☀️ Fourteenth Shot ☀️

16 2 4
                                    

Terry

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Weird.

Pumikit ako ng madiin at dumilat ulit. Sinalubong ako ng mukha nila Rona, Hazel, Kristel na puno ng pag-aalala. Napatingin ako sa paligid at kunot noong tiningnan sila.

"Why?"tanong ko.

"Did we just witnessed how you froze and went back to reality? Goddamn, Terry, tinakot mo kami."sabi ni Kristel at niyakap ako.

I don't understand. I swear, wala akong nakitang tao except sa aming dalawa ni Rona. Lights are on. Computers are working but there are no other students.

What's going on?

"I... I thought... may... may pinuntahan kayo. K-kaya napatitig lang ako."sagot ko kay Kristel. "Kasi... akala ko walang tao."

Nakakunot ang noo nilang lahat habang si Rona naman ay hinahaplos ang likod ko. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala sa akin.

"I'm sorry. I thought, walang tao. That's all."sabi ko pero tahimik pa rin sila at pinaupo ako.

"We know Terry. Nakatingin din kami sa 'yo, uh, actually ilang beses kang tinatawag ni Hazel at Guia but you're not responding hanggang sa para kang nakaahon sa tubig. Alam mo 'yon, hinihingal and clueless. Gano'n ka kanina."sagot ni Kristel sa akin.

"Wala ka talagang nakikita kanina? How did that happen?"tanong naman ni Hazel.

"Hindi mo ba kami naririnig? Bakit?"sunod naman na nagtanong ay si Guia.

Hindi ko alam kung ano rin ang nangyari kanina. Para akong pinagpapawisan, ang lamig sa pakiramdam ng pawis. Kaya pagtingin ko sa paligid, wala akong taong nakira maliban sa mga ilaw at nakabukas na mga kompyuter.

"I think we should stop asking her. Pagpahingahin muna natin si Terry."awat ni Rona sa sunod-sunod ba mga tanong nila.

"You can still see us 'di ba?"tanong ni Hazel. Hinampas naman siya ni Guia at nginuso si Rona na hindi ko namalayang nakatayo pala sa likod ko.

"It's okay. I'm fine. Kulang lang siguro sa tulog."sagot ko, though, they know I'm lying. Something's wrong with me. But I can't even define or put it into words kasi natatakot ako na baka seryoso ito.

Buong araw akong tulala pero hindi na nila ako kinulit. Hanggang sa pag-uwi ko ay pakiramdam ko naman ay parang lumulutang ako. Hindi ko na rin napansin na kausap pala ako nila grandma at kuya Kjen dahil tuloy-tuloy lang ako sa pag-akyat.

From Rena:

        I need to send a message kasi nag-luto si Mama ng spag and our favorite ulam din. Come, eat with us!

Doon lang ako parang nagising sa panaginip ko kahit kanina pa naman ako gising. Binuksan ko ang phone ko para basahin pa ang ibang notifs doon. Alam ko kanina pa tunog nang tunog ang phone ko pero wala akong lakas para buksan ito.

To Rena:

      Wala na ba for tomorrow? Inaantok kasi ako ngayon.

Cruel Summer Where stories live. Discover now