☀️ Thirteenth Shot ☀️

8 3 6
                                    

Terry

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Nag-umpisa na ang opening ceremony para sa Sports Fest namin ngayong taon. Ang nag-sindi ng torch ngayon ay ang taga Abril Secondary School. First time nilang mag-participate sa ganitong event kaya grabe ang hiyawan ng mga estudyante nila nang mailawan na ang torch.

"Iingay naman."sabi ni Guia, siniko naman si ni Hazel at nginuso ang katabing taga A.S.S.

"Tikom mo muna bibig mo mamaya ka na umeksena. Baka mamaya may humatak na lang sa'yo."bulong ni Hazel.

Pagkatapos mailawan ang torch ng school ay nagperform naman ang grade seven at grade eight.

"Cute nila 'no, sarap ibulsa."komento ni Guia.

"Lahat na lang may nasasabi ka."sabi ni Hazel na parang gusto nang sabunutan ang kaibigan.

"Oh ito naman parang napilitan lang sa pag-sayaw."natatawang sabi ni Guia at tinuro ang nakamaskara na babae sa bandang kaliwa. Totoo naman ang sinabi niya dahil ilang beses na itong nagkakamali at parang nawawala pa sa formation. "Siyempre papalakpak na lang tayo. Sayang naman practice nila last week kung walang matutuwa."

"Si Guia talaga oh. Mapapaaway tayo nito e. Takpan mo nga bibig nito."naiinis na sinabi ni Hazel at nakipagpalit ng pwesto kay Rona.

"Break time na ba?"tanong ni Cindy na kakatapos lang sa pagseselpon.

"Hindi pa, gagi, may next performer pa."sagot ni Guia.

"Hindi pa ba tapos 'yan? Akala ko nakapagperform na ang lahat."nakakunot ang noo ni Cindy habang nagtatype sa phone niya.

"Maraming ganap kapag first day bago mag-umpisa ang laro. After nito papapuntahin pa tayo sa gymnasium, sigurado ako. Ang init nanaman. Amoy mandirigma nanaman tayo pag-labas."sabi ni Guia.

"Kadiri ka naman sa mandirigma."sabi ni Hazel.

"Teh last year 'di ba? Grabe kasi ang daming outsiders nanood ng laro ng basketball, ede siksikan. Ang baho ng gym kaya. Tiniis ko lang kasi nakakahiya sa mga kasama natin noon na naghahanap lang ng poging player pero wala naman."

"Hindi ko alam kung gusto mo lang ipaalala ang amoy ng gym or wala ka lang nagustuhang mga student athlete noon."sabi ko.

"Both."sagot niya at natawa.

Pagkatapos magperform ng mga jhs students ay pinapila na nga kami para pumuntang gymnasium. Sunod na papanoorin namin ay ang mga teachers naman ang sasayaw.

"Sino bet mo nga noon na sumayaw?"tanong ni Hazel kay Guia.

"Si ma'am ano, basta sa P.E. natin 'yon. Walang echos, magaling siya sumayaw."sagot ni Guia.

"Hindi mo naman nasagot ang tanong ni Hazel e. Walang name?"sabi ko.

"Nakalimutan ko. May dimples siya. Turo ko na lang if ever magpeperform siya today."sabi ni Guia.

"Ah si Ms. Lea. Alam ko representative siya noon ng faculty sa Mr. & Ms. Educator, something, nanalo siyang first runner-up."sabi ni Kristel.

"Tama si Kristel. Siya nga. Cute ng dimples kaya niya lalo na kapag ngumingiti. Ang tangkad din niya. Parang 5'7 or 5'8."dagdag ni Guia sa sinabi ni Kristel.

"Matangkad ka rin naman ah. Ikaw na lang kaya representative namin this coming Friday sa runway."sabi ko.

"Smooth transac."nakangising sabi ni Cindy at tinapik ako sa balikat.

Cruel Summer Where stories live. Discover now