CHAPTER 37

48 1 0
                                    

Don't know what to do

Gab's POV

Nabisita rin sila Xandra dito at si Alicia bago ako ma discharge. It's almost 3 weeks ako narito para tapusin ang ilang test at examinations sa katawan ako. Nang magising ako ay ilang sugat lang sa katawan at ulo ko ang nandoon at hindi naman ganoon kalaki ang mga ito.

"You don't have any brain injury Gab, you can't lie on me doktor ako' napayuko ako sa sinabi ni Doc nang sinabi niya saakin ng personal ang result.

"Naalala mo siya hindi ba?" tanong niya saakin

Tumango ako at inangat ang tingin sakaniya. "Please don't tell him doc" wika ko.

Mariin siyang pumikit at nagbuntong hininga bago ako muling binalingan ng tingin. 

"I won't bother about your problem, alam kong may dahilan ka kaya mo yan ginagawa but I can just say that lying will never be the answer for it" wika niya

Tumango ako at ngumiti. "As far as I remember doc bata pa kayo pero ang lalim na ng sinasabi niyo" natatwang wika ko.

Mahina siyang natawa at tumingin sa malayo na mukhang may inaalala.

"It's from a girl I know" wika niya. Kahit gaano kaseryoso ang doktor na ito hindi maiitatangi na talagang may isang babaeng makakakuha ng puso niya. Tulad ko kahit gaano ako katigas noon ay hindi ko namalayan ang pagakahulog ko kay Zack.

Ilang araw akong nanatili sa condo bago bumalik sa trabaho, I need to manage my company pagkatapos ng ilang linggo kong pagkawala ay kailangan ko na itong asikasuhin.

I didn't come to Zack's company pinapaasikaso ko sa isang representative ang mga gawain doon. I can't face him and I wn't, natatakot ako lalo na nang maramdaman ko ang pareho kong naramdaman ng araw na bumisita siya sa ospital.

I need to move on and I need to have distance to him. Pero ang nakakainis sa sarili ko ay hindi siya mawala sa isip ko at natatakot ako na hindi ko magawa ang kalimutan siya. I am tired of this, pagod na pagod na ako.

Pero sa huli ay natagpuan ko lang ang sarili kong nakatayo sa harap ng gate ng bahay niya, kung saan una akong pumunta ng makabalik ako rito. Pinipilit kong isipin na napadaan lang ako pero alam ko sa sarili ko na dito talaga ako dumiretso.

This is the house he lives nang umalis siya sa poder ng mga magulang niya.

Ilang minuto rin akong nakatayo roon nang mapagpasyahang humakbang paalis, ayoko nang magtahal pa at baka maabutan niya pa ako pero napaurong ako ng pumatak ang malalaking patak ng tubig mula sa langit. Tumingin ako sa taas at kasabay noon ay pagbuhos ng malakas na ulan.

Agad akong umurong pabalik sa gate at sumilong doon, shit kung mamalasin ka nga naman. Kung kailan hindi ko dinala yung kotse ko at nakalimutan ko pa ang payong. Hindi naging sapat ang silungan ng gate ay nabasa ang soot ko, agad kong niyakap ang sarili ko nang manginig ako sa lamig.

Hindi na makita ng mayyos ang daan dahil sa lakas ng ulan, damn pano ako uuwi. Agad kong kinuha ang phone ko pero low battery ako.

Hihintayin ko nalang sigurong tumila at saka papara ng taxi pauwi.

Mula sa malayo ay kitang kita ang gray na Mercedes Benz, tumigil ito sa tapat ng gate ng bahay.

Mula sa driver's seat ay lumabas si Zack dala dala ang itim na payong. Mula sa malakas na kulog at kidlat ay hindi ko maitatanggi na mas malakas ang kabog ng puso ko habang tinitignan siya papalapit saakin.

The same feeling and affection, the same attraction I feel for him never fade kahit anong nangyari.

Napaurong ako nang malapit siya, natatakot akong marinig niya ang kabog ng puso ko. Tuluyan akong natigil sa pag urong ng napasandal ako sa gate.

Faded MemoriesWhere stories live. Discover now