☀️ Tenth Shot ☀️

16 3 4
                                    

Terry

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Hindi kami umattend ng assembly sa auditorium dahil aantukin lang kami. Imagine two and a half hours kaming nakaupo lang at makikinig doon. Hindi namin kakayanin iyon at matatawa lang kami sa isa't-isa. Mapapagalitan pa kami sa ingay din naming mag-usap. Kaya pumunta na lang kami sa malapit na café sa school para tumambay. Kami lang nila Kristel at Hazel ang nag-order, dahil gustong magtipid nila Guia at manonood daw sila ng sine sa weekend.

"So next week nga magkakaroon talaga ng runway."sabi ni Kristel habang nag-iscroll sa phone niya.

"Anong theme ng runway?"tanong ni Guia.

"Summer yeark 2k19."sagot ni Kristel.

"Kulit ng pa-2k nila ha. Seryoso ba?"

Nilingon ni Kristel si Hazel sa tanong niya na parang may nasabing hindi maganda. "Binasa ko lang. Basta year 2019 kaso School Year 2019? Make sense naman 'di ba."

"Mamaya na nga 'yan. Review muna review."sita ni Cindy.

"Wow at ikaw pa nagsabi niyan. Hindi mo naman kailangan 'yan e."sabi naman ni Guia. Kaya sinarado na lang ni Cindy ang notebook na dinala niya at sumali sa usapan.

Bago pa matapos ang assembly sa school ay bumalik na rin kami para hindi halatang hindi kami umattend. Nakasabay pa namin ang grupo nila Jella pagpasok sa school.

"May bagong karinderya sa likod e. Sinubukan namin."nakangiti niyang sabi.

"Oks naman ba?"tanong ni Hazel.

"Masarap at mas mabait sa staff ng school ang tindera."natatawa niyang sagot. Natawa rin kami dahil totoo naman. Sobranh sungit lalo na mga nasa canteen namin. Parang kulang na lang itapon ang bibilhin naming pagkain o inumin.

Bumalik na kami sa classroom para ipagpatuloy ang exam na natira. Binigyan kami ng isang oras para tapusin ang isang subject at may fifteen minute break na binigay sa amin bago ang last subject. Kaya may oras pa akong makatulog dahil pakiramdam ko, ngayong araw na 'to ay gamit na gamit ko ang utak ko. Mabuti't nakakapag-isip pa ako ng maayos at nasasagot ko pa ang exam ko.

"Last day na ng exam bukas and malapit na ang weekend. May plano ba kayo this weekend? Gala naman tayo kahit sa intra lang."sabi ni Cindy habang palabas kami ng classroom.

"Walang budget."sagot kaagad ni Guia.

"Matic na talaga 'yan kay Guia. G naman ako."sagot ni Hazel.

"Oks. Free ako, wala sila mama e."sagot ni Rona.

"Not sure guys ha. Alam niyo naman na kapag wala ako sa school, businesswoman ako sa bahay. But I'll try. Love ko kayo e."malambing na sagot ni Kristel.

Napatingin naman silang lahat sa akin dahil ako na lang ang hindi sumasagot. "Oh please stop looking at me. Sige, sasama ako kung... ipapaalam niyo ako."

"E ayos naman pala. Sige ano bang address niyo at sunduin ka pa namin ng Montero e."sabi naman ni Cindy.

"Sa village 'yan sila Terry. Nakita ko minsan ang jeep na sinakyan mo."sagot ni Hazel.

"Sige, sige. Kaya ko na magpaalam."sabi ko naman.

"Weh, ayaw mo lang kami papuntahin sa inyo e."biro ni Cindy at sinabit ang kamay niya sa braso ko.

"Hindi naman...-"hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil niyakap niya ako.

"You don't have to explain yourself to us. We know, we understand. Sinusubukan lang namin pagaanin mood mo. Kanina ka pa kasi natutulala e."sabi niya at niyakap ulit ako. Lumapit naman ang iba para tapikin ang balikat ko at yakapin ako.

One of best therapy that you can get is this. A warm hug from your closest friends, who treats you like their own sister. Magaan sa pakiramdam. Nakakawala ng pagod at higit sa lahat sa kanila lang nabibinat ang mukha ko sa kakatawa.

After that heartfelt conversation ay dumiretso na muna kami ng mall para mag-karaoke. As usual, Cindy is our lead singer. Hindi pa siya nakakainom pero ang lakas na kaagad ng tama. Parang nirentahan niya ang buong arcade ng mall para makakanta ng buong puso. Maya-maya naman ay sumunod na si Hazel at Guia na parehong kanta ang napili. Nang matapos ang dalawa ay nagsolo naman si Rona. Our favorite song played from our favorite artist, Taylor Swift.

"Nagutom na ako, saan tayo kakain?"tanong ni Cindy.

"Sa foodcourt/ foodcourt!"sabay naming sagot ni Rona. Nagkatinginan pa kami bago tumawa.

"Sige para mas mura. Tama naman 'yon. Ubos na coins ko e."sabi ni Cindy.

"Puro papel na lang natira 'no. Ayos, libre mo na ba kami?"tanong ni Guia.

"Ayos ka rin! Hindi, malamang. Libre na nga pamasahe mo kanina e libre pa rin ba hanggang sa pagkain. Kaya mo na 'yan. Malaki ka na."sagot ni Cindy sa kaniya.

"Ito naman. Hindi mabiro si madam. Parang naglilihi."sabi ni Guia sabay tulak sa kaniya.

"Pustahan hanggang sa makababa tayo sa foodcourt, hindi pa rin 'yan tapos silang dalawa."bulong ni Hazel at napapailing sa nasasaksihan.

Totoo nga ang sinabi niya hanggang sa nakahanap kami ng table namin at nakapag-order na ay hindi pa rin silang dalawa tapos. Ayaw kasing magpatalo nila. Bawat sagor ay madadagdagan nanaman ng panibagong tanong o kaya naman ay magbubukas ng panibagong topic. Pinanood na lang namin silang dalawa hanggang sa dumating na ang pagkain namin.

Humiwalay na ako sa kanika after naming kumain dahil dadaanan ako ni Rena ngayon. Nanggaling kasi sila ng stepdad niya sa malapit na vet clinic para ipacheckup ang alaga nilang si Chandler.

"How's ur exams? Pumasa naman ba? Anong tingin mo?"tanong niya pagpasok ko ng sasakyan nila.

"Okay naman."sagot ko na ikinakunot ng noo niya.

"What do you mean by that? Okay? So, hindi ka sure. Nag-review naman tayo ah. Dapat sure ka."

"Well yes, sure akong papasa but.... you know... I'm not sure kung makakasama ako sa top. Masyadong mababa average ko sa Gen Math last time e."

Tinapik niya ang balikat ko at tumango. "I know. Damn, that subject's such a pain in the ass. Gosh!"pabulong niyang sabi sabay tingin kay tito na wala namang pakialam sa amin. Nakafocus lang siya sa pagdadrive.

"May Gen Math ba kayo? Parang wala namang ganiyan sa nakita kong schedule mo."nagtataka kong tanong.

"Well, we don't have pero, may Math pa rin kaming subject kaya... argh... basta... nawawala brain cells ko kapag nakakakita ako ng numbers. Gagawa mo pa ng solution bawat problem, like, is it my fault that you created your own problem and then papasolve mo sa akin? Damn you, Math, damn."

Natawa naman ako sa kaniya at napailing. She's cute when she's mad. Gusto ko na lang siyang ibulsa palagi.


Cruel Summer Where stories live. Discover now