☀️ Fifteenth Shot ☀️

9 2 12
                                    

Terry

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

I finally got discharged but the only problem is, both my mother and my cousin treats me like I can no longer walk.

"God, mom! I told you, okay na ako. Okay na, see."sabi ko at tinaas ang dalawang paa ko habang tinutulak ni kuya Kjen ang wheelchair ko. "I can actually walk na nga e. Why do you have to ask me to put in this goddamn wheelchair!"

"Terry, enough, please shut your mouth." Sabi ni mommy habang nakatutok pa rin sa phone niya.

"Argh! Ano na lang. Hanggang sa parking gan'to ako? God! Kaya ko naman na e."

"Alam namin but you to use this para sulit ang bayad mo. Come to think of it. Use all the benefits, 'no."bulong ng pinsan ko.

Kumunot ang noo ko. I know, I've been in the hospital several times when I was a kid. Ubuhin at sipunin kasi ako noon kaya suki na ako ng mga doctors pero never akong naka-experience na ma-wheelchair.

"I know what you're thinking. Hindi ko naexperience ito before kaya hindi ko alam. Am i right?"nakangising sabi ni kuya Kjen. Hinampas ko naman siya at nagpabigat. "Sungit talaga. Mabuti na lang at pogi pa rin ako."

"Yuck, umuwi ka na nga. Nakakadiri ka naman."inis kong sabi.

Pagkauwi namin sa bahay ay sinalubong kaagad kami ni grandma. Akala ko ay makakangiti na ako pero nandito nanaman pala siya.

"How's Terry, moms? Anong sabi ng doctor."

Patago akong umirap at dumiretso na sa kwarto ko. Nararamdaman kong may sumusunod sa akin kaya hinarap ko muna siya bago pumasok.

"I'm tired, can't you see? I am tired. So please, not now. Kung gusto mo magtanong about the tests or whatever, contact the doctor or the hospital itself."

"Yes, I can see how tired you are. Pero ako 'to, si..."tinakpak ko na ang bibig ng pinsan ko at umiling.

"Alam kong sasabihin mo ang line ni Natoy. Tama na kakanood ha, umuwi ka na. Bantot mo."sabi ko at tinalikuran siya.

Lumapit kaagad ako sa study table ko at nicharge ang phone, laptop at powerbank ko. Hindi na ako nakapasok sa last day ng Sports fest namin and wala rin akong alam kung anong ganap. Nanalo ba si Guia? Pumunta ba ang special guests? Ano nangyari sa closing party nila? Gusto kong malaman.

Kinabukasan ay sinundo ako ni Rena at kinamusta para tanungin kung kaya ko na bang mamasyal. Tatlong araw din akong nakahiga lang at minimal ang movements kaya pumayag ako. Mabilis akong nagbihis para kapag palabas na ng gate ay doon na lang ako magpapaalam.

"And... how are we gonna escape. Your dada's here pala."bulong niya, tinakpan ko naman ang bibi niya at tinuro ang gate sa likod.

Nakita ko one time dumaan silang dalawa roon. I'm afraid to know what's behind that gate but my curiousity won't let me sleep peacefully kaya pinasok ko siya day after. Daanan lang pala sa likod ng bahay. Mapupunta ka lang naman sa katabing street and safer than the front gate.

"How did you know na may gate kayo sa likod pala?"tanong ni Rena sa akin nang makalabas kami.

"Nakita ko lang sila noon na dumaan and hindi na bumalik so I decided to check kung ano 'yung tinatakpan nila. Then I found out na gate lang pala, thought something big."wala sa sarili kong sagot kaya napalingon siya sa akin. Magsasalita pa sana siya kaso dumating na ang nibook niyang sasakyan kaya hindi niya na nagawa.

Cruel Summer Onde histórias criam vida. Descubra agora