CHAPTER 35

45 2 0
                                    

Goodbye

Gab's POV

Pakiramdam ko ang daming sugat ng mata ko sa sobrang hapdi ko ng gumising ako ng umagang ding iyon, una kong naramdaman ang pagkirot ng ulo ko dahil sa epekto ng alak.

Tinignan ko ang paligid, nakatulog ako sa gilid ng sofa, I cried all night because of what happen at inabutan ako ng antok sa pagkakadukdok sa lamesa.

Tumayo ako at dumiretso sa aking kwarto para makapag bihis, nanlalagkit ang bong katawan ko sa pawis, naglakad lang ako pabalik sa condo mula sa hotel at hindi ko man lang naramdaman ang sakit ng paa dahil mas lamang ang sakit na naramdaman ko nang gabing iyon.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin ng shower room, namamaga ang mata ko  at kitang kita sa mukha ko ang lungkot, hindi ko na maalala kung kailan ko ulit nakita ang sarili ko na ganto. Simula nang napunta sa tabi ko si Zack ay hindi na ulit ako nakaramdamam ng lungkot pero ngayon.

Tinitigan ko lang ang sarili ko habang pumapatak ang luha kasabay nang pagbagsak ng tubig sa mula sa basa kong buhok.

Nang makapaligo ako ay nakatanggap ako ng text mula sa phone repair na pinagawaan ko ng cellphone ni Zack.

Phone Repair

Ma'am tapos na po ang phone pwede niyo na pong kunin

Hindi ako nag reply at nagbihis nalang ako, I was about to take something on my drawer nang mapansin ko unang palapag doon. Kinuha ko ang kahon na naglalaman ng kwintas at sinoot muli iyon.

This time, I'm going to meet him as Gabriella Wilson na dala ang mga ala ala mula sakaniya and it won't work I'll apologize on him on hiding this from him and tell him what I still feel for him.

Isang beige knit off sholder top na pinapakita ang tattoo ko mula sa likod. 

Nang madaanan ko ang cellphone ay agad akong dumiretso sa opisina niya pero wala siya doon.

Muli ay naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko at nang tignan ko ay text mula kay Phie.

Sophie

Punta ka saamin, love you.

Hahanapin ko sana si Zack pero nagpunta muna ako kay Sophie.

Nang makapasok ako sa gate nila ay wala siya doon kaya dumiretso ako sa loob, napaka tahimik doon at walang tao kaya hindi ko alam kung bakit ako pinapunta ni Phie dito.

Sa isang iglap ay napatalon ako sa gulat mula sa sigawan.

"Happy Birthday Gab!' sabay sabay nilang sigaw nang maglabasan sila sa isang kwarto habang hawak ang cake at tarpaulin na may nakasulat na 'Happy Birthday Gab'

Yeah, I remember it's my birthday. My 23th birthday, nginitian ko sila habang tinitignan isa isa, nanlaki ang mata ko nang makita si Alicia at si Xandra na naroon din kasama si Renz, Greg at maging si Ynigo at may isang lalaking hindi ko pa kilala.

Naluha ako habang tinitignan sila. Fuck I miss them so much.

Agad akong sinunggaban ng yakap ni Xandra.

"Gab" ngumiti siya saakin

Binalingan ko ng tingin si Alicia na ngayon ay mataas ang kilay habang nakatingin saakin, di kalaunan ay ngumiti rin siya at yumakap palapit saakin.

Nakipag apir saakin si Ynigo, Renz at si Greg. Pinakilala saakin ni Alicia ang boyfriend niyang si luke. Ikakasal na si Ynigo sa balt-balitang girlfriend niya na isang model. Si Renz at si Xandra ay wala ring balita dahil ang alam ko ay may boyfriend si Xandra at si Greg at Sophie naman ay nanatiling walang pansinan. I know how hard for Sophie this thing is dahil hindi naging malinaw sakanilang dalawa ang isa't isa bago naghiwalay pero nilunok ni Sophie ang pride niya para papuntahin si Greg dito. 

