To Love Again

255 13 1
                                    

Christopher

Antagal na din nung huli kong napakinggan ang kantang iyon. Masakit mang isipin pero nangyari na ang lahat at hanggang ngayon ay naniniwala pa din ako na maibabalik sa amin si Chrisgine. Ngunit paano kung bumalik siya at wala na ang kaniyang magulang sira na. Namimiss na naman kita anak araw araw naman kasi kita naaalala,para bang nagunaw ang mundo ko ng nawala ka at pinatay ako ng umalis ang mama mo. Hindi ko kayang ipakita sa mama mo na nasasktan ako dahil ayokong pareho kaming mawala sa sarili kakaisip sa iyo pero parang mali ako dahil sa ginawa ko ay lalo siyang nawala. Patawad anak,sisiguraduhin ko na sasamahan ko pa din ang mama mo.

Habang nag aayos si Chris ng mga papeles na kaniyang pinipirmahan ay my biglang pumasok ang kaniyang secretary na si Kim.

"Sir nandito po si Ms.Regina"
Ani nito na nauutal

"It's okay,papasukin mo"
Ani ko na nakangiti hindi ko alam pero masaya na malamang nandito siya

Pumasok naman si Regina na my dalang kape para sa kanilang dalawa.

"Hello,okay lang ba hindi ka busy?Coffee?"
Nakatingin at nakangiti niyang saad

"Oo naman,thank you sa pag punta dito?tagal na din nung huli kang tumungtong dito"
Ani ni Chris na nakatitig at nakangiti sa kanyang Misis at nagbeso

"Ahh mygusto sana akong sabihin at malaman"
Nakatitig nitong saad sa mga mata ni Chris

"Sure,tungkol saan ba?"

"Tungkol sana sa anak natin"

Napatigil naman ito sa pag kaka inom ng kape at napatingin ulit kay Regina.

"Ahhh,pero okay lang kung hindi ka pa handa makipag usap about dun."

"No,its okay gusto ko nga din sana pag usapan natin ang tungkol sa atin Regina."
Ani nito na nalulungkot

"Sa atin?Tungkol dun,sabay hawak sa kamay ni Chris habang unti unting bumubuhos ang luha. Bakit hindi mo sinabi sakin Chris na nahirapan ka,na ganun ang iyong naramdaman. Bakit pinakita mo sakin na wala lang sayo na kaya mo gayong hindi naman pala. Bakit...

Naputol ang sinasabi niya ng sumingit si Chris sa pagsasalita

"Dahil ayaw ko na pareho tayong dalawa nalulubog sa lungkot,ayaw ko na mapabayaan natin ang lahat dahil nawawala si Chrisgine. Ayaw ko na dahil mahina tayong dalawa panghinaan din tayo ng loob na mahanap siya. Pero mali pala ako dahil nawala ka din. Masakit mahal na makita kang nasasaktan dahil hindi ko nailigtas ang ating anak,masakit na wala manlang akong nagawa para sa pamilya natin. Kaya nung nangyari yun lagi akong nasa office pinagkaka busyhan ang lahat para mabawasan ang sakit at kasabay niyon ay pinapahanap ko ang anak natin. Hanggang ngayon Mahal hanggang ngayon hindi ako sumusuko na makikita natin siya"
Niyakap naman ito ni Regina habang umiiyak din

"Sana sinabi mo,dahil sa pagsubok na ito Mahal tayong dalawa lang ang magtutulungan. Im sorry kasi inuna ko ang sarili ko,yung nararamdaman ko lang ang inisip ko. Na hindi ko manlang naramdaman na nasasaktan ka rin. Im sorry mahal im sorry"
Ani nito habang nakayakap kay Chris

Kumalas naman si Chris sa pagkakayakap at pinunasan ang luha ni Regina...

"Tama na mahal,ayoko na nakikita kang umiiyak ng ganyan. Lahat gagawin ko maibalik lang si Chrisgine,lahat kahit ano mangyari at naniniwala ako na matatagpuan pa din natin siya ang anak natin"

Ngumiti naman si Regina kay Chris habang pinapahiran ang mga luha nitong kumawala sa mga mata.

"Mahal,salamat dahil hindi ka tumigil sa paghahanap sa kaniya"
Ani ni Regina at hinalikan sa labi si Chris ng sobrang diin at ginantihan naman ito ni Chris ng halik na para bang sobra nilang namiss ang mga labi ng isa't isa

"Mahal na mahal kita Misis ko"
Ani ni Chris at niyakap ng mahigpit si Regina

Napakalas naman ang dalawa ng mybiglang nagbukas ng pintuan at nag punas ng mga luha

"Oops naka istorbo ba ako sa moment ninyo?"
Pang aalaska pa ni Max at nakangiti

"Gagi hindi,ano ba ang atin?"
Ani naman ni Chris at nagkatawanan sila ni Regina

"Ang saya na makita na okay na ulit kayo,so btw Chris okay na pinapagawa mo sa akin para sa concert nila Erico and Marga.

"Thank you Bro. Sabay tingin kay Regina at sinabing handa ka na ba sa concert sure ka na kaya mo na ulit kumanta?"
Nag aalala nitong saad

"Oo naman,project mo ata yun kaya naman support ako sayo mahal"
Niyakap naman nito si Chris habang nakangiti si Max na naiinggit

"Grabe naman kayo sa harap ko pa hahah pero congrats at maayos na ulit ang lahat namiss ko kayo na ganyan sweet lang."
Ani nito sabay labas ng office

"So,sabay tayo mamaya mag dinner?magluluto ako punta ka sa bahay"
Ani ni Regina habang nakatingin kay Chris

"Oo ba,namiss ko yata ang luto ng misis ko"
Ani ni Chris at hinalikan sa noo si Mahal

"ikaw talaga hindi nagbabago lulutuin ko ang paborito mo and invite ko na din sila Angelina magaling magluto yun e and namiss ko din sila kasama"

"Sige ba para naman madami tayo mamaya,ikaw bahala"

After nila mag usap ay umalis na si Regina sa office ni Chris at naiwan na nag iisip si Chris kung saan nga ba nandodoon si Chrisgine buhay pa kaya ito.

Thank you sa pagbabasa. Don'forget to vote 😊

TILL THE END Where stories live. Discover now