// 6. Sex

23.9K 176 3
                                    

Pag uwi ko sa bahay ay dumating na din ang asawa ko. Ganun na naman. Natulog lang siya dahil sa pagod.

Naisip kong ichat siya. Bahala na kung mahalata niyang gusto ko siya.

Me: Inaccept na kita ah. Baka sabihin mo hindi pa tayo friends.

Jade: Wow! Thanks Sarina!

Me: Naisip mong tawagin ako sa name ko

Jade: Close na tayo

Me: Ganun?

Jade: Ikaw ah. Alam mo ang problema ng mga lalake!

Me: Natural!

Jade: How can you explain that?

Me: Hindi siya explainable kaya I think it's better to do not explain that

Jade: Nagtatanong lang. Baka kasi may mas maganda kang explanation. Nahiya nga ako actually

Me: Okay buti nalang at matino ka dahil sa edad kong to ay alam kong ang mga lalake lalo na't gwapong katulad mo, hindi makakatiis ng walang babae.

Jade: Ganun ba? Bakit ang mga babae hindi ba?

Me: Oo!

Jade: Pano mo nasabi?

Me: Abogado ang asawa ko at wala na kaming time na gumawa ng himala. Alam mo na 'yun pero it's okay. Wag mo kaming itulad sa iba diyan.

Jade: Talaga lang ah.

Me: Oo!

Jade: Buti nakakapag chat ka pa?

Me: Tulog na siya. Sabado naman bukas. Pwede na akong hindi magpunta sa school ng maaga.

Jade: May pasok kayo kahit sabado?

Me: Busy kami dahil may program this week.

Jade: Hmmmmm!

Me: Bakit?

Jade: Naisip ko lang. Ang boring ng buhay mo.

Me: Mas boring naman sa'yo no!

Jade: Magiging masaya na ako after 5 months.

Me: Alam mo, nasasabi mo lang 'yan dahil hindi ikaw ako. Para sa'yo boring nga ang buhay ko pero siyempre may anak akong nagpapasaya sakin.

Jade: So, twice a week kayong lumalabas or ilang beses? Hindi mo ba naisip na kahit busy kayo ay dapat may time kayo sa isa't isa. You know what I mean.

Me: You mean. The sex? Once a week namamasyal naman kami pero this couple of months hindi na. Busy kami pareho.

Jade: Ilang buwan kanang walang sex?

Me: Ayokong sagutin 'yan. Matutulog na ako. Goodnight.

Nagkakapersonalan na kami ni Jade. Naiopen ko ang sex nang hindi ko sinasadya. Hindi ko na binasa yung reply niya. Natulog na ako.

Unfaithful Wife [Completed]Where stories live. Discover now