Chapter 13

7 5 0
                                    

SALAMAT NATAPOS NA ang presentation namin! I'm so thankful! Akala ko mamamatay ako sa kaba gagawin ko na ang mga sasabihin ni ate Sharifa maghahanap na ako kahit limampong rrl magdodonate pa ako ng snacks! Basta ayoko nang tumayo sa harap ng maraming tao, it's so embarrassing!

"Noelle nakita mo si Clio?" And the cue, Nathan appear right in front of me. Umupo ako sa bakanteng upuan at inalis ang sapatos ko, kanina pa kasi ito namamawis dahil sa kaba luckily hindi bumigay ang mga tuhod ko.

"Kumakain pa iyon sa canteen, bakit ba ako lagi ang hinahanapan niyo sa isat isa? Taga hanap na ba ako ni Clio ngayon?" Hinilot ko ang paa ko my goodness precious ang lamig ng paa ko, I need to warm it up.

"I'm just asking baka kasama niya si Rael" jealousy, bakit pa ba naimbento ang salitang iyon?

"Alam mo, kung nag-aalala ka para kay Clio mo why don't you find her yourself? Hindi sa ako pa yung hinahanapan mo, dapat may sweldo ako linggo linggo ako ang iniisturbo niyo mahanap lang si Clio" as if it rings a bell, Nathan's eye glared back at me oops...dapat hindi ko na iyon sinabi madadagdagan nanaman ang sakit sa ulo ko.

"Niyo?" Great now I've awaken a beast and a very possessive one! Walang gana ko siyang tiningnan at sinimangutan, na burn out ang utak ko salamat sa presentation ngayon at kahapon hating gabi na ako naka-uwi dahil almost twenty five rrl ang tinrabaho ko salamat sa katamaran ko. Naghati-hati naman kami so actually mga lima lang ang nagawa ko at kailangan ko pang gumising ng maaga para sa presentation at sa orientation ni ate Sharifa sa mga kagrupo niya na magprepresent ngayon! Give me a break! It's just the second month of the school year and I'm tired to the bones, at dagdag sa sakit ng ulo ko ang tatlo....

"Rael's asking about her too, minsan siya nauuna then minsan sabay kayo pero lumalayo na ako. Minsan pag kasama ko si Clio at na spot on ko kayo nilalayo ko na siya magpapatayan nanaman kayo dahil nanaman sa babaeng iyon, kaya yung time na coincidence nagkikita talaga kayong tatlo sa iisang lugar is truly a pain. Fantastic isn't it? Why don't you three get married altogether wala siguro akong problema ngayon" inis kong usal sa kanya at malamig niya lang akong tiningnan, kinuha niya ang bakanteng upuan sa harap ko. He's still looking at me and it looks like gagawa nanaman siya ng paraan para magkalayo ang dalawa, why do I have to go through this? Can't they let me go? It's none of my business.

"Sorry ayokong may kahati," see! Such strong words.

"Ayos lang iyon, pagpalitan niyo si Clio gabi-gabi" he suddenly glare at me then I immediately zip my mouth, I'll be doom if I say a single word.

"Ang dumi talaga ng utak mo no?" Reklamo niya saakin.

"Hindi madumi ang utak ko, sadyang madumi kayong mag-isip bakit sinabi ko ba gawin niyo ang ginagawa ng mga bagong kasal?" Then again he look at me with his deadly glare.

"Tell me woman, anong tinatanong niya sayo tungkol kay Clio?" Pag-iiba niya ng usapan, like what his asking everytime na magkikita tayo isn't it obvious?

"Where's Clio?"

"Not that!" Ano bang hinahanap niyang sagot? Kinamot ko ang kulot kong buhok at napa-isip.

"Wala naman akong obligasyon para sabihin sayo lahat eh" hindi siya nagreak sa sinabi ko at umupo ng maayos, why is he looking at me like that?

"Ok, wala na rin akong obligasyon para pakopyahin ka. Suit yourself" biglang nanlamig ang buo kong pagkatao...

"Where's Clio? Kasama niya ba ang asungot na iyon? Palagay mo matatagalan sila? Can you do me a favor? What Clio likes? How about a plan to be with her? Can you give this to her? And many more" I answer honestly and thoroughly, napansin ko ang pagbuo ng kamao nito he need a doctor. Nasaan na ang palabirong Nathan na kilala namin? He's like a different person, kasali ito sa sign na in love ka na pero ayaw mong aminin.

Mr. In Denial Meets Miss EyeglassesWhere stories live. Discover now