Chapter 9: Soon

8.6K 148 10
                                    

Jema's POV

Nung nabasa ko yung text ni Deanna sakin na nasa tapat na daw siya. Bumaba na ako agad pagbaba ko sa ground floor tinignan ko muna yung itsura ko sa phone ko syempre kailangan magpaganda kay Deanna Wong hehe.

"Hi good morning or shall I say afternoon since we're having lunch na" salubong niya sakin sa labas ng kotse niya.

"Good afternoon din" sabi ko naman then after nun pinagbuksan niya ko ng door sa passenger seat tapos sumakay na din siya sa kabila.

"So saan po tayo magllunch?" tanong niya sakin.

"Ikaw ba ano bang gusto mong kainin?" tanong ko din sa kanya.

"Kung anong gusto mo it's fine na din for me" sabi niya sakin ng may kasamang smile.

"Gusto ko ng buffalo wings okay lang ba yun sayo?" tanong ko naman sa kanya since last week pa ko nagccrave ng wings.

"Yes and sakto alam ko kung saan may masarap na buffalo wings" sagot niya sakin.

"Sige surprise me D" sabi ko naman sa kanya tapos nagsmile ako.

"Sure pero wear seatbelt muna before I drive" paalala niya sakin tapos siya na din yung nagsuot sakin ng seatbelt. Oi Jema kalma ka lang wag kang marupok parang sinuotan ka lang ng seatbelt eh. Pero oi gusto niya kong safe nakakakilig naman hays.

Nagstart na siyang magmaneho tapos ako tahimik lang sa gilid patagong kumakanta kapag alam ko yung kantang tumutugtog. Napasayaw naman ako sa beat ng isang kanta kahit na di ko alam yung song then bigla akong tumigil ng magsalita si Deanna.

"You didn't told me na you're a great dancer pala" sabi niya sakin.

"Oi hindi ah" reply ko naman sa kanya.

"Yes you are, nakita ko na kaya you don't have to deny it hahahahaha" asar niya sakin.

"Ano naman bat ikaw di ka ba sumasayaw?" tanong ko sa kanya tapos natawa naman siya lalo di ko alam kung bakit baliw na ata to.

"If you could only see me dancing hahahaha talo pa kita" sabi niya sakin habang tumatawa pa din.

"Talaga lang ha" reply ko naman sa kanya.

"Oo talaga" sagot niya naman with confidence pa.

"Makikita din kitang sumayaw" sabi ko. Sana nga makita ko yung mga gusto mong gawin kasi gustong gusto pa kita makilala D.

Napansin ko na nasa Katipunan na pala kami kaya nagsalita ulit ako. Grabe talagang sinundo niya pa ako kahit sa Katipunan pa yung kakainan namin.

"Katipunan pala ha?" sabi ko sa kanya.

"Yesssss and I promise that our travel will be worth it kasi masarap dito" reply niya sakin then ngumiti lang ako sa sinabi niya.

Nung nakarating na kami sa 'B Wings' ayun ata yung pangalan ng kakainan namin pinark niya yung kotse niya then bumaba agad siya para buksan yung pinto ko. Wow napaka gentlewoman naman pala nitong future jowa ko haysssss I feel lucky already. Enebe jema kung ano-ano na naman pinagiisip mo ang rupok rupok mo talaga.

"Wow ang bait naman pala" sabi ko sa kanya.

"Syempre ako pa, let's go in na gutom na ko" sabi niya then naglakad na kami papasok. Umorder na kami tapos nagbayad na din ako hinihintay nalang namin yung pagkain namin.

"Dapat masasarapan ako dito ha" sabi ko sa kanya.

"Oh trust me you will" pagyayabang niya sakin.

Dumating na yung order namin then pinatikim niya sakin yung parehas na flavor and yes tama nga siya masarap nga malasa yung wings.

"What can you say?" tanong niya sakin after kong tikman yung dalawang wings.

Thick and Thin (GaWong) Where stories live. Discover now