Chapter 12

13 5 2
                                    

May mahinang yumugyog saakin at dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, that's a nice nap. Naka-unan ako sa kung ano na malambot and it's warm inangat ko ang tingin at nagulat nang malamang nakaunan ako sa kandungan ni Nathan, eh? Mabilis akong umupo ng maayos, what the!? Akala ko panaginip lang yong nakita ko? It turns out it's real, shit! Nakakahiya!

"You finally woke up, kanina pa nagring ang bell. And you've been snoring this whole time, I didn't bother to wake you up. You look refresh" Inayos ko ang buhok ko at ang salamin ko, pero hindi ko ito naramdaman sa mukha ko. Lumingon ako sa puno at sa paligid nasaan na yun? Lagot, that was my seventh! Argh!

"Where is it?" Habang kinakapa ang damuhan saan naman kaya iyon napunta? Imposibleng may kukuha!

"Clio look here-" What?! Mabilis akong lumingon sa kanya at nagulat ng isout niya saakin ang salamin na hinahanap ko, kumurap-kurap ako at malinaw na nakita ang ngiti niya sa labi. I could tell that it's a genuine smile and his eyes are also smiling, how can a cold person like him smile like this?

"There, now you look complete" what complete? Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at tumayo pinagpagan niya ang damit at naglahad ng kamay, tiningnan ko lang ito at binalik ang tingin sa kanya.

"What are you planning?" Nagulat siya sa sinabi ko.

"What are you talking about?" Tumayo ako mag-isa at hindu inaalis ang tingin kanya na halatang iniisip kung anong pinagsasabi ko.

"Bakit nag-aala gentleman ka ngayon? Nasa mood ka? Did I do something? Bakit ka ganito?" He pressed both his lips and he looks away, damn it kailan siya natuto mag lip bite?!

"Well I just wanted to ask you kung sasabay ka ba saamin umuwi?" For some reason bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya, what was that? Hinawakan ko ang dibdib ko at huminga ng malalim, what was that?! For a second nag-iba ang tingin ko sa kanya, I found it sweet.

"Yeah, of course..if you want me to" lumiwanag ang mga mata nito sa kasiyahan at ngumiti ng malapad like what he did earlier, those damn smile!

"Really? Great, wait kukunin ko lang ang gamit natin sa room sa gate ka na maghintay. Just give me a minute" he said as he rush through out the garden, what was that? It was weird but I found it kinda funny and cute... And sweet, may mali na talaga saakin ngayong araw. Nasira ba lalo ang paningin ko habang natutulog ako? Binalewala ko na lang iyon at naglakad ako papunta sa gate at naabutan si Rael na mukhang may hinihintay at nakasandal sa bulletin board.

Lalagpasan ko na lang siya at mag-aarteng hindi siya nakita, kinuha ko sa bulsa ang phone ko at pekeng may ka-chat but the moment I step on his sight naglakad siya palapit saakin. Dang I knew it.

"Clio wait up" shoot kailangan hindi sila magkita ni Nathan kung hindi may digmaan na magaganap, paano to? I've learned my lesson and they keep warning me.

"Hey, nandyan ka pala" I acted foolishly, Rael bakit ngayon pa? Kinakabahan ako sa ginagawa mo! Wala na! Deds na!

"I wanted to talk with you for a bit" a bit? Pakiramdam ko matatagalan kami eh, lumingon ako sa nilabasan kong pinto at binalik ang tingin kay Rael.

"Ahm pakibilisan kailangan ko na kasing umuwi" pagsisinungaling ko, napansin ko ang pagkunot ng noo nito at tiningnan ako ulo hanggang pa.

"Eh wala ka namang dalang bag" f***! Clio isip ng palusot!

"Well ahm, may kumuha lang ng bag ko dadalhin lang saakin sa gate. So ano nga iyong sinasabi mo?" Pag-iiba ko ng usapan baka masabi ko pa ang pangalan ni Nathan.

"Oh yeah ahm, bukas ahm- are you free right? In the afternoon" huh? Ang naka aasign lang naman na magpresent bukas ay sila Noelle, tumango ako wait- paano niya nalaman na free ako?

Mr. In Denial Meets Miss EyeglassesWhere stories live. Discover now