Concert

284 15 2
                                    

Matapos ang mahigit isang linggong walang imikan parang matatapos ang concert na walang pagkakaibigan na nangyari. Magiging okay kaya sila o tuluyang hahayaan ni Eric ang kaniyang nararamdaman.

Ngayon ay araw ng concert at halos lahat ay abala sa kani kanilang rehearsal at pag aayos.

"Okay na ba ang lahat,ang mga gagamitin mamaya ayos na ba?Make sure na walang papalpak dahil malaki ang event na ito and ayaw ko ng problema"
Ani ni Jon na busy sa pag papaalala sa mga tauhan.

Ilang oras na lang ay mag uumpisa na ang concert,pupuntahan sana ni Eric si Angelina ng bigla niyang makita si Shara na papunta sa room kung saan nandudoon si Jon. Agad naman niyang sinilip ito.

( Shara ang babaeng dahilan kung bakit nag away si Eric at Jon,and siya rin ang babaeng nag mamay ari sa puso ni Jon)

Nakita niyang sweet na sweet ang dalawa sa loob at para bang miss na miss ang isat isa. Nagtaka naman ito dahil ang alam niya ay nililigawan din nito si Angelina. Akmang aalis na siya ay napatigil ulit siya sa kaniyang kinatatayuan ng marinig ang usapan ng dalawa.

"Alam mo nakakainis ka,bakit nabalitaan ko mynililigawan ka daw at employee mo pa?"
Nagtatampo at inis na saad nito

"Ano ka ba,hindi naman seryoso yun kasi ikaw ang mahal ko diba. Nabigla lang naman ako nun sa kanya dahil niloloko nila kami. Pero wala na yun ni hindi na nga kami ganun nagkakasama and hindi kita papalitan. At tsaka kaya ko lang naman ginawa yun para mapalapit sa kanya dahil magaling siya kumanta at feeling ko mabebente ang album dahil sa ganda at galing niya."
Ani nito habang nilalambing yung isa

"Ahhh promise mo ha,dahil kung hindi humanda sakin ang babaeng yan. Alam mo hindi ka pa din nagbabago user ka pa din"
Natatawang saad nito

Habang nag uusap at nagtatawanan yung dalawa ay hindi nakatiis si Eric sa sinabi nito about sa babaeng mahal niya,kaya naman pinasok niya ito at sinuntok. Mabuti at dumating sila Chris and Regina para icheck ang lahat.

"walang hiya ka Jon hindi ka talaga nagbabago"
Galit na saad nito at sinuntok ng malakas sa mukha si Jon

"Aba Eric bakit tinamaan ka ba kay Angelina? Hahaha alam mo hindi ka niya magugustuhan dahil halata naman na ako ang gusto niya"
Natatawang saad nito sa kaibigang si Eric

Sinuntok ulit nito sa mukha na nagdugo ang bandang bibig. Hinawakan naman ito ni Chris at pumagitna sa dalawa.

"Hahaha easy bro,Hindi ka mananalo sa akin"
Pang aasar pa ni Jon

"Walang hiya ka Jon,sinasabi ko sayo layuan mo si Angelina dahil kung hindi babasagin ko mukha mo!"
Galit na saad nito at umalis sa kwarto

"Ano ba nangyari dito?Shara nakabalik kana pala ng Pilipinas?"
Usisa ni Regina habang nakatingin sa dalawa

"Ye-s Tita"
Nabubulol na saad nito habang nakahawak kay Jon

"Pwede bang mag si ayos kayo,ikaw Jon malaki ang tiwala ko sayo na magiging okay ang concert kaya please wag mo sirain iyon. Magsibalik na kayo sa pwesto ninyo at mag sisimula na."
Ani nito na medyo galit at bumalik na sa labas para manuod.

Naglakad palayo si Eric sa marami at nag isip isip.Sinuntok niya ang pader na nasa harap niya kaya nagdugo ang kanyang kamay. Maya pa ay mykumabig ng kamay niya

"Anong nagyari sa kamay mo,bakit mydugo?"
nag aalalang saad ni Angelina habang hawak ang mydugong kamay ni Eric

Walang imik at niyakap nito ng mahigpit si Angelina.

"Okay ka lang ba?Ano ba nangyari sayo ha?

"Wala,dito ka lang sa tabi ko muna please kelangan kita"

TILL THE END Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon