Chapter 60: Japan Training

6.3K 135 13
                                    

Jema's POV

Ilang weeks na yung lumipas since makabalik kami ni Deanna sa trip namin sa Batangas and masasabi kong sobrang nagenjoy kami sa experience namin doon. Pagkabalik naming dalawa sa Manila, after ng ilang araw na thrice a day training nila Deanna umuwi na rin siya sa Cebu para magcelebrate ng Christmas and New Year kasama yung family niya.

Ako rin naman, umuwi rin kami ni Mafe sa Laguna para makasama sila Tatay. Masaya yung pagcelebrate namin ng Pasko at pagsalubong namin sa 2019 kasi andaming pagkain na niluto nila Nanay tsaka nakisalo rin samin yung mga kamag-anak namin na minsan lang namin makita kaya nakapag bonding kaming mga Galanza hehe.

Habang LDR naman kami ni Deanna sinigurado namin na magtext at tumawag sa isa't isa lagi. Actually nagcelebrate rin kaming dalawa ng sabay nung Christmas and New Year kasi nagvideo chat naman kami hehe. After namin magcelebrate ng holidays sa Laguna bumalik na rin agad kami ni Mafe sa Manila kasi parehas kaming may training na. Dumiretso kami sa Airport para sunduin si Deanna and ayun nagdate kaming tatlo tapos sinamahan rin namin bumili si Deanna ng mga gamit niya para sa training nila sa Japan for almost two weeks.

Friday ngayon and papunta ako sa Ateneo para magpaalam kay Deanna, ngayon na kasi yung alis nila papuntang Japan and maaga yung flight nila.

Nang makarating ako sa dorm nila, bumaba agad ako sa kotse and then kumatok sa pintuan nila.

*Knock* *Knock* *Knock*

Binuksan naman agad ni Maddie yung door nila tapos ngumiti siya sakin.

"Oh Jema perfect timing we're about to start eating our breakfast palang, come in" bati sakin ni maddie tapos ngumiti rin naman ako and then pumasok na sa loob.

"Deans nandito na si Mareng Jema" tawag ni maddie kay deanna. Agad namang lumabas si Deanna galing sa dining room nila.

"Good morning B" bati sakin ni deanna tapos she kissed my right cheek.

"Good morning rin" bati ko rin sa kanya.

"Did you eat your breakfast na?" tanong ni deanna tapos umiling naman ako.

"Later nalang after ng morning training namin" sagot ko.

"Come and join us" yaya ni maddie sakin.

"Uhm sige na nga" I replied.

*Knock* *Knock* *Knock*

May narinig naman kaming kumatok ulit sa pinto nila.

"I'll just go get the door, you guys go to the dining room na" sabi ni maddie tapos hinila naman ako ni deanna.

"Mare! Good morning, kain tayo" bati sakin ni ponggay.

"Good morning rin sa inyo, ah sige" bati ko sa teammates ni deanna. Nakita kong nandito rin pala yung mga boyfriends and yung mga kapatid ng Lady Eagles. Nandito sila Thirdy, Bacon, Kobe, etc. kilala ko naman silang lahat kasi inintroduce na sila ni Deanna sakin nung first time ko sila mameet nung Christmas Party ng team nila.

Umupo kami ni Deanna sa tabi ni Jaycel tapos kinuhaan ako ni Deanna ng plato and then nagstart na siyang maglagay ng food sakin.

"Hi Mami, ang sweet mo talaga samin ni Papi pumunta ka pa dito para makita kami bago umalis" sabi sakin ni jaycel.

"Syempre Jayce, malakas tayo sa Mami mo eh" reply naman ni deanna and then nagwink siya sakin. Hay nako ito talagang mag-ama ko minsan napaka feeler eh, pero tama naman sila hehehe.

"Busog pa naman ako Mads, I can wait in the living room" rinig namin sa boses ng nagsasalita.

"Nonsense Jho, para namang hindi ka tumira dito no" sabi ni maddie and then sabay silang pumasok ni jho sa dining room.

Thick and Thin (GaWong) Where stories live. Discover now