Chapter 1

42 8 0
                                    

Isang lingo na lang at magsisimula na ang klase nandito ako sa school namin para ibigay ang form na kulang ko para officially enrolled na ako at wala na akong po-problemahin, pero kanina pa ako naglalakad at alam ko sa sarili ko na nawawala ako. Who the hell will get lost in a big University? I mean, kalaki laki ni isang tao wala talaga akong makita? Nasaan na ba ang klasrum ko?  More importantly nasaan na ba ako? Wala ka bang ihuhulog para saakin lord? Promise kahit hint lang oks na ako!

Nagulat ako nang may humawak sa balikat ko at napatili ng wala sa oras, nagulat ko rin ang lalaking umagaw ng atensyon ko. Lord, hindi ko naman sinabi agad agad. Bigtime talaga ang pag surprise no? I felt so love…

“Im so sorry miss, kanina pa kasi kita tinatawag hindi ka naman lumilingon kaya-” he paused as he cleared his throat, hindi nakatakas sa mata ko ang pagpigil ng tawa nito. Teka-! Thick eyebrows check, those rosy lips at hindi halatang may nilagay pampapula sa labi check, those perfect square jaw big check! And those hazel brown eyes….damn, kailan ako huling nakakita ng gwapo?

“Hey, miss? You alright? You look lost” he ask, huh? Umiwas ako ng tingin nang mamulat ako sa reyalidad, not the time to fantasize but damn. His handsomeness is above average.

“Ah yeah, hinahanap ko lang yung room ko” tumango lang ito at biglang kinuha ang papel na hawak ko, eh? Hindi gentleman? Hmm, minus points.

“Looks like you are the transferee students," kumunot ang noo ko, paano niya nalaman? "I'm your soon to be classmate at nandoon sa tabi ng hagdan ang classroom na hinahanap mo. Makikita mo ang teacher natin sa loob naghihintay, probably with your soon to be but officially classmates” tumango ako at tiningnan kung saan siya nakaturo, nasa dulo ng hallway ang classroom. Inayos ko ang suot na salamin at bumalik ang tingin sa lalaking tumulong saakin na soon to be but officially classmate ko raw.

“Thanks for helping me out ahm-” he smile, shit! Ang gwapo!

“What’s your name?” I ask, kapal ko rin eh! Ako pa talaga ang naunang nagtanong? I should have waited for him to ask! Stupid me!

“Sean Ford, call me Sean” then he knocked me down with his bright smile, woah. Hottie…wait! Clio nandito tayo para magpa enroll huh, hindi para sa lalaki. Tiningnan ko siyang maglakad palayo hanggang ni anino ay hindi ko na nakita, infareness ang gwapo. Inayos ko nanaman ang suot kong salamin bago pumunta sa classroom na tinuro niya, as I about to enter the classroom I saw few students who were yelling to each other…magkakatabi lang naman.

Sinubukan ko silang balewalain at sinigurado na hindi ako mapapansin, mabilis at tahimik akong pumunta sa gilid at nakita ang teacher namin na nakaupo sa teachers table.

“Excuse me, Sir Francisco Calidad?” tumingin saakin ang guro at ngumiti saakin.

“You must be the new student, tinawagan na ako ng papa po na dadating ka ngayong araw. Hindi ka naman siguro naligaw? Hahaha, this school is too big for someone as smart as you to wander and to be lost” sad to say, dahil sa katalinuhan ko naligaw ako sa paroroonan ko.

“Dala mo ba yung kulang sa requirements mo?” tanong niya, mabilis kong binigay ang dalang envelope at kinuha niya ito at sinuri. Biglang nagsigawan ang lahat na ikinagulat ko at mukhang pati si sir.

“Kids! Huwag masyadong maingay” sabi ng guro.

“Yes sir!” I was stunned when they all answered in chorus. Wearing those bright intimidating smile on their faces, naglalaro sila ng UNO at nakita ko na may tigpipiso sa tabi…nagpupustahan ba ang mga to? Naka perfect circle pa, at kapansin pansino na may kampihang nagaganap….

Mr. In Denial Meets Miss EyeglassesWhere stories live. Discover now