Chapter 43: Faith, Trust, Courage

6.9K 109 1
                                    

Jema's POV

Nagising ako dahil naramdaman ko yung higpit ng yakap ng katabi ko sa kama. Hays sobrang sarap talaga gumising sa umaga ng katabi mo yung mahal mo no, napangiti naman ako agad dito. Dahan-dahan akong umikot para humarap sa kanya. Nakita ko naman agad yung mukha niya, napaka kalmado ng pagtulog niya. Ang cute naman nitong bebe ko matulog oh, parang nagpapacute pa rin eh. Pinagpatuloy ko yung pagtingin sa kanya, binigyan ko ng atensyon pati na yung mga iba't ibang bahagi ng mukha niya. Yung makakapal niyang kilay pati na rin yung mahaba niyang mga pilikmata, yung matangos niyang ilong, yung cheeks niyang napaka chubby, at yung mapula niyang labi. Pero alam niyo kung saan ako lalo namangha? Yung clear skin niya, as in walang pimples mamsh ano kayang skin care nito? Hahahaha. Sobrang perfect ng mukha ni Deanna kaya hindi ko matiis tong batang to eh. Sa totoo nga lang matagal ko ng napansin tong cutie na to eh, rookie pa lang siya nun tapos nasa gilid lang siya ng court pero napansin ko na agad siya hindi ko rin alam kung bakit. Napatigil ako sa pagiisip ng makita kong bumukas yung mga mata niya, shit Jema nagising mo ata siya.

"Natutunaw na ata ako" sabi niya tapos sabay ngiti. Ayan na nga yung sinasabi ko eh, tignan mo tong batang to ang aga-aga nagpapacute agad.

"Kanina ka pa ba gising?" tanong ni deanna.

"Hindi ah, kakagising ko lang din" sagot ko.

"Good morning mahal" bati niya tapos mas hinigpitan niya yung pagkaka yakap niya sakin.

"Good morning din" bati ko rin then nginitian ko siya.

"Can I have my good morning kiss?" sabi niya tapos bigla siyang ngumuso sakin.

"Hoi anong good morning kiss ka diyan? Hindi pa nga tayo nagtotoothbrush eh" reply ko dito then pinalo ko siya sa braso niya.

"Ouch! Ang aga naman ng lambing mo B, gusto ko lang naman ng kiss eh" sagot niya then nilapit niya yung mukha niya sakin, hindi naman ako nakatiis kaya hinalikan ko yung pisngi niya.

"Ayunnnnnn, okay I'm ready to get up na" sabi niya and then tumayo na siya sa bed ko.

"Oh wait lang saan ka pupunta?" tanong ko.

"I'll cook some breakfast syempre" sagot niya ng naka ngiti.

"Talaga lang ha?" sabi ko sa kanya.

"Oo nga kaya do your morning rituals na, sa labas na lang ako magwawash ng face" reply niya tapos ngumiti naman ako sa kanya.

"Sige nga tignan natin kung gaano kagaling magluto ang isang Deanna Wong" sagot ko then tumayo na rin ako sa bed.

"Sige na do your thing na, I'll wait outside" sabi niya then lumabas na siya. Sinunod ko rin naman yung sinabi niya, pumasok agad ako ng CR para gawin yung morning rituals ko.

.....

After kong maligo, lumabas na rin ako sa kwarto ko then naabutan ko naman siyang nakaupo tapos naka tingin lang sa lamesa. Wow ang bilis naman pala magluto nito, tignan nga natin kung anong niluto niya.

"Ang bilis ha, anong niluto mo B?" tanong ko habang palapit ako sa kanya.

"Sorry B, I tried my best I really did pero it always ends up burning eh" sabi niya ng naka simangot. Tinignan ko naman agad kung ano yung nasa lamesa, nakita ko yung mga sunog na tinapay at itlog.

"I tried making a toasted bread with egg and cheese pero I failed eh" dagdag niya, hindi ko naman napigilan tumawa.

"Hey don't laugh, I tried my best pero wala talaga akong skills sa pagluluto" sabi pa niya. Tinabihan ko naman agad siya and then hinawakan ko yung mga cheeks niya para mapatigil na siya sa kakatingin sa lamesa.

Thick and Thin (GaWong) Where stories live. Discover now