Chapter 62: Battle Of The Rivals

5.9K 108 8
                                    

Jema's POV

"So anong plano mo?" tanong sakin ni kyla.

"Hindi ko pa nga alam eh" sagot ko.

"What do you mean hindi mo pa alam? Bukas na yun no" sabi ni ate jia sakin.

"Wala pa nga, magiisip pa ko" sabi ko.

"Ano ba kasing gusto mong gawin?" tanong sakin ni kyla.

"Hindi naman kailangan sobrang special kasi alam kong super busy siya sa training at sa thesis niya, kahit simpleng celebration lang ganun" reply ko.

Kakatapos lang namin magshower dahil nagtraining kami ngayon, medyo palapit na rin kasi yung PVL kaya kailangan na rin namin magprepare. Lalo na ibang systema na yung gagamitin namin kasi iba na yung Coach namin kaya marami pang kailangan i-adjust sa team.

Nagchichikahan lang kami nila Ate Jia kanina ng mapasok sa usapan namin na Valentines Day na pala bukas, kaya natanong din ako ni Kyla kung anong plano ko para dito.

"So ano ngang plano mo?" tanong ulit sakin ni ate jia.

"Dinner lang since may classes siya tsaka training, gusto ko lang masurprise at mapasaya siya" sagot ko.

"Ayun naman pala eh, gusto mo talaga siyang masurprise?" sabi ni kyla.

"Oo naman, napansin ko kasi lately medyo stressed siya sa paglalaro at pagaaral niya kaya kahit saglit lang gusto ko muna makalimutan niya yung mga yun" sabi ko.

"Awwwwwwwww that's so sweet of You Jema" asar sakin ni ate jia tapos ngumiti naman ako sa kanya.

"Alam mo dapat mong gawin para masurprise siya? Awayin mo hahaha" sabi ni kyla sakin.

"Huh? Seryoso ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Oh bakit may iba ka bang naiisip?" tanong din ni kyla, umiling naman ako.

"See? Awayin mo nalang kasi si Deans mamaya, tapos isurprise mo siya bukas after training nila" pagsuggest ni kyla.

Tumingin naman ako kay Ate Jia para humingi pa ng suggestions but she just shrugged her shoulders.

"Sakyan mo nalang yang trip ni Kyla, minsan lang din naman kayo magaway ni Deans eh tsaka para effective talaga yung surprise mo" sabi sakin ni ate jia.

"Wala na ba talagang ibang paraan?" tanong ko sa kanila tapos umiling naman sila. Hay nako ito talagang dalawang to eh.

"Sige na nga, pero kapag ako hindi pinansin ni Deanna bukas kayo magdedate sakin ha" sabi ko sa kanila.

"Sus yun lang pala eh, maliit na bagay every year naman kasi wala akong kadate" reply ni kyla habang tumatawa.

"Awwwwwww makakahanap ka rin ng kadate mo Kyla" sabi ni ate jia sa kanya.

"Di ko naman kailangan yun, tara na nga nagugutom na ko eh" sabi ni kyla tapos nagpaalam na kami sa mga coaches and teammates namin.

We decided to eat sa Megamall tapos naggrocery na rin kami sa may Supermarket para bilhin yung naisip kong lutuin para sa surprise ko bukas kay Deanna, sana naman maging successful to.

Pagkatapos namin kumain ng dinner since afternoon yung practice namin ngayon ay naglibot-libot pa kami sa mall, tapos maya maya umuwi na rin kami dahil gumagabi na rin.

Nandito na ko sa apartment ko at hindi ako mapakali dahil nagiisip na ko kung paano ko aawayin si Deanna. Speaking of my girlfriend 9 PM na ha, dapat kanina pa tapos yung training nila ha.

*Ring* *Ring* *Ring*

Tinignan ko naman agad yung cellphone ko at saktong si Deanna yung tumatawag. Hala paano ko ba to aawayin? Bahala na nga basta tatarayan ko siya, dun naman ako magaling eh hahaha. Sinagot ko na yung tawag niya.

Thick and Thin (GaWong) Where stories live. Discover now