☀️ Seventeenth Shot ☀️

11 2 19
                                    

Terry

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Buong araw kaming nakatulala lang sa subjects at hindi na maalala kung ano-anong lesson ang tinuturo sa amin. Parang gusto na lang namin umuwi kaagad. Ginaganahan lang kami tuwing break time at kapag may mga random na taong papasok sa room para mag-offer ng kung ano-ano.

"Kailan nga ulit event ni Guia?"tanong ko habang umiinom sa binili kong juice sa canteen. "Ang asim pala nito."

"Tulad ni ano."natatawang sabi ni Rona sabay siko sa akin. Umiling lang ako at binalik ang topic kay Guia pero nabigo ako.

"Oo nga pala, natanong lang sa amin ni Lukas kung bakit mo raw siya niblock sa lahat ng socials. Saan daw siya nagkulang?"sabi ni Guia at halatang nagpipigil ng tawa.

"Hindi ko siya type. Basta, 'wag nating pag-usapan ang wala."sagot ko.

"Hinanap ka nga niya last Friday e. Pumunta pa rito e wala ka naman."sabi naman ni Hazel at nagtakip ng bibig para hindi mahalatang natatawa na siya.

"Mabuti na lang at wala si Terry baka naman kapag nakita niya ede wala na."dagdag naman ni Rona.

"Anong wala?"tanong ko sa kanila. Tinwanan lang nila ako at sinukbit naman ni Hazel ang kamay sa braso ko. "Ano nga?! Kapag ako nagalit ha."

"Sanay naman na kami Terry. Matatakot pa ba kami. Buong shs ka naming nakikitang galit e."si Hazel at ngumiti. Kinurot ko naman ang pisngi niya at natawa na rin.

Kami na lang ni Rona at Hazel ang nagkasabay pauwi dahil sila Guia, Kristel, Yana ar Cindy ay gusto pang gumala. Hindi naubusan ng energy ang mga 'yon.

"Paano nila nahatak si Guia?"nagtataka kong tanong.

"Tanong ko rin 'yan kanina."sagot ni Hazel.

"Baka kasi susunduin nila ate ni Guia."sagot naman ni Rona.

"Hala ngayon ba ang uwi nila ate Georgina?"tanong ni Hazel at nahinto pa sa pag-lalakad.

Si ate Georgina ang panganay sa magkakapatid, sunod ang kambal na kapatid ni Guia na sila ate Grimier and ate Gabbie. Bunso naman si Guia sa magkakapatid. Lahat ng mga kapatid niya ay sa ibang bansa nag-aral ng college at tanging ang kambal lang ang bumalik dito sa Pinas para magtrabaho.

"E 'yung kambal?"tanong pa ni Hazel.

"Nasa bahay siguro. Matagal na ako hindi nakapunta sa kanila ni Guia e. Siguro last month pa."sagot ni Rona, tumango naman si Hazel at kinuha ang phone niya na kanina pa tunog nang tunog.

Habang nag-lalakad kami ay may nakita kaming bagong bukas na kainan kaya naman nagpahatak kami sa tukso at kumain muna bago maghiwahiwalay.

Pagdating ko sa bahay ay parang ang lungkot ng atmosphere. Siguro dahil wala na si kuya Kjen na madalas kadaldalan ni grandma sa sala tuwing uuwi ako galing school o dahil wala rin si grandma ngayon.

"Tayo lang dalawa ngayon?"tanong ko kay mommy. Nagulat pa siya sa akin at napahawak sa dibdib. "Puro ka kasi kape mommy. Tigilan mo na 'yan."

Cruel Summer Where stories live. Discover now