Chapter 32: Heart Beat

7.1K 139 1
                                    

Jema's POV

"Ate magpupunas na ko ha, may shampoo na ba sa loob?" tanong ni mafe sakin. Nasa loob kasi kami ng kwarto ngayon, naglalatag ng pagtutulugan namin kasi sila nanay at tatay muna ang matutulog sa kama ko.

"Oo kuha ka nalang diyan" sagot ko naman habang naglalatag.

"Oh Ate kamusta naman sa Laguna? Ganun pa rin ba?" tanong ko kay ate jovi.

"Oo Je ganun pa rin naman pero may bago na gawang mall na malapit sa atin" sagot ni ate.

"Talaga?" sabi ko.

"Oo dun nga kami kumain nila Cy nung nakaraan eh" sabi ni ate.

"Anak tapos na ba kayo diyan? Gusto na kasi magpahinga ng Nanay mo eh" sabi ni tay habang naka silip sa pintuan.

"Opo Tay pwede na kayo matulog" sagot ko kay tatay tapos humiga na ko sa higaan namin nila Ate at nagcellphone. Hindi pa rin ako maka paniwala na kami na ni Deanna parang nung nakaraan lang nag aangasan pa kami sa court hahaha hindi ko tuloy napigilan yung sarili ko na magtweet.

Officially Yours

"Hoi Jemalyn tama na yan, magkikita din naman kayo ni Deanna bukas no matulog ka na" sabi sakin ni ate na may halo pang pangaasar.

"Oo na ito na nga eh" sabi ko tapos nilapag ko na yung phone ko sa side para makatulog na.

.....

"Ate gising naaaaaa" gising sakin ni mafe kaya binuksan ko agad yung mga mata ko.

"Ate bangon ka na daw sabi ni Mama, kakain na daw" dagdag ni mafe.

"Hmmmm anong oras na ba?" tanong ko.

"10:30" sagot ni mafe.

"Huh? 10:30 na?" sabi ko.

"Oo nga tignan mo pa sa phone mo" reply ni mafe kaya kinuha ko yung phone ko para tignan yung oras. 10:33 na pala kailangan ko na ngang bumangon. Napansin ko naman din yung text ni Deanna at Cy sakin kaya binuksan ko agad yung messages ko.

BB: Got home safely 😀

BB: Good night BB 😘

BB: Rest well 😚

BB: See you tomorrow 😍

Cy: Je papunta na ko kasama ko si Lodicakes

Cy: Malapit na kami Je

BB: Good morning BB I'm with Cy na po we're on our way to your apartment na

Nagulat ako ng makita ko kung anong oras sinend ni Deanna yung text niya, kanina pa palang 9:24.

"Shittttttt late na ko nagising" sabi ko then nakita ko namang tumawa si mafe.

"Ba't ka tumatawa?" tanong ko sa kanya.

"Walaaaaaa, maghilamos ka na may naghihintay sayo sa sala kanina pa" sabi ni mafe tapos lumabas na siya sa kwarto. Hala kanina pa ba naghihintay si Deanna? Shittttt ka talaga jema. Pumasok naman agad ako CR para maghilamos at magtoothbrush.

.....

"Good morninggggggg" bati ko sa kanila paglabas ko ng kwarto.

"Hai nako finally nagising rin ang prinsesa kanina ka pa kaya namin hinihintay" narinig kong sabi ni cy, nasa lamesa na kasi sila tapos nakahain na rin yung mga pagkain.

"Sorry na" sabi ko tapos tumabi ako kay deanna at kay ate jovi.

"Good morning B, sorry ha kanina ka pa nandito?" sabi ko kay deanna.

Thick and Thin (GaWong) Where stories live. Discover now