☀️ Fourth Shot ☀️

27 3 10
                                    

Terry

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Sabay kaming pumasok ngayon ni Rena dahil hinatid siya ng tito Rolly niya sa school.

"Meet up later sa mall?"tanong ni Rena sa akin.

"Sure. Pero what time uwian niyo?"

"Hapon pa kasi intrams week e."

Tumango naman ako nagpaalam na sa kaniya. Kinuha ko ang phone ko para i-check ang kalendaryo. Tama, intramurals week pala ng mga schools ngayong buwan. Mauuna sila Rena, sunod naman kami. Then next week naman ay sports fest. Paano ko nakalimutan iyon.

"Huy!"

Muntikan ko nang maibato ang phone ko sa gulat dahil kay Cindy.

"Alam ko, do you like it?"turo niya sa buhok niyang bagong dye.

"Is that even... gosh... paano kung ipadala ka sa dean's office. We can't bail you out."

"Relax girl, hindi ako nagpakulay. Wig 'yan. Nakalimutan mo na ba na ngayon ang first day of intramurals? Wala ba kayong kalendaryo? Grabe ka na, Terry."sunod-sunod niyang sabi.

"Wait, wait. I thought. Next week pa tayo? Then sports fest."

"No, this week sabay ang intrams kasi next week foundation day naman ng ibang school. Tayo naman ay balik sa regular classes. Then last week of the month naman ay ang sports fest."

"Hey girls, want some morning chika?"bati ni Maureen na nakaayos na.

Ako lang pala ang naka school uniform and ang ilan sa mga schoolmates namin.

"Bakit naka regular uniform ito? P.e. dapat today."sabi naman ni Maureen sa akin.

"Nasa locker niya. Papalit 'yan mamaya. Ituloy mo na ang chika."sagot ni Cindy at hinawakan siya para hindi makalayo.

Nag-umpisa naman na ikwento ni Maureen ang kanina pa niyang sinasabi. Sa tuwing tinatanong ako ni Cindy kung nakukuha ko ay tumatango lang ako pero ang focus ko ay ang kalendaryo. Paano ko nakalimutan na ang ngayon ang intramurals week namin. Hindi ko rin maalala kung anong nangyari sa akin noong lumabas ako ng bahay. Ang alam ko lang umiiyak ako noon at malakas ang buhos ng ulan. Pagkatapos ay wala na akong maalala sa sumunod na nangyari maliban sa nagising ako sa kwarto ko.

"Anong dala mong damit? Wala kahit p.e.?"tanong ni Cindy sa akin.

"Meron pero..."sagot ko at pinakita ang mini skirt at tank top na nakalagay sa locker ko.

"Meron akong extra shirt."sabi naman ni Rona at inabot sa akin. "Maluwag ata sa'yo."

"Okay na 'to. Salamat!"sabi ko.

"Wait, sana kasya."sabi naman ni Guia. "Kay ate 'yan, kaso daming damit niya e. Kaya kinupit ko na."dagdag pa niya at inabot ang parachute pants sa akin.

"That's a joke right?"nag-aalalang tanong ko.

"Na kinuha ko? Oo naman, seryoso ako."sagot ni Guia sa akin at natawa. Hinampas naman siya ni Hazel at hinatak na palabas ng locker room.

Cruel Summer Where stories live. Discover now