Prologue

93 10 0
                                    

I was sitting on the sofa while playing mobile legends I’m actually bored, hinihintay ko lang dumating ang madaldal kong pinsan and I’m also expecting na magiging maingay nanaman ang munti naming bahay.

“Clio, tumayo ka nga dyan tapos hugasan mo yong mga plato” ma awtoridad na wika ng ate ko, tsk nang-uutos nanaman, “hoy inuutusan kita tumayo ka dyan, kaya ka tumataba” nanlaki ang mga mata ako.

“Ikaw yung tumataba!” sigaw ko, pinanlisikan niya ako ng mata kaya kinagat ko na lang ang dila ko at dumiretso sa kusina, nang makita ang buying lababo ay muntik ko ng maluwa ang mga eyeballs ko sa tambak na mga hugasin.

“Ka…” nanghihina ako habang naglalakad papunta sa harap ng lababo. Hindi ako umangal at ginawa ang inuutos ng ate ko, grr….

Pagkalipas ng thirty minutes natapos ko na ang pinapagawa niya, aray yung mga kamay ko! Kamay ng matanda! Grabe pa naman ang pag kudkod ko sa mga natuyong mungho sa plato pati pa naman yung mga kaldero na ginamit noong nakaraang araw ngayon pa nahugasan! Alam niyo yung mabangong aroma ng isda na hindi ginalaw ng ilang araw? Aargh!

“MEOW!” huwah, nawala ang inis at galit ko pagkakita ko sa kyut kong pusa. Kittie!

“Gepsy, nahugasan mo na na yung mga plato?” that’s mom.

“Yep, natapos ko na” nanlaki ang mata ko, kaya naman pala ang tapang. Siyang inutusan, ako ang gumawa.

“Buti, malapit ng dumating ang pinsan niyo. Yung daddy nyo naman mamaya pang gabi uuwi, Clio kunin mo tong pinambili ko” argh! Lumayo muna ako sa pusa ko at kinuha ang mga paper bag na dala ng mother ko, isa isa kong nilagay sa ref ang mga pagkain kailangan fresh habang masamang tinitigan ang ate ko na nakatingin sa tv.

“Hoy, anong tinititigan mo” huwah! I shouted in surprise.

“Chloe huwag ka namang nangugulat dyan!” wika ko sa kanya, she smiles innocently.

“Sorry na, kanina pa kita tinitingnan ang sama ng tingin mo sa ate mo. Nag-away nanaman kayo?” inirapan ko siya.

“Eh ano pa bang bago? Ako yung pinahugas niya ng plato eh siya naman yung inutusan, tsk, tsk” mahina akong tinawanan ng babaeng iyon.

“Hay, kahit kailan kawawa ka talaga” I pouted.

“Huwag mo namang ipagmukha! Mas kinakawawa mo ako as sinasabi mo eh” sigaw ko, umupo lang siya sa silya at kinuha ang isang apple sa table.

“Alam mo, ang dami kong ikekwento sayo” I smile sarcastically.

“Ang kulay talaga ng buhay mo no, hindi na-uubusan ng thrill?” tango lang ang sagot niya.

“Ganito kasi iyon” hay, ito nananaman siya.

“May pinuntahan kaming event ng pamilya ko, I met this guy…” I look at her with disgust, tumigil siya sa pagsasalita.

“Ipagpatuloy mo yang pag-explore sa lahat ng mga lalaki sa mundo tingnan natin kung saan ka pupulutin” bigla niya akong niyakap at nagpa-cute.

“Pinsan kita diba? Pagnangyari yun tutulungan mo ako…diba?” tsk.

“Manahimik ka nga, may ginagawa ako” she just pouted, “so ano na yung kwento mo?” tanong ko, mabilis na nawala ang pagtatampo niya at napalitan ng ngiti.

“O sige, ganito kasi iyon. The guy I met is an old acquintance of mine, tapos na ikwento kita sa kanya. Pinakita ko pa yung picture mo na bagong gising haha you were so cute, sabi niya” what the?

“Pinakita mo sa isang stranger? Alam mo lumayas ka sa harapan ko masasabunutan talaga kita.”

“Pinsan kong reyna ng mga pusa wait hindi ko pa nasasabi na nireto kita sa kanya-” huminto ako sa paglalakad ng marinig ang sinabi Niya, as I glare at her.

“HUH?”

“Huwah pinsan wait, let me explain first” dahan dahan akong lumapit sa kanya at masama siyang tinitigan.

“Pin-pin-pinsan teka lang! huwah I’m too young to die!”

“Chloe bumalik ka dito!!!”

A/N: Hello everyone! Thank you for supporting my story in advance, and I thank you for giving your spare time to read this story and enjoy!

-The final revision of the story is done!

Mr. In Denial Meets Miss EyeglassesWhere stories live. Discover now