Chapter 25 : Underground

632 71 11
                                    

CHAPTER 25

NIANA'S POV






HINDI KO pinansin kaagad si Jiji.

Ang isip ko kasi baka pagod na pagod siya sa mga nangyari sa buong araw na ito kaya nakatulog na siya. Not until my body sense the heat coming from her. Sobrang init niya to the point na para akong binuhusan ng mainit na tubig galing sa thermos.

"Jiji!? Jiji ayos ka lang ba?!"

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung nasaan ang pinakamalapit na medical staff dito kaya naman hindi ako mapakali. Pupunta dapat ako sa kanan, pero pumunta naman ako sa kaliwa. Babalik sa kanan tapos kakaliwa ulit. Natataranta ako at hindi makapag-isip nang diretso.

"Ineng, kung ipagpapatuloy mo ang pagpa-panic mo riyan, sure akong mamamatay 'yang bata na 'yan. Mahihilo ka pa," narinig kong sabi ng isang babae. Napatingin naman ako sa kaniya. Sa tingin ko nasa late thirties na siya. Meron din siyang hawak na bimpo.

"Hi-hindi ko po ka-kasi alam ang ga-gagawin ko," nauutal kong sabi.

"Halika, akin na 'yang bata na bitbit mo," sabi niya.

Dahil wala naman akong magawa, at wala akong alam na dapat gawin, ibinaba ko sa kaniya si Jiji. Agad naman niya itong inihiga sa banig, katabi ng iba pang mga bata.

"Sino po ang mga batang iyan? Mga anak niyo po?" tanong ko sa kaniya habang binabasa niya 'yong bimpo na hawak niya kanina sa isang maliit na planggana na may tubig.

Umiling siya. "Hindi ko anak ang mga iyan. Hindi ako magkaanak kaya naman kapag nakakakita ako ng pulubi, kinukupkop ko na lang," aniya. Piniga niya 'yong bimpo pagkatapos ay pinunsan niya ang braso, hita, at mukha ni Jiji.

Lumambot ang puso ko sa sinabi niya.

Hindi pa rin talaga nawawala ang mga taong kagaya niya sa panahong gaya nito.

Siguro sabik na sabik siya sa anak kaya siya kumukupkop ng mga bata.

Binilang ko kung ilan ang mga bata na nakahiga sa banig pwera kay Jiji.

Labindalawa. Isang dosenang mga bata ang inaalagaan niya. Paano niya nakakaya?

"Wala ka po bang asawa?" tanong ko sa kaniya. "Ako nga po pala si Niana," pagpapakilala ko.

"Ako si Lanny. Matagal na akong byuda kaya naman hindi na ako nagkaanak. At kung magkaroon man muli ng asawa, hindi pa rin ako magkakaanak dahil kulang ako sa feminine cells," saad niya bago hugasang muli ang bimpo na hawak niya. This time, ipinatong niya sa noo ang bimpo matapos niya itong pigain. "Kaano-ano mo pala siya? Kapatid mo?"

"H-hindi po," sagot ko kaya naman napatingin siya sa akin.

"Anak mo?" Mas kumunot ang noo niya sa tanong niya. Umiling akong muli. "Eh ano?"

"Nakita ko lang po siya sa labas ng safe zone. Sabi niya sa akin patay na ang mama at papa niya, pati na ang mga kapatid niya kaya sinama ko na siya papunta rito," sabi ko.

Tumango si Lanny sa sinabi ko. Umupo ako sa tabi ni niya.

"Gusto mo ba?" tanong niya sa akin habang hawak-hawak ang isang tinapay. Iiling sana ako dahil alam kong mas kailangan nila 'yon, pero sumasang-ayon naman ang tiyan ko kaya tumango ako. Hinati niya iyon at binigay sa akin ang kalahati.

How come na nagugutom ako? Eh nasa loob lang naman ako ng vision? Siguro gutom na rin 'yong pisikal na katawan ko?

"Salamat po," tanging sabi ko bago kumagat sa tinapay. Hindi ko alam na kahit nasa vision lang ako makakaramdam din pala ako ng mga ganito. Una, nasugatan ako. Ngayon naman nagugutom.

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon