// 12. Fix

18.1K 135 5
                                    

Pagtapos ng araw na 'yun ay parang nabunutan ako ng tinik. Ngayon hindi na ako talaga sigurado kung talagang hindi na kami uulit ni Jade. Umuwi ako at naligo. Binuksan ko ang laptop and I'm going to unblock Jade. Usapan na namin na mananatiling sikreto ang lahat hanggang makaalis siya papuntang Canada. Alam ko na ang kasagutan sa problema ko sa asawa ko sana pero huli na. Nakagawa na ako ng kasalanan na hindi ko na kaya pang pigilan. Hindi kami pwedeng magtext dahil baka aksidenteng may makabasa kaya 'yung natulog na ang asawa ko ay nagchat na lang kami. Inopen ko ang facebook pero bakit nainis ako sa babaing kasama ni Jade sa picture? Nagseselos ba ako? Alam ko pagnagselos ang babae that means, mahal niya ang lalake. Hindi ako sure kung selos nga 'tong nararamdaman ko.

Me: Sinungaling ka talaga.

Jade: Wow! It's really nice na pwede na uli akong magchat sa'yo.

Me: Naalala ko na may libro kang gusto mong iuwi kaya humingi ka ng pabor sakin. Planado din ba 'yun?

Jade: Oo! I'm very sorry, wala akong maisip na paraan para makita ka uli. Hindi ko pinagsisisihan 'yun.

Me: Grabe talaga kayong mga lalake.

Jade: Pumayag ka dahil attracted ka sakin diba? Aminin mo na.

Me: Gwapo ka lang.

Jade: I want you this week. Makakapunta kaba?

Me: Ako pa talaga ang pupunta?

Jade: Gusto mo ako ang pumunta diyan.

Me: Sige, pagbibigyan kita. Pero kailangan na maging maingat ka. I should do something para maging sikreto 'to.

Jade: Ano naman tingin mo sakin, ipagkakalat ko 'to?

Me: Naninigurado lang.

Pagtapos ay natupad naman ang gusto niya. Pag uuwi ako galing sa kanila ay naliligo ako kahit alam kong hindi mabubura sa paligo ang ginawa ko. 5 months lang naman. I'll keep it secret or else, even my sister going to hate me and my family goes down.

Nakausap ko sa phone si Shine.

"Ate, uuwi ang asawa ko bukas. 'Yung plano natin baka after 4 days na. Three days ang asawa ko dito eh."

Plano kasi namin na lumabas dalawa. Wala naman sigurong masama. dahil kapatid ko naman siya.

"Sige goodluck, alam ko sabik ka na."

"Si ate parang ewan, you know that and stop saying those."

"Tayo lang naman nag uusap eh tsaka sabi mo naman 'di ba, tayo lang nakakaalam."

"Ewan sa'yo ate, basta mag eenjoy muna ako."

Binaba na niya ang phone. Actually I feel greed but I love my sister and I'm happy for her it's just because she had her owned happiness to her husband, unlike me. Even I know how to fix it, I started to do mistake and I don't know how to fix it. And we ever know the thing will start to fire if we won't fix it.

Unfaithful Wife [Completed]Where stories live. Discover now