☀️ Twelveth Shot ☀️

8 3 2
                                    

Terry

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Kunot noo kong tinitigan ang pinsan ko pagkapasok na pagkapasok niya sa bahay. "Sa La Union kayo galing? Hindi ako sinama."sabi ko at parang nagtunog pa na nagtatampo ako.

"Kaya nga sumama na ako kay tita papuntang Manila para hindi ka na masyadong malungkot. Alam ko naman na namiss mo ako."sabi ng pinsan ko at ngumisi. "Wala kang choice. Nandito na ako e."

"Oo, wala talaga akong choice. Bakit ka ba sumama?"tanong ko at inirapan siya.

"Sungit naman. Wala, bakasyon naman kaya sumama na ako."sagot niya. Napalingon ako at tinitigan siyang maigi kung nagbibiro nanaman siya. "Wala ngang pasok. Mas nauna na kaming nagbakasyon. Tagal kasi ng christmas break niyo e kaya tuloy hanggang ngayon ay may pasok ka pa rin."at nang-asar pa nga.

"Kjen, maupo ka na at kumain muna."sabi ni grandma. Lumapit naman siya kaagad kay gran-gran at nagmano. "Kamusta naman kayo? Gusto kong bumisita kaso wala pang time sila para sana masundo ako rito."

"Hayaan niyo La, kapag walang pasok si kuya. Sabihan ko na dumaan po at sunduin kayo."sagot ni Kjen "Sumama ka ha Terry."

"Depende."sagot ko at tinaasan siya ng kilay.

"Sungit talaga. Dinala ko paborito mong pagkain. Bagnet? Bagnet 'di ba."sabi niya kaya natigil ako sa pagdadabog dito sa kusina at lumapit sa kaniya. "Masarap 'yan. Lutuin natin?"

"Ayaw ko. Hindi ako gutom."sagot ko pero kinuha ko ang hawak niya at pinasok sa ref. Natawa lang siya at ginulo ang buhok ko.

Nakatulog ako buong hapon kaya paggising ko ay agad kong sinilip ang phone ko kung may mga importanteng notifs. Unang lumabas na notification ay ang e-mail ng school about sa Sports Fest next week. Kung ano-ano ang dapat dalhin lang. Sunod naman ang mga messages sa groupchat namin na tinatamad pa akong basahin at ang last ay ang notif galing kay James. Nagsend nanaman siya ng pre-invitation sa akin. Tatlong beses siyang nagsend, every after one hour. Ang tiyaga niyang maghintay.

Inopen ko ang laro at nagsend ng pre-invite sa kaniya kaso nadeclince kaagad. Hindi pala siya online ngayon. Kaya nag-iwan na lang ako ng message sa kaniya at bumaba na ng kwarto.

"Namiss mo na ako 'no. Kaya ka bumaba na sa kwarto? Tara, kain na!"sabi ng pinsan ko. Tumayo pa siya at inoffer ang isang upuan sa akin.

"Mga ganiyang kilos mo may gusto kang ipagawa niyan."sabi ko. Ngumiti lang siya at naglagay pa ng kanin sa plato ko.

"Masyado mo naman akong kilala pero ito na nga... kasi si ate mo Rhaz, ayaw akong kausapin e. Alam mo naman na nandito siya sa Manila nag-aaral na then ako naman sa La Union pa rin. Mahirap ang communication namin."

Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. "Mahirap ang coms niyo? Anong taon ka ba pinanganak? Ang daming social media na available ah. Mahira pa rin 'yon? Baka naman may ginawa ka."

"Ito na nga, okay, wala! Wala akong ginawa. Selosa kasi e. Ngayon ayaw na akong kausapin. Gusto niya from time to time ay nag-uupdate ako. Paano naman acads ko, practice sa b-ball. Mga organization assembly ko. Hindi ko na alam saan isisiksik ang pag-update sa kaniya, maliban na lang before mag-end ang araw. Kapag nakauwi na sa school or training. Pero... ewan... labo kasi talaga e."

Cruel Summer Where stories live. Discover now