Chapter 41: Good Vibes

5.9K 117 2
                                    

Jema's POV

*Ring* *Ring* *Ring*

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko may training kasi kami ngayon kaya kailangan ko gumising ng maaga. Pinatay ko agad yung alarm ko then bumangon na ako sa bed ko. Pumasok ako sa CR para gawin yung morning rituals ko then pinrepare ko na yung breakfast ko which is omelette then nagtimpla lang ako ng coffee. After kong kumain tinext ko si Deanna and then nagreply na rin ako kay Kyla since sa kanya ako sasabay ngayon, oh diba first time niya kong ipagdrive hahahahaha char.

: Good morning baby😘

: Paalis na po ako papuntang training sasabay ako kay Kyla kasi nag insist siya magdrive eh😆

: Eat ka na ng breakfast ha tapos video call tayo mamaya😊

: I love you and I miss you😕

Kyla: Oi Je paalis na ko ha, baka hindi ka pa gising diyan at akyatin pa kita ha

Kyla: Nakaalis na ko bumaba ka na maya maya ha

: Oo gising na ko Te, ingats😁

: Pababa na wait ka lang

Nagscroll muna ako sa mga accounts ko then maya maya bumaba na rin ako para kitain si Kyla sa baba. Nakita ko naman agad siya then sumakay na ako sa kotse niya.

"Good morning Kyla!!" masiglang bati ko sa kanya.

"Ang aga naman ng pagka hyper mo today, good morning rin" reply ni kyla.

"Syempre ikaw magddrive satin ngayon eh hahaha" sabi ko then sinuot ko na yung seat belt ko.

"Grabe naman masyado ata akong special sayo kasi ganyan ka kagood vibes ngayon" sabi ni kyla.

"Ikaw nga ata yung good vibes eh ikaw pa yung nagalok magdrive eh, bakit ba?" reply ko dito.

"Secretttttttt" sagot niya habang naka ngiti siya.

"Sus ikaw ha di ka nagsasabi ha, bakit nga kasi?" tanong ko.

"Syempre Creamline nga diba dapat good vibes lang lagi" sabi niya habang naka ngiti pa rin.

"May nanliligaw sayo no? Ayieeeee" pangaasar ko dito.

"Shhhh tara na nga, andami mong tanong eh" reply niya then nagstart na siyang magdrive. Sakto lang naman yung dating namin sa training kasi nakita naming naka set-up na yung net then kakadating lang din nila Coach Ed.

"Good morningggggggg" bati namin ni kyla sa kanila.

"Good morning din" reply naman nila.

"Girls lapit muna kayo dito may sasabihin kami" seryosong sabi ni coach ed. Pumunta naman agad kami sa gitna then hinintay namin siyang magsalita.

"Hindi makakarating si Coach Tai ngayon kasi may importanteng meeting sila sa Ateneo" sabi ni coach ed.

"Ganto nalang gagawin natin ngayon same drills pa rin okay girls?" sabi naman ni coach karlo.

"Don't worry makaka attend naman daw siya sa friday kaya dun nalang tayo magaadjust ng defense natin" dagdag ni coach ed.

"Okay Coach no problem" sagot ni ate ly.

"Sige girls same drills naman kaya magwarm-up na tayo" sabi ni ate ly samin and then nagsimula na kami magwarm-up.

.....

Binigyan kami ng 10 minutes water break nila coach ed kaya nagka chance ako para tignan yung phone ko saglit. Nakita ko naman agad yung text ni deanna kaya nagreply na rin ako.

Thick and Thin (GaWong) Where stories live. Discover now