☀️ Seventh Shot ☀️

15 3 19
                                    

Terry

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

Last day na ng Intramurals week namin at nagplano kaming pumunta na lang sa mall after break. Nanood lang kami saglit ng laro at pagkatapos ay lumabas na kami ng school para dumiretso sa mall.

"Photobooth tayo sa timezone."sabi ni Hazel sabay labas ng card niya.

"Hati-hati sa pagpapaload ng card?"tanong ko.

"G ako!"sagot ni Cindy at sinuot ang cap na hiniram sa akin.

"Wala pa akong pera e."sabi naman ni Guia.

"As usual. Ano pa bang i-expect namin sa'yo."sagot ko.

Pumara na kami ng jeep papuntang mall. Habang nasa byahe kami sila Hazel, Yana, Kristel at Guia ay busy sa binabasa sa phone ni Kristel. Kung ano man 'yon ay hindi ko sure kung may iniistalk nanaman silang tao na nakita nila sa intrams kanina or about pa rin sa Harrington.

Kaming dalawa naman ni Rona ay nakikinig lang sa music sa mga phone namin samantalang itong si Cindy ay nakatulog na sa balikat ni Rona. Tumagal ng thirty minutes ang byahe dahil medyo traffic.

"Gising na. Nandito na tayo."sabi ni Rona kay Cindy na masarap pa rin ang tulog sa balikat niya.

"Ha? Saan? Nakuha na ba tayo ng U.F.O.? Bakit daw? Wala akong pang-ransom pero kung gusto nilang kuhanin kapatid ko, go lang."sabi ni Cindy at pinunasan ang mukha dahil sa pawis.

"Another o.a. spotted."sabi ni Hazel sabay tawa.

Pagkababa namin ng jeep ay agad naming tinanggal ang mga suot naming i.d. baka hindi kami papasukin sa loob ng mall lalo pa't alam nilang hindi pa uwian ng mga estudyante sa ganitong oras. Nagpalit din kami ng mga shirt para mas magmukha kaming mamamasyal lang. Nang matapos ay pumasok na kami at dumiretso muna sa foodcourt para kumain. Nahati sa dalawang grupo ang pagbili ng pagkain.

Kami nila Rona, Yana at Cindy ay sa McDo bumili samantalang sila Kristel, Guia at Hazel naman ay naghanap ng icecream. Hindi ko rin alam anong trip nilang tatlo at gusto nilang bumili ng dessert muna instead na kumain ng heavy meal. Baka nagtitipid para sa gagawin namin sa timezon? Bahala sila, malaki na sila!

"Napanood mo na ba bagong episode ng Hotel Del Luna? Tinapos ko na yung previous episodes para makahabol ako."tanong ko kay Rona.

"Next mong panoorin itong The Crowned Clown. Maganda rin ang story and kung kaya mo pang isabay sa list mo, please, panoorin niyo na rin Money Heist para naman makarelate na kayo sa akin. Baka lang naman gusto mong isabay."sagot niya at pinakita ang mga poster ng series.

Hindi ako nakasagot kaagad dahil alam kong mabagal akong manood. Kapag nanonood kasi ako madalas akong mainterrupt sa bahay. Kaya minsan tinatamad na ako at nakakatulog na kaagad.

Ngumiti na lang ako kay Rona at tumango. "Sabay mo na order mo na sa akin."sabi ko sa kaniya.

"Ala King lang with drinks and fries."sagot niya at inabot ang bayad.

Nang makuha na namin ang mga inorder namin ay hinanap naman namin sila Guia. Medyo malayo sa Mcdo ang napili nilang pwesto namin kaya talagang maingat naming binuhat ang mga hawak naming tray. Pagkarating namin sa kanila ay may mga kaniya-kaniya na rin silang mga nabiling pagkain. Hindi na raw nila kinuha yung icecream na nakita nila kasi mas mahal pa sa baon namin araw-araw.

Cruel Summer Where stories live. Discover now