CHAPTER 38

42 0 0
                                    

Positive

Gab's POV

Nang magising ako ay nasa kama niya na kami, nakaunan ako sa braso niya habang makadagan ang kaliwang kamay niya sa baywang ko. Maingat ko itong tinanggal para hindi siya magising at makaalis sa pagkakahiga. 

After what happen ay nakatulog ako sa sofa maaring binuhat niya ako at dinala rito. I look at the clock and it's already 1 am. 

Gusto kong sabunutan ang sarili ko, hindi ko man lang pinigilan ang katawan ko, nagpadala ako masyado at ngayon ganito na ang nangyari.

Wala akong saplot at tanging kumot lang ang nakatakip saakin, ang T-shirt niya sa sofa ang kinuha ko at sinoot, malaki saakin iyon dahilan para mag mukhang maiksing dress.

Bumaba ako at naroon ang damit namin, kasing gulo tulad ng kanina. Isa isa kong dinampot ang damit ko at sinoot iyon. Iniswas ko ang tingin sa parte ng sofa kung saan nagpapatunay ng unang beses ko.

I gave up too early, hindi ko alam pero kusang bumagsak ang luha ko sa sobrang inis sa sarili ko. Hinawi ko ang alon alon kong buhok bago sinoot ang heels ko.

Tumigil na ang malakas na ulan kaya umalis na ako at dumiretso sa condo. Nag makapaligo at makapag bihis ako ay hindi matigil na katok ang narinig ko sa pintuan ng condo ko.

"Gab" narinig ko mula sa labas ang boses ni Zack na mas napakabog ng puso ko.

Dahan dahan kong pinihit ang doorknob kasabay noon ay pagbungad ng madilim na ekspresyon niya.

"What?" tanong ko.

Magulo ang buho niya, naka itim na V-neck T shrt at maong pants.

"I'm sorry" wika niya. Kumirot ang puso ko sa tono niya.

Lumunok ako nang may bumara sa lalamunan ko.

"No, you don't have too" wika ko.

" I'm sorry" ulit niya

" I said okay lang, that's just a night" ako mismo ang nasaktan sa sinabi ko.

Hindi totoong walang ibig sabihin yun, sobrang laki ng epekto saakin nang nangyari.

"Gabriella, wala lang sayo iyon?" uno ng inis ang tono niya

"Oo" wika ko

"Damn it, that's your first time Gabriella." 

"Sinabi kong ayos lang!" inis na wika ko. "Umuwi kana" wika ko

Hindi ko na inintay ang sagot niya at sinara na ang pinto.

Ilang linggo kong sinubukang umiwas sakaniya pero araw araw niya rin akong sinusundo at inihahatid sa trabaho.

"Ano nanaman ba?" yun ang araw araw kong tinatanong sakaniya.

"I won't stop, hanggang sa mapatawad mo na ako. I'll pursue you everyday or even forever" wika niya at araw araw ko narin pinuputol ang usapan sa tango.

Ngayong ang ikalimang araw na nagigising ako at sumusuka sa umaga, nung unang araw ay akala ko masama lang ang pakiramdam ko pero nang nagtuloy tuloy na ay kinabahan na ako. 

Hinawi ko ang buhok ko at finlash ang toilet pagkatapos kong sumuka, fuck this is the fifth day. 

Agad akong pumunta sa ref para magluto, nang binuksan ko ang ref ay kinuha ko ang salad na araw araw kong breakfast. 

Tumabang ang panlasa ko habang tinitigan ang salad, lagi ko naman ito knakain pero bakit parang nandidiri ako ngayon. 

"Good morning" nakangiting wika ni Zack ng binuksan ko ang pinto paalis.

Faded MemoriesWhere stories live. Discover now