Chapter 8

18 6 0
                                    

ANG LAKAS NG KABOG NG dibdib ko habang naglalakad sa tahimik na hallway ng mag-isa, yes! Mag-isa, halos wala ng tao langya! Pero lalo akong nagulantang ng marinig ang pagpatak ng ulan sa bubong ng building, tumakbo ako papunta sa gate pero nawalan ako ng lakas ng makitang wala ng tricycle sa labas.

Boom, iyan ang tunay na malas. Wala rin ang guard mukhang naglilibot na siya, why do I have to be so damn unlucky today? Napapadyak na lang ako sa inis dahil hindi ko na alam ang gagawin, pwede naman akong bumalik at hintayin si Noelle pero lalo lang akong magagabihan.

Pero paano naman ako makaka-uwi nito kung umuulan? Malayo rin ang mga tindahan na pwede kong silungan at toda ng mga tricycle, aish! Anong gagawin ko!?

"Clio?" Muntik nang lumabas ang kaluluwa ko sa gulat, lumingon ako sa may-ari ng boses at nakita si Nathan na nagtatakang nakatingin saakin.

"Oh hey" kinalma ko ang buo kong sistema, naghalo ang takot at pangamba kung ano ang gagawin ko at nagsimula na akong magdasal. How I wish to turn back time, hindi ko na dapat kinuha ang offer niya sa notebook kanina edi sana hindi na ito nangyayari sakin! Sana maaga akong makakauwi, sana normal ang buhay ko...stress free.

"Hindi ka pa nakaka-uwi? Gabing gabi na" I look at him angrily.

"And whose fault is that?" Natawa ito sa sinabi ko, ngayon tumatawa pa siya? For his information kasalanan niya ang lahat ng ito! His fault! You heard me! Your fault!

"Sorry, hindi ko naman alam na magpapatulong si Noelle sayo. So natapos na ang speech niya?" Umiwas ako ng tingin at nagpanggap na may hinahanap sa bag, wait how did he know that we were working on a speech?

"Oo, tinapos niya" walang buhay kong sambit, naglakad siya papalapit sa gate at huminto nang may pumaradang sasakyan.

"Sabay ka na?" Ilang beses akong kumurap bago tinuro ang sasakyan.

"Is that yours?" Umiling siya.

"Nope, my uncle" pa-humble pa ang mokong, in short binigay sa kanya, "hindi ka ba papasok?"

"You expect me na papasok dyan kasama ka?" Ano ako tanga? No way, kung ano pa ang isipin ng mga tao na makakakita saamin. Kung may tao pa dito.

"Why? You think na tayo lang dalawa sa loob?" nilihis ko ang tingin nang mabasa niya ang iniisip ko, hindi naman sa asumera ako pero awkward sa part ko ok! "Melody, Kyle, Sean, at ako ang kasama, don't assume" uminit ang mukha ko sa sinabi niya, ako nag-aasume? Excuse me! Nathan took my bag, aangal sana ako nang gawin niya iyon pero may umakbay saakin.

"Clio! Sup!" nagulat ako ng bigla akong gulatin ni Sean na galing sa likod at hinila papunta sa sasakyan, "sabi ni Nathan saamin sasabay ka, upo ka doon" tinuro niya ang likurang bahagi ng sasakyan at wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod. I mean makakatipid ako ng pamasahi sayang naman kung tumanggi pa ako, at kilala ko rin ang makakasama ko.

"Nat, pasok na" kumunot ang noo niya ng ituro ang katabi kong upuan, kinabahan ako ng bigla siyang pumasok at umupo katabi ko.

"You know the rules Natnat, so be a good boy bakit ka ba kasi nakipagbunuan kay Rael wala namang ginagawang masama ang tao" nagulat ako nang marinig ang sinabi ni Melody lumingon ako kay Nathan at magtatanong sana nang bigla niyang itapon ang bag ko, aray! He throw my bag on my lap and it's heavy! Ano nanaman ang problema ng lalaking ito? Ang hilig talagang mag mood swing eh! Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang iritado niyang reaksyon, ako dapat ang nagagalit hindi ikaw!

"Don't talk to him" lumingon ako sa kanya nang bigla itong magsalita, to who?

"Sino?" he stare at me na sisabing 'siya' pero sino ngang siya?

Mr. In Denial Meets Miss EyeglassesWhere stories live. Discover now