// 1. Just Met Him

25.7K 255 6
                                    

Magandang araw, good morning or goodnight. Good afternoon or whatsoever time na binabasa niyo 'to. Tinulad ko ito sa isa ko pang story na Unfaithful Husband. 'UNFAITHFUL WIFE' Naman 'to. Nasa almost 9k view na kasi yun ngayong time na 'to kaya naisip kong gumawa nito. Actually wala akong phone at wala din akong computer. 'Yung dating mga story ko diyan ay sa phone ko ginawa. Unfortunately wala akong phone ngayon dahil binenta ko ^X^ hiniram ko lang 'to. Ang hirap kasi ng buhay haha! Anyway sana basahin niyo 'tong Fiction na 'to. Parang Unfaithful Husband din.

Goodluck!

Sarina's POV

Busy lahat sa bahay. Ang dalawang anak ko ay nasa school and ang asawa ko naman ay nasa trabaho. 34 years old na ako at 12 years na akong teacher at abogado naman ang asawa ko. Masaya naman kaso araw araw ay busy kaming lahat. Wala akong ganang kumain kaya naisip ko na lang na dumaan sa restaurant at kumain ng burger para kahit papaano ay may laman ang tiyan ko. Bumaba ako ng kotse at napansin ko ang isang lalaki na sa kotse din bumaba. Minsan lang ako makakita nang ganito ka gwapo. Nagtama ang mga mata namin. Basically sa mga boys ay napapatitig sa'kin dahil kahit 34 na ako ay maganda at sexy parin naman. Kahit gaano ka pa ka gwapo ay imposibleng hindi mo ako mapansin. Pero siyempre hanggang tingin na lang or alam kong tingin lang ang gagawin ng lalaking ito dahil halata naman sa itsura ko na may asawa na ako.

Halata din sa itsura niya na may girlfriend siya at hindi na ako magtataka kung may asawa na siya. I think nasa 25 pa lang siya. Pumasok ako at magkasunod pa kami sa pila ng lalaking 'yun.

"Takeout ka?" narinig ko sabi ng nasa likod ko.

Humarap ako at sa'kin nakatingin ang nagsalita. Siya 'yung lalaking gwapo at ako pala ang kausap niya, buti lumingon ako.

"Oo eh!"

"Pareho pala tayo."

Meron na akong nakilala na mga tao na tulad niya. 'Yung pala kwento at kahit hindi niya kilala ay nakikipag usap. Siguro ganun siya. Okay, binigyan ako ng number nung cashier dahil maraming costumer ay pending pa ang burger, kaya fries at softdrinks lang ang nakuha ko muna.

Nagulat ako nang umupo sa inupuan kong table ang lalaking gwapo.

"Pwede ba dito na lang din ako? Wala nang bakante eh."

"Sure."

Marami ngang tao sa loob kaya pinagbigyan ko na. Wala naman sanang makakita sa'kin ngayon at baka machismis pa ako. Okay lang sana kung matanda na ang kasama ko eh kaso bata at pogi pa.

Umupo siya then inaasahan kong kakausapin niya ako.

"Bakit nag iisa ka?" tanong niya.

"Walang tao sa bahay kundi kasambahay lang. Busy kasi lahat."

"Okay, see!"

Tumingin siya sa malayo at tinatambol niya ang number na hawak niya. Kunyari nagtetext lang ako para may dahilan para hindi ako magsalita.

Nagsalita uli siya.

"Anong trabaho mo?"

"Teacher ako diyan sa elementary school." Tumingin ako sa kaniya at ibinalik ang tingin sa phone ko.

"Talaga? Ilang taon ka na diyan?"

"12 years na."

"Oh wow! Hindi halata, usually kasi sa teachers 'di ba, madaling tumanda dahil sa konsumisyon? Pero you're still beautiful."

Hindi lang siya ang unang nagsabi nun pero proud ako dahil siya ang kauna-unahang ganiyan kagwapo ang nakapagsabi nun. So, naniniwala ako na totoo ang sabi sabi.

"I have to." Kaswal kong sagot.

"Inaalagaan mo ang sarili mo I'm sure." Ngumiti siya ng matamis.

Ang daldal naman niya. Pasalamat siya gwapo siya. Sinabi ko sa kaniya kung ilan ang anak ko at trabaho ng asawa ko, hindi na naman siya nagtaka dahil obviously may asawa't anak na ako. Kumain na kami nang sabay dahil hindi na ako nag take-out then sabay din kaming umalis. May mga tao talaga na pala kaibigan. Meron namang tao na suplado. Kaya iisipin ko pa ba na may gusto sa'kin ang taong 'to? Baka pala kwento siya at hindi na ako magtataka kung marami siyang kaibigan.

Unfaithful Wife [Completed]Where stories live. Discover now