Prologo

770 34 8
                                    

EFESO 5:2
Mamuhay kayo nang may pag-ibig sa kapwa tulad ng pag-ibig sa atin ni Cristo.

Iniibig Kita

Gustong-gusto kitang ingatan.

Katumbas din ng katagang ito ang mga salitang..

Mahal kita.

Pinahahalagahan kita.

Walang sawa kitang ipinagdarasal.

Handa akong maghintay.

Hindi kita basta-basta na lamang liligawan. Hihilingin ko ang kamay mo sa 'yong mga magulang.

Gustong-gusto kitang alagaan.

Lalong-lalo na ang puso mong unang minahal ay si Hesus.

Hindi ko kailangang magmadali, dahil kung kalooban ng Diyos, darating at darating din ang tamang panahon kung kailan ibibigay ka rin Niya sa akin, tulad ng pagsagot Niya sa dati kong mga panalangin.

Handa akong maghintay hanggang sa masambit na natin ang mga matatamis na salitang, "Sa wakas ay puwede na. Mabuti na lang, natutunan nating magtiyaga at magtiwala sa Kaniya."

Gustong-gusto kitang makasama.

Pero kung ang paglayo mo sa akin ang mas maglalapit sa 'yo sa Panginoon, masaya akong magpapaalam upang palayain ka.

Dahil 'pagkat iniibig man natin ang isa't isa, nais ko pa ring unahin natin at mas ibigin ang Panginoon na Siyang naglapit at unang umibig nang buo-buo sa ating pagkatao.

Siya ang dahilan kung bakit tayo nagkakilala at nagkatagpo.

°°

Copyright © 2020 by Instrument of God.

Ang Salita ng Dios (ASND) is used for quoting passages from the Scripture.

Iniibig KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon