Chapter 31: Officially Yours

7.6K 138 1
                                    

Jema's POV

Nasa table na kami ngayon kakain na ng dinner and katabi ko si Deanna sa left side ko magkausap sila ni Cy.

"So kamusta naman po yung byahe niyo?" tanong ko kila tatay.

"Okay lang anak medyo maluwag naman yung daan dahil sabado" sagot ni tay.

"Uhm dumaan pa po ba kayo sa palengke para bumili ng ulam?" tanong naman ni deanna.

"Ahhh oo Deanna pero sa Laguna kami bumili kasi mas mura" sabi ni ate jovi.

"Okay sige kumain na tayo" sabi ni nanay.

"Anak gusto mo ba ikaw ang magdasal?" tanong ni tay kay deanna.

"Uhm sige po ako po magdadasal" sagot naman ni deanna then napa ngiti ako. Napansin ko lang hindi ata englishera tong jowa ko ngayon bakit kaya? Hahahaha.

"B okay lang kahit hindi tagalog" sabi ko sa kanya tapos pinisil ko yung kamay niya sa ilalim ng table.

"It's okay B I think kaya ko naman" she said tapos nginitian niya din ako.

"In the name of the Father, the Son, and the Holy Spirit" pagsisimula ni deanna then nag sign of the cross kaming lahat.

"Lord God salamat po sa pagkain na nasa table namin ngayon, maraming salamat po kasi nakarating silang lahat ng safe dito and thank you din po sa mga blessings na binibigay niyo po sa amin, sana po matapos po yung gabing ito ng masaya kaming lahat, in Jesus name Amen." pagdadasal ni deanna.

"Amen" sabi ni tatay at cy.

"Oh kain na tayo" sabi ni Mafe then kumuha na siya ng kanin.

"Ah anak ano nga palang kinukuha mong kurso?" tanong ni nanay kay deanna.

"Uhm AB IS po, Interdisciplinary" sagot ni deanna habang sinasandukan niya ko ng kanin.

"Hmmmmm" sabi ni mama.

"Setter din ang position mo diba?" tanong naman ni ate jovi.

"Opo pero I played Libero din last season" sagot ulit ni deanna.

"Alam mo ba iha setter din ako dati, masaya maging setter no" sabi ni tatay then umo-oo naman si deanna.

"Si Ate Jema nagsetter din yan eh" dagdag naman ni mafe.

"Really? Di niya sinabi sakin yan" sabi naman ni deanna then tumingin sakin.

"Oo pinagsetter ko yan si Jema dati, kaso lang mukhang mas bagay sa kanya ang spiker eh kaya yun nagpalit siya ng position" kwento ni tatay.

"Ako nalang tuloy tinuruan ni Tatay magset, di kasi kaya ni Ate eh" pangaasar ni mafe sakin.

"Wow ha? Talaga ba? Kaya ko din kaya magset" sabi ko tapos natawa naman si cy.

"Hai nako Je wag ka nga magimbento, naalala mo ba yung nagset ka sakin dati nung naglaro tayo nila Ate Jovi tumama kaya sa mukha ko sakto pa" kwento naman ni cy kaya natawa kami.

"Oo nga, natalo nga namin kayo dun eh hahahaha" sabi ni ate jovi.

"Hoi hindi kaya, hindi ka lang kasi marunong pumalo Cy" palusot ko naman.

"Aba dapat pala Mafe nagpapaturo ka dito kay Deanna oh" sabi ni tatay.

"Oo nga bunso best setter oh" sabi din ni cy.

"Talaga anak?" tanong naman ni nanay sakin.

"Opo Nay nanalo po si Deanna ng best setter ngayong Season 80" mayabang na kwento ko naman sa kanila. Syempre no proud ako sa best setter ko ih hihi.

Thick and Thin (GaWong) Where stories live. Discover now