CHAPTER 23

23 2 0
                                    

A Break

Gab's POV

Hindi naging maganda ang takbo ng araw-araw ko nang simula nang makarating ako sa States, Mom rarely talk to me at lagi siyang nakakulong sa kwarto niya. We're doing a therapy sakaniya madalas pero parang walang nagiging epekto. Si Dad naman ay nanatiling coma, ang sabi ng doctor mababaw na ang possibility ng pag gising niya but we're not giving up.

Mahirap pag sabay sabayin lahat lalo na at ako lang mag-isa. Nag aaral ako sa isang University at kasabay na mina-manage ang kumpaniya. Hindi ako pamilyar sa mga gawain ng kumpaniya kaya nangangapa pa ako. Nang nagsimula aong mag-trabaho ay pabagsak na ang kumpaniya. Binawi narin ng mga investors ang shares kaya mas nagiging mahirap, nabaon pa kami sa utang dahil sap ag kaka-coma ni daddy at sa malaking bayad sa therapy at gamut ni mommy.

Madalas kong hindi nakaka-usap si Zack dahil sa pagiging busy ko pero ginagawan ko ng paraan para magka oras sakaniya. Tuwing mag o-online ako ay naabutan ko ang mga message niya at miss calls na hindi ko nagawang sagutin dahil sa kawalan ng oras.

"Is everything okay?" tanong niya nang isag gabing masagot ko ang video call niya saakin.

"Yeah, everything is fine" yun lagi ang sagot ko tuwing itatanong niya saakin iyon. Nakikita ko kasi na sobrang stess din siya sa kumpaniya nila kaya hindi ko magawang ikwento ang mga nangyayari.

Alam kong nawawalan ako ng oras sakaniya pero wala akong magawa kundi mag sorry sakaniya sa tuwing hindi ko nagagwang replayan ang email, messages at mga tawag niya saakin but he's very understanding. Alam kong iniiwan niyang online ang account niya para tuwing tatawag ako ay maririnig niya at masasagot niya kahit natutulog na siya.

I know he's the one trying to adjust on our relationship kahit na ako lagi ang nawawalan ng oras. Madalas sa tuwing tatawagan ko siya ay halata sa mukha niya na pagod na pagod pero sinusubukan niya parin ibukas ang mata kahit na antok na antok na siya. Kaya kahit na ayoko pang itigil ang tawag ay ako na ang nag papaalam para lang makapag pahinga na siya.

Naiyak na ako ng tuluyan ng ibaba ko na ang telepono. Ako ang naawa sakaniya sa nangyayari, he don't deserve to havr this type of relationship. Kailangan niya ay yung hindi siya nahihirapan kaya kahit ayoko ay napagdisisyunan kong pakawalan siya.

"How are you?' yun agad ang tanong niya saakin nang tawagan ko siya.

Halos dalawang linggo ko nanghindi nasasagot ang tawag niya at yung last last week din ang huling pag uusap naming dahil sa sobrang dami kong ginagawa.

Araw araw akong pumapasok sa University kung saan ako nag-aaral at pagkatapos ng klase ay sa company naman hanggang matapos ang trabaho doon, didiretso ako sa ospital para bisitahin si daddy at pagkatapos noon ay didiretso ako kay mommy para alagaan siya. Halos hating gabi narin bago ko simulant gawin ang ibang school works at ibang gawain sa office, yun lang din ang oras na maari kong makausap si Zack pero oras ng klase o ng trabaho niya sa kumpaniya nila iyon.

"Zack I'm tired" ilang beses kong inulit unlit sa salamin yun pero hanggang ngayon ang hirap hirap parin banggitin.

"Magpahinga ka muna, mamaya kana tumawag" halatang halata sa tono niya ang pag-aalala niya.

"No, I mean we need a break"wika ko

Ilang Segundo din siyang hindi nagsalita sa kabilang linya.

"What do you mean?" unti unting binibiyak ang puso ko habang pinapakinggan ang malungkot niyang tono.

Mas pinili ko talaga na sa tawag para hindi ko makita kung paano siya masaktan. Cause seeing him sad is like a suicide for me, pinapatay ang loob ko, I can't bear to look at him or even hear him crying.

"Hindi kaba nagsasawa Zack? Halos wala na tayong oras sa isa't isa, we don't have much time to talk , lagi nalang" pinilit kong patapangin ang loob ko kahit na ang sakit sakit na.

"Hindi" nanghina ako sa sagot niya. He's a good man kaya mas nag gu-guilty ako pero habang pinapatagal ko pa mas lalo lang siyang mahihirapan. "Love, if we don't have time then let's leave everything and talk to each other as long as we can. Pwede naman natin gawan ng paraan pero hindi sa ganto" mas nasaktan ako sa tuwing naririnig ko ang malungkot niyang tono.

Hindi matigil ang pagkawala ng mga luha ko pero tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang paghikbi.

"Ayoko na, I'm sorry" yun lang ang lumabas sa bibig ko saka tuluyang pinatay ang tawag.

And in the end I didn't fulfill my promise, gustong gusto ko man mag stay ay mas nahihirapan ako pag nakikita kong si Zack ang nahihirapan. Our situation is complicated, ayokong nakikita na siya yung nahihirapan dahil nawawalan ako ng time para sakaniya.

I turned off my phone para hindi ako makatanggap ng tawag sakaniya. Pinilit kong ituon ang atensyon ko sa pag tapos ng mga papeles para sa kumpaniya pero kahit ilang beses kong basahin ang mga ito ay walang pumapasok sa utak ko.

Ibinaba ko nalang ang papeles at binagsak ang katawan sa kama, hindi ko alam pero kusag bumagsak ang luha ko habang nakatingin sa puting kisame, I can't help but to think of him.

Day's became more hard lalo na at wala akong makapitan after I pushed Zack away pakiramdam ko na ako nalang. I try to survive everyday kahit na pagod na pagod na ako.

Kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang i-angat ang kumpaniya pero nagagawa ko namang panatilihin na hindi ito bumagsak. My grades also became affected pero hindi naman bumagsak. 

Everything became different minsan nahuhuli ko nalang ang sarili kong umiiyak sa isang tabi habang iniisip kung paano lalagpasan ang susunod na araw, nakikita ko na ang sarili ko na walang paki sa akin, all in my mind is on my problem.

Faded MemoriesWhere stories live. Discover now