinatanong lang naman kita,at bakit hindi ka nasagot sa calls ganun na ba kahalaga ang mga papers kaya hindi mo masagot ang cellphone o my iba ka pang kinuha?"

"Babe naman"
Walang pag aalinlangan niya itong nilapitan at inalalayan patayo para yakapin.

"Ano tinatanong kita Eric wag mo akong daanin sa yakap na ganyan"
Kumalas naman ito sa pagkakayakap ni Eric at naglakad palabas sinundan naman ito ni Eric habang nag eexplain

"Babe makinig ka naman,wala na akong ginawa sa bahay nila maniwala ka after ko na kunin ang mga papers ay agad na akong nagpaalam kay tita and umalis hindi ko nga siya nakita doon e."
Hinarangan naman ni Eric ang dinadaanan ko kaya't napatigil kami pareho

"Babe,uyy hindi ko po nasagot ang calls kasi naiwan ko ang aking cellphone sa dressing room"
Nagpapacute nitong dagdag sa isa

Nagkatitigan naman ang dalawa at sabay na napatawa,tinukso naman sila ng mga tao sa hallway na nasaksihan ang paguusap nila

"Ano ba yan nangangamoy away ha"

"Tama na yan,magmahalan nalang tayo"

"Hindi yan maghihiwalay"

"Itigil niyo na yan,susko selosa talaga ng kaibigan ko haha"
Pang aalaska ni Yang kay Gel at pinasunod ang dalawa sa parking para makapunta na sila sa dinner

"wala kana ginawa doon?bakit hindi mo sinabi sa akin para nasamahan kita,alam mo naman na iba din ang babaeng yun hindi ba"
Seryosong saad ni Angelina

"Alam ko naman yun and hindi ko hahayaan na sirain niya tayo okay,at tsaka kasi babe hindi ko naman alam na nandito ka and baka hindi ka pa okay,sorry na babe hindi na mauulit promise"
Naglalambing na saad nito at niyakap muli ang dalaga

"Basta wag mo na uulitin Eric,ayaw ko lang talaga na nadikit ka sa kanya kilala mo naman yun gagawin ang lahat para lang mapaghiwalay tayo"
Nakangusong saad nito sa binata

"Opo hindi na mauulit aking Anghel"
Usal ni Eric at hinalikan sa labi ang dalaga.

Nagkatitigan naman ang dalawa at napatawa sa isat isa.

TILL THE END Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon