CHAPTER 26

30 2 0
                                    

Miss

Gab's POV

It's part of the plan na madalas kaming magkita ni Zack, kadalasan ay hindi ko narin alam kung anong tumatakbo sa utak ko na patuloy na lumapit sakaniya kahit pagsusungit at hindi niya pagpansin lang naman ang makukuha ko sakaniya.

Pero dahil mahal na mahal ko siya kaya kahit siguro magmukha akong tanga sa harap niya ay ginagawa ko. Four years ago ay ako nag naunang sumuko at laging ako ang sumusuko tuwing nahihirapan kami but this time I will not give-up on him. I love him so much that I can do anything to let him be mine again.

"Kumain kana" I said for the fifth time. We are both busy on the project we were handling, I mean I'm making it busy to be with him for long. 

At sa ikalimang pagkakataon ulit ay umiling siya. Kanina ko pa siya inaalok na kumain dahil pass lunch na ay tutok parin siya sa laptop niya at gumagawa ng plano sa project samantalang ako ay ini-enjoy lang ang pagtingin sakaniya.

"Kumain kana" pag ulit ko sa ika-anim na pagkakataon at sa pagkakataong ito ay inangat niya na ang tingin niya saakin. Lumundag ang puso ko sa seryoso niyang tingin saakin, naramdaman ko ang pag init ng buong mukha ko sa ginawa niyang pag titig saakin.

Matamis akong ngumiti sakaniya para maitago ang pamumula ko at inilahad sakaniya ang pagkaing hinanda ko. Agad kong tinanggal ang laptop at ibang mga papeles na nakakalat lamesa niya saka inilatag ang niluto kong pagkain. Pina microwave ko lang sa assistant niya para uminit. I learn to cook because I remember him everytime I did it.

"Kain na" lahad ko sa nakahaing pagkain at sinimulan ko na ding kumain, ilang sandali lang ay kumain narin siya. Hindi ko namalayan na nakatitig nalang pala ako sakaniya at tumigil na sa pagkain. 

The feature of Zack Jaden Navarro is still in his face, from his perfect jaw line and nose, his fair skin, clean cut hair, and deep beautiful eyes, especially his pinkish lips. Kain lang siya ng kain at halatang halata na gutom na gutom na siya. Does he still cook? Magaling parin kaya siya magluto? Is he still great at folding clothes.

Bahagya akong napangiti habang iniisip ang nakaraan, pero agad itong napawi ng maalala kung anong nangyayari ngayon.

"What are you looking at?" nakalipat na ang titig niya saakin ngayon at kakatapos lang kumain.

"Ikaw" diretsong sagot ko. Hindi agad siya sumagot sa sinabi ko "Ang cute mo kasi" wika ko.

Kusang gumalaw ang katawan ko para lapitan siya at punasan ang sauce ng pagkain na naiwan sa gilid ng labi niya. Nakaramdam din ako ng kaba sa ginawa ko pero mabilis ko siyang nginitian at bumalik, sa pagkakaupo.

"Wait for me, I'll finish my food" hindi ko na inintay ang sagot niya at pinagpatuloy ang pagkain.

Zack's POV

I don't know why can't I hate this woman, kahit ilang beses niya na akong kinukulit this week ay hindi ko siya magawang kainisan but I found her adorable.

Hindi ko alam kung ilang beses niya na akong inayang kumain at ilang beses ko narin siyang tinanggihan pero heto parin siya at nangungulit nanaman.  Nang muli akong makaramdam ng gutom ay itinigil ko na ang ginagawa ko at tinignan siya ng diretso. Namula agad siya pero isang matamis na ngiti ang ipinalit niya dito at nagsimulang maghain sa table ko.

She's beautiful hindi ko maitatanggi yun, she have fair skin at halatang sa ibang bansa siya lumaki, her gray eyes that match her smokey eyeshadow. I know that kind of makeup because April always say those things.  Maganda din ang kurba ng katawan niya lalo na sa soot niyang beige fitted office dress ay mas kumurba ang katawan niya. Napailing ako sa naisip ko, Am I fantasizing about her? No that's impossible I have girlfriend.

"Kain na" nakita ko nanaman ang matamis na ngiti niya. I use to see that smile so often on her  and I can't resist to look at it.

Nagsimula akong kumain dahil mukhang masarap ang pagkaing nakahanda. Did she cook it? 

At hindi ako nagkamali, halos hindi ko matigilan ang pagkain dahil masarap ang nga ito. When I finish napansin kong nakangiti siya, kitang kita sa mata niya na sobrang saya niya sa iniisip niya pero nawala agad ito at napalitan ng lungkot.

"What are you looking at?" hindi na napigilan ng bunganga kong magtanong. I don't know why I'm being too talkative when it comes to her. I am not the kind of person that start the conversation but this time I ask a question first.

"Ikaw" bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya, this is abnormal I must see doctor soon. 

"Ang cute mo kasi" diretsahan ang pagkakasabi niya at ngumiti saakin. 

And my heart stop for a bit when she came closer and wipe the side of my lips, kakaibang kuryente ang naramdaman ko sa pag dampi ng kamay niya saakin. Diretso ang tingin ng mata namin sa isa't isa. Her beautiful gray eyes give too much emotion, happiness, shock but the saddness is the one showing too much.

Bumalik siya sa pagkakaupo. "Wait for me, I'll finish my food" wika niya at nagsimulang kumain, wala akong nagawa kundi titigan siya habang kumakain. Nang matapos siya ay nagligpit siya kaagad at ibinalik ang mga gamit ko sa table.

I still can't understand what happen and what I feel until now kaya mas pinili kong ituon ang atensyon ko sa pagpapatuloy sa paggawa ng proposal para sa project ng partnership namin. Sabi niya wala siyang alam sa bagay na ito kaya ako nalang ang gumawa pero gusto niya daw na dito lang para kahit papaano ay maintindihan niya ang ginagawa ko kaya wala akong nagawa.

Mahigit isang oras din akong nadala ng ginagawa ko, nakaramdam ako ng sakit ng balikat kaya lumayo ako kaunti at hinawakan ito. Ngayon ko lang napansin na may kapeng nakalagay sa table ko at ngayon ko lang din napansin na natutulog na si Gab sa couch na katapat ng table ko. 

Nakaupo siya pero nakasandal ang ulo sa sandalan ng sofa at nakaharap ang ulo sa banda ko at mahimbing na natutulog. Hindi ko namalayang lumapit ako sakaniya at umupo sa tabi niya. I look at her while she's sleeping in peace, kahit ako ay hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko magawang tanggalin ang tingin sa mukha niya. Gumalaw siya kaunti dahilan para maisandal niya ang ulo niya sa balikat ko, gusto ko sanang tumayo at umiwas pero hindi ko alam kung bakit nanatili ako sa kinauupuan ko para hindi siya maistorbo sa pagpapahinga niya.

"Zack, I miss you so much love" narinig kong bulong niya. Inaakala kong gising na siya pero nakita kong tulog pa siya, nakakunot ang noo niya at butil ng luha ang tumulo mula sa mata niya. I don't know why I felt horrible on what I saw, I felt miserable seeing her like that.

Faded MemoriesWhere stories live. Discover now