// 17. Unfaithful

17.6K 151 17
                                    

Sarina's POV

Matagal na pa lang naghihinala ang asawa ko kaya nung araw na 'yun ay hinayaan niya akong umalis para masundan. Hinintay lang niya kaming matapos. Binaril niya si Jade at wala akong magawa dahil kahihiyan ko ang nakataya. Hinila ako ng asawa ko para umalis sa hotel. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari kay Jade. Sana hindi siya mamatay dahil habang buhay ko 'tong pagsisisihan. Kung alam ko lang na magkakaganito sana kinontrol ko na lang ang sarili ko para hindi ako matukso.

Pag uwi namin ay naki-usap ako sa asawa ko at humingi ng tawad.

Lumuhod ako.

"I'm very very sorry!"

Nasa kwarto kami at bawal magsigawan dahil gising ang mga anak namin.

"Sorry? Paano kung ipakulong kita?!"

Hindi ako makapag salita. Gusto kong sabihin sa kaniya na sana hindi na lang niya binaril si Jade pero naalala ko ang salitang "Tao lang." nasaktan ang asawa ko at hindi sa lahat ng oras ay kontrolado natin ang sarili natin dahil ako man ay pinanghawakan ko ang salitang "Tao lang."

"Gusto mo bang mai-ayos ang lahat? Alam kong malaki ang pagkukulang ko sa'yo bilang asawa ko pero hindi ko magagawang humingi ng tawad sa'yo dahil mas malaki ang kasalanan mo. Teacher ka pa man din."

"Natukso lang ako sorry!"

"Alam ko na hindi nga malayong gawin mo 'yan. Tatanungin kita. Gusto mo pa ba ako o hindi na?!" Hindi ako makapagsalita. "Kung ayaw mo na sa'kin ay wala akong magagawa, kung sa tingin mo ay hindi ka maligaya sa'kin okay lang. Ano pa ba ang magagawa ko? Ayokong ipagpilitan pa ang sarili ko sa'yo. We'll do it Formally."

"Hindi totoo 'yan. Mahal kita."

"If you want to stay with me I'm not going to tell it to anyone. It was done. Malaki ang pagkukulang ko. Itutuwid ko ang lahat at ililihim ito dahil pag mabunyag ito ay hindi ako ang nakakahiya. Ang pamilya mo pati sa anak natin at huwag ka nang makikipag kita pa sa lalaking 'yun dahil hindi mo alam ang gagawin ko pag nalaman kong nagkita pa kayo."

"Pero baka patay na siya?"

"Hindi ko siya pinatay. Hindi ko pinatama sa puso niya ng bala. May oras pa para dalhin siya sa ospital."

Hindi ako nakapag salita at shock parin ako. Bakit ko ba nagawa ang lahat? Pinatawad ako ng asawa ko para lang maging maayos kami. Ang tanga tanga ko. Nagawang ayusin ng asawa ko ang gulo pero ako hindi ko nagawang ayusin ang problema ko sa asawa ko nung una. Inuna ko kasi ang ligaya.

Si Shine? Ayokong malaman niya ang ginawa ko. Nakakahiya dahil alam kong mas alam niya ang tama kahit mas bata siya at teacher pa ako.

Buti na lang at inayos ng asawa ko kung hindi--

NANG DAHIL SA AKIN NAKAKAHIYA ANG PAMILYA KO.

Ilang araw ang lumipas at medyo okay na ako. Hindi na kami tulad dati ng asawa ko at inaasikaso ko na siya. Pero hindi pa niya tanggap ang lahat kahit may oras na siya sa amin. Hindi pa niya nagagawang makipag sex sa'kin buhat nang nangyari ang gulo. Pero nakikita ko sa kaniya na masaya siya dahil kasama niya kami. Buti na lang siya ang asawa ko. Dahil kung sa iba 'yan ay baka nakakulong na ako. Alam kong dadating ang oras na babalik na kami sa dati. Alam kong kahit ano pa ang pagkukulang ng asawa ko ay dapat hindi ko parin ginawa ang lokohin siya.

I'm unfaithful but now I must promise myself that I won't do this again. All what happened is not going to repeat anymore.

___

End.

Unfaithful Wife [Completed]Where stories live. Discover now