Narinig ko rin ang announcement sa analalapit na engagement ni Greg sa girlfriend niya, walang naging reaksyon don si Sophie pero alam kong she's dying inside, hindi niya lang sinasabi dahil ayaw niya nang mag mukhang mahina sa harap ni Greg ngayon.

Nagtatawanan kami nang muling makatanggap ng text pero ito ay mula na kay April.

April:

I broke up to Zack

Agad na tumakbo nang napaka bilis ng puso ko, hindi ko alam kung bakit natakot ako sa ginawa niya.

Pagkababa na pagkababa ko ng cellphone para hanapin si Zack ay narinig ko ang boses niya papasok sa loob ng bahay.

"Gab!" parang dinagundong ang mundo ko sa galit na sigaw niya. Agad na gumapang ang takot sa ugat ng katawan ko at nanlamig agad ang balat ko.

"Gabriella!" sigaw niya at napunta sa loob ay nabaling ang tingin niya saakin.

Tahimik ang lahat at tanging kabog lang nang dibdib ko ang naririnig ko.

"Zack?" halos bulong ko sa takot sa kanya. Hindi ko maalala kung kailan ako natakot ng ganto.

Agad siyang lumapit saakin at hinawakan ang magkabilang balikat ko, parang mababali ang buto ko sa higpit nang pagkakahawak niya. Pulang pula ang mukha niya at kitang kita sa mata niya ang galit.

"Anong sinabi mo kay April?" seryoso pero puno ng lamig ang tono niya na nagpanginig nang tuhod ko.

"Wala akong sinabi" 

"Wag ka nang mag maang maangan. Damn it Gab, nakipag break siya saakin dahil sinabi niya na mahal talaga kita. Yun ba ang sinabi mo sakaniya ha?" hindi ko alam kung paano pa nabasag ang puso ko sa sinabi niya. Ang inaasahan ko kasi ay hindi na ulit ito masisira dahil basag na basag at durog na durog na ito.

"Wala ka bang naalala?" bumagsak ang luha ko at hindi pinansin ang tanong niya.

"Anong naalala?" 

"Zack, ako to si Gab, yung babeng mahal mo, yung girlfriend mo." ang sakit nang bawat salita ay sumasaksak sa puso ko.

"Ano? Si April ang girlfriend ko hindi ikaw" sigaw niya 

"Just please, remember it. Sigurado akong hindi magkakaganto pag naalala mo, I'm part of your life"

Sumilay sa dulo ng labi niya ngisi. 

"Hindi ka parte ng buhay ko, at ayaw na kitang maalala pa" tuluyang gumuho ang mundo ko sa sinabi niya.

Tumulo ang huling luha sa pisngi at hindi na ito nadagdagan pa. This is it, it's beeing painless, wala nang lumabas na luha sa mata ko.

Sa harap niya ay tinanggal ko ang kwintas at nilabas ang cellphone mula saaking bag. 

Inabot ko sakaniya ito pero hindi niya tinanggap kaya kinuha ko ang kamay niya at inilagay doon iyon.

"You told me to give this to you if you gave up on me and I gave up on you" tinignan ko siya "And I guess I need to stop. But in the end I want you to know that I love you" wika ko saka at naglakad palabas.

Hindi sa lahat nang pagkakataon ay kailanagan nating maging matapang. Madalas  kailangan nating sumuko at tumigil na kahit gaano natin kamahal ang isang tao. Lalong lalo na kung sila naman ang nag nanais na pakawalan natin sila.

Mula sa malakas na busina nang kotseng palapit nang palapit sa harap ko ay kasabay nang paghiling ko na makasama na muli ang mga magulang ko.

Ang pagagos ng dugo pababa sa mukha ko na nagmula sa aking ulo ay hindi ako dumaing sa sakit na naramdaman ko sa buong katawan ko. Tinignan ko ang papalubog na araw, nakakatawa dahil habang hinihila ako ng pagpikit nang mata ay hindi ako naglaban at hinayaan ang sarili ko sa nais nito.

"I love you Zack" kahit bulong lang iyon ay yun ang gusto kong sabihin bago ko ipikit ang mata ko.

"Goodbye" wika ko kasabay ng pagdilim nang buong paningin ko.

Faded MemoriesWhere stories live. Discover now