☀️ Fifth Shot ☀️

24 4 8
                                    

Terry

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

Second day ng intramurals week namin at required pa rin kaming suotin ang p.e. uniform namin until tomorrow. Kaya naman wash and wear ang gawain ng lahat ngayon.

"Sa open field daw at papanoorin natin magperform ang theater club."sabi ni Hazel sa akin.

It's 7 A.M. in the morning medyo late na kami. Late na nga.

"Bilisan mo naman Terry. Late na nga tayo e, mas lalo mo pang binagalan."reklamo ni Hazel sa akin.

"Kasalanan ko pa. Ang sabi niyo sa akin seven tayo papasok e."

"Kaya pala 6:30, tulog ka pa rin. Paano ka naligo nun? Bilis mo naman pero bagal mo kumilos."

"Wow ha, coming from you na late."

"Malayo ang bahay namin."

"So excuse na 'yan? Galingan mo naman mag-isip."

"E bakit, ano ba iyo?"

Natawa ako sa tono ng boses niya. "Lbm?" at sabay kaming nagtawanan dalawa.

Pagdating namin sa open field ay nakipagsiksik pa kami sa dami ng estudyanteng nanonood. Kahit ang mga guro namin ay hindi na namin makita sa dami ng tao. Saka lang namin narealize na ngayong araw pala pinapapasok ang mga outsiders.

Hirap kaming hanapin kung nasaan ba sila Rona ngayon. Kaya tinawagan naming dalawa ang mga phone nila. Pero walang sumasagot. Nag-umpisa na ang program kaya mas lalo kaming nahirapan ni Hazel na sumingit at hanapin ang iba naming mga kaibigan sa dami ng tao.

From Rona:
     
           Wala na kami sa open field. Init kasi. Nandito kami sa cafeteria lahat.

To Rona:

      Sino-sino kayo?

Hindi kaagad nag-reply si Rona kaya naman binasa ko ulit ang message ko sa kaniya. Oo nga naman, silang lahat. Meaning lahat ng kaibigan namin. Natawa ako sa sarili ko at tinago ang phone ko.

"Nasa cafeteria sila."sabi ko kay Hazel.

"Sasabihin ko pa lang sana e. Tara na!"aniya.

Dumiretso na kami kung nasaan nakatambay silang lahat na mga kabigan namin. Sinalubong naman kami ni Kristel at Guia.

"Tara punta tayo sa Fleights."sabi ni Yana. "May bagong open na rollerblades do'n. Try natin."

"Game ako!"sagot kaagad ni Cindy.

"Wala naman ginagawa e. Performance lang."sabi naman ni Hazel.

"Magkano muna ang babayaran sa entrance niyan?"tanong ni Guia.

"Walang entrance fee pero may bayad sa equipment and kung ilang minuto ka sa loob."sagot ni Yana.

"Pass may bayad pala."sagot ni Guia kaya siniko siya ni Hazel.

"Minsan na nga lang tayo makumpleto oh."sabi ni Cindy.

Cruel Summer जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